Agad na napadako ang tingin ni Jamiel sa pintuan ng maramdaman niya ang presensya ng babae si Chloe. Ang anak ng bagong investor niya na nirereto sa kanya. He sighed. Wala siya oras para harapin ito pero alam niya hindi papayag ang babae na hindi niya harapin at babalik-balik ito kaya ngayon pa lang kailangan na niya tapatin ito. Agad niya naisip si Mandy. His girlfriend. "Jamiel!"may pananabik na bungad ni Chloe sa kanya. Nanatili pormal lang siya rito. Tinanguan niya ito at hindi nag-abala na tumayo pa,inabala niya ang sarili sa binabasa niya papeles. " Pwede ba tayo maglunch?"malambing nito saad. Tumawid ito sa gilid niya at pumuwesto sa likuran niya. Napatiim-bagang siya ng dumantay ang mga kamay nito sa magkabilang balikat niya. Malambing na minasahe siya nito. Ipinilig niya

