Ayaw sana niya mag-isip-isip pa ng kung ano-ano. Kahapon agad na umuwi siya pagkatapos ng trabaho niya. Nadatnan niya si Amore na paalis naman na hindi niya alam kung saan nagpupunta . Nagtataka ito napatingin sa kanya pero wala naman sinabi. Nakahinga lang siya ng maluwag na hindi tinangka ng binata na puntahan siya. Iniisip mo ba talaga na lagi ka niya naiisip? Anang ng isip niya. She sighed. Kung kahapon nakaiwas siya ngayon hindi. Schedule niya sa paglilinis sa penthouse nito. Hindi naman niya pwede ipasa sa kasamahan dahil hindi iyun gusto ng binata,naalala niya na tumawag pa ito sa front desk kung bakit siya ang nandun. She sighed. Bakit ba siya umiiwas? Hindi ba dapat magkatapatan na sila habang maaga pa? Tama,mas maganda kung maagapan niya ang nararamdaman para sa binata. B

