Dianne's POV It's already Friday and it's been two days since I last talked to Chase. Uwian na namin at nag-aayos na ako ng bag ko habang pinapanuod ni Cloud. Kanina pa siya ganyan. He's like a clingy pet, a cute one. "Naiinitan ka?" I asked. "Not really, bakit? Naiinitan ka?" Tanong niya rin at tumango ako. Kanina pa ako naiinitan kahit na may electricfan. Bumalik na kasi 'yong init at hindi pa rin naayos 'yong air conditioner ng room. Sabi nila Sir ay baka next week pa raw. "Labas lang ako saglit." "Saan ka pupunta?" Tanong ko dahil pauwi na kami dapat. "May bibilhin lang." "Hmm, sige." Sa paglabas ni Cloud ay ang paglapit naman sa akin ni Chase. Ramdam ko ang paghahanap niya ng timing maghapon pero bantay sarado sa akin si Cloud. Kung hindi naman ay kausap ko sila Janine and

