HFL1: FIVE

513 Words
Malakas ang kabog ng kanya dibdib na halos hindi na siya makahinga. Agad na sinarado niya ang pintuan ng banyo nang may pagmamadali. Idinikit niya ang noo sa pintuan at dahan-dahan nagpakawala ng hininga. Hindi niya aakalain na kakabahan siya ng ganun katindi. Nakakatakot. Isang tingin mo lang sa alam mo nang hindi siya basta-basta boss lang. She sighed. Istriktong boss. Hindi siya basta pinapasok dahil hindi siya ang inaasahan nito maglilinis ng penthouse nito. Wala naman problema sa kanya yun pero ang hindi lang niya maintindihan bakit ganun kalakas ang epekto sa kanya ng presensya nito. Nakakapanginig ng katawan. He's so handsome! The Alpha male.A dangerous one! Komento ng humahanga niya isip. Nakagat niya ang pang-ibaba labi,diyata't nagka-crush pa ata siya sa boss nila. Ipinilig niya ang ulo. Kailangan na niya magtrabaho! Natigilan siya ng maalala ang Advance-Sahod operation niya! Patay! Binuksan niya ang pintuan ng bahagya at sumilip sa labas. Bagsak ang balikat niya ng makitang wala na roon ang boss nila. "Sa head na nga lang ako makikiusap!" saad niya. Sinimulan na niya ang paglilinis gaya ng mahigpit na habilin sa kanya maingat ang bawat galaw niya sa mga gamit sa buong kwarto. May pagkasentimental ang lalaki. Napangiti siya. Mahal na mahal siguro niya ang mama niya kaya ganun na lang pahalagahan nito ang mga bagay na ginawa ng mama nito. She sighed. Bigla niya namiss ang kanya magulang. They are so loving parents. Nakakalungkot isipin na sabay na nawala ang mga ito. Alright,let's forget it. Move on,Mandy. "Hindi ako magdidesisyon sa gusto mong mangyari,Ms.Rodriguez.." anang ng head nila. Nakiusap siya rito kung maaari siya mag advance ng sahod. Sinabi niya ang lahat na pwede makaantig ng puso nito mukha naman ito naawa sa kanya kaso ang ending ay ang boss nila ang magdidesisyon sa pakiusap niya. Nagsisisi tuloy siya kung bakit hinayaan niya makaalis ang lalaki na hindi niya nasasabi. Kung hindi lang siya natuliro at ninerbiyos kanina. "Uhm,paano ko po kaya siya makakausap,Ma'am?" may desperasyon niya. Nagtaas ito ng mataray na kilay. "Puntahan mo sa opisina niya..pero hindi siya basta-basta nakikipag-usap kung kani-kanino na walang kinalaman sa negosyo.." Susubukan niya. Gipit na gipit na siya kaya kailangan niya ng kumapit sa kapal ng mukha! Napabuga siya ng hangin,tama ang head nila hindi nga madali makausap ang big boss nila. Busyng-busy ito. Wala ito sa opisina nito nang pumunta siya sa private office nito. May outdoor meeting daw ito. Madilim na ang paligid at nasa labas pa din siya ng hotel. Yes,hinintay niya hanggang sa makabalik ito ng hotel. Bakit hindi na lang sa penthouse niya ikaw maghintay? bigla saad ng isip niya. Niyakap niya ang sarili. Kahit nakasweater siya tagusan pa din ang hangin na nagmumula sa karagatan. Tinanaw niya ang private elevator. Kailangan wala siya makasabay sa elevator dahil bawal sa kanila na pumunta roon na walang pahintulot pero dahil desperado na siya pinangahasan na niya. Nakahinga siya ng maluwag ng wala nakakita sa kanya na sumakay siya roon. Desperado lang siya kaya kakapalan na niya ang kanya mukha kahit abot-abot ang kaba na lumulukob sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD