Chapter 6: Pissed

1755 Words
CHAPTER 6: Pissed Jenan's POV Mabilis lumipas ang araw at Huwebes na ngayon. Alas nwebe na naman ako makakauwi neto. Napabuntong-hininga na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad patungong lecture hall. Nang nakarating ako ay pumasok ako agad at nadatnan ko na andito na pala ang ibang kaklase ko. I look around to find Ethan but he's out of nowhere. Saan na naman kaya siya nagsusuot? Makalipas ang iilang minuto ay dumating na ang professor namin si Attorney Quiñones. Nag roll call muna siya bilang attendance. "Si dela Conde lang ba ang seat in?" Napaangat ako ng tingin nang marinig ang apilyedo niya. Andito siya? May kung anong saya ang bumalot sa puso ko pero kaagad itong nawala nang nakita ko ang babae na tumayo. "Yes, ako lang po maam" magalang niyang sabi saka siya umuupo. Maier? I know that her name is Maier but I wasn't aware that her surname is dela Conde. Is she his sister? Or is she his wife? Well, kung ano man ang relasyon niya sa pulis na iyon ay wala na akong pakialam. Halos wala akong maintindihan sa pinagsasabi ni Attorney Quiñones at hindi ko alam kung bakit. Bumuntong-hininga na lamang ako at iniligpit lahat ng gamit ko at lumabas na ng lecture hall nang matapos ang klase ko. 'Di ko na nga hinintay si Ethan at nauna na ako sakanya. Pumunta muna akong banyo para maglagay ng face powder sa mukha. I know how oily my face right now. Bilang bumukas ang pintuan kaya't napatingin ako sa kakapasok lang na babae, she's attorney Quiñones daughter. 'Di ko alam ang pangalan niya pero nasisiguro kung anak ito ni Attorney. Nagkatinginan kami sa salamin at inirapan niya akong bigla. Problema niya? Lumabas na lang ako sa comfort room dahil wala ako sa mood at baka siya ang mapagbuntungan ko. Pagkalabas ko ay parang bumagal ang ikot ng mundo. Anong kahibangan na naman ba ito? Nakita ko lang siya na nakatayo sa labas ng cr ay ganito na ang nararamdaman ko? Sinuyod ko siya ng tingin, mula ulo hanggang paa. He's wearing his very neat uniform. He looks so manly. He has a broad shoulder, and so tuned muscles na kahit nakadamit ay mahahalata mo pa rin. Napalunok ako nang napatingin ako sa ibaba niya. The bulge between his thighs looks so...ahm...nevermind­...I think I shouldn't check that out. That's his private property. Nang ibinalik ko ang tingin sa mukha niya at napansin ko ang bahagyang pag-angat ng gilid ng labi niya. "What can you say about the bulge between my thighs, Jenan?" Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway nang marinig ang sinabi niya. Pakiramdam ko'y singpula na ng kamatis ang pagmumukha ko dahil sa hiya. He just saw me scanning him. Napapikit na lang ako nang mariin. Bakit ko ba kasi 'yon ginawa?! "Was it fine, Jenan?" mapanuksong tanong niya. Pinandilatan ko siya. "Bastos!" sigaw ko sa kanya sabay lakad paalis. I heard his sexy chuckles. Damn it! Pati ba naman pagtawa niya ng bahagya ay sexy na para sa akin? Nahihibang na nga talaga siguro akong tunay! Pagkauwi ko ng bahay ay 'di ko malimut-limut ang nangyari kanina. Nakakahiya. Pero ang ipinagtataka ko, bakit sila magkasama ng anak ni Attorney? Noong kailan lang kasama niya 'yong model ngayon naman 'yong anak ni Attorney. Ganoon siya kababaero? Sa 'di malamang kadahilanan ay tinawagan kong bigla si Eurika. "Hey, jenan, napatawag ka?" bungad niya sa akin. "Kilala mo si dela Conde?" napakagat labi ako sa naging tanong ko sakanya. "You mean, Police Officer Henrik Lawrence dela Conde?" tanong niya saakin. Tumango ako kahit di niya ako nakikita. So that's his full name? Well, his name suits him. "Yeah, siya nga" sabi ko. "So, do you know him?" dagdag ko. "Nope 'di ko siya kilala. Pero nakita ko na siya kanina. Dinala siya ng anak ni Attorney Quiñones kanina sa klase namin. And honestly he is so yummy Jenan!" sabi niya sabay tili. Bakit kaya siya dinala ng anak ni Attorney? May namamagitan ba sa kanilang dalawa? "Jenan? You still there?" Tanong niya sa kabilang linya. "Antok na ako, kita nalang tayo bukas" sabi ko sabay patay ng tawag. Mabilis umusad ang oras kaya natapos na ang lahat ng klase ko para sa araw na ito. It's now seven thirty in the evening at may plano kami nina Eurika na sabay na kaming mag dinner. Sabay na rin daw kaming pumunta sa restaurant na sinasabi nila. 'Di daw ako magsisisi na sumama sa kanila dahil bukod sa masarap na ang mga pagkaing nakahain masarap din daw ang chef. "Grabe 'yong ten minutes niyo naging thirty minutes," reklamo ko sakanila. Sumakay na ako sa van at tumabi kay Ethan. Ngumiti siya sa akin at sa gulat ko ay bigla niyang hinalikan ang pisngi ko. He's not always like this unless kung may kailangan siya saakin. "What is it Ethan?" Tanong ko sakanya. "Well, nag-away kami ni mommy, so sa bahay niyo muna ako," sabi niya ng nakangiti. Wala na akong reklamong ginawa dahil sanay na akong ganito siya. "Ang bait talaga ng bestfriend ko" sabi niya sabay yakap saakin. "Kapal ng mukha mo Ethan, nangangankin ka ng 'di iyo! Ako kaya 'yong best friend niya," singit naman ni Eurika. Here we go again. Magtatalo na naman ang dalawang 'yan kung sino sa kanilang dalawa ang bestfriend ko. Nang nakarating na kami sa restaurant ay naging pormal na silang lahat. Tipid kung magsalita kaya nakakapanibago. Ammy is not as silent as this. Elise is not a pacute type of girl. And Eurika cannot survive without talking that much kaya nagtataka ako kung bakit sila nagkakaganito? What the hell is happening here at bakit parang may anghel na dumaan sa harapan namin? Ang tahimik nila eh! "Ayan na! Ayan na!" sabi ni Elise sabay siko saakin. Napakunot noo na lang ako. "Syet! He's so hot nagwewet na ako rito," halos masamid ako sa sarili kong laway sa sinabi ni Eurika. "Bibig mo, Eurika," awat ko. Like what the effing f**k? Nag we-wet? So she means nahohorny siya dahil sa papalapit na lalaking parang modelong naglalakad papalapit sa amin? Teka. He's familiar. Kailan ko nga ba siya nakilala? "Hi chef Homer!" bati ni Ammy sakanya na may kasamang malapad na ngisi. Homer. Homer. Saan ko nga ba narinig ang pangalang 'yan? Nanlaki ang mata ko nang marealize ko ang lahat. Pinsan ito ni Henrik Lawrence dela Conde! Napainum na lang ako ng tubig nang wala sa oras. Sana'y di niya mabanggit sa mga kaibigan ko na nakipagdate ako sa pinsan niya. "Hi miss Jenan!" Kung sinuswerte ka nga naman oh. Pilit akong ngumiti ay kumaway sa kanya. "Hi," sabi ko. Please. Please. Just take our orders and leave, baka ano pang masabi mo! "Kilala mo siya?" tanong ni Eurika kay chef Homer sabay tingin saakin na nakataas ang kilay. "Yeah, nakadate niya ang pinsan kong si Henrik Lawrence." Putangina. Sinamaan ko ng tingin si Homer pero ngumiti lamang siya ng nakakaloko. "Banyo lang ak-"' di ko na natapos ang sasabihin ko ng hilahin ako pabalik ni Ethan sa upuan. There's something in his eyes that I couldn't name. Is he mad? But why? "Why didn't you tell me about this?" seryoso niyang tanong. Eurika is looking at Ethan. Napangiti siya nang mapakla. "Malaki na siya Ethan, so no need para ipaalam niya 'yon sa 'yo," sabi ni Eurika sabay irap. "So Jenan how it feels?" tanong ni Eurika na tila iniinis si Ethan. Hindi ko na lang siya sinagot at nagkibit balikat na lamang. Si Ammy na ang nag-order sa lahat ng kakainin namin. Enjoy na enjoy pa nga siya habang nakikipagtitigan kay homer na siyang nagmamay-ari ng restaurant na ito. "Look at that guy, siya 'yong Henrik Lawrence dela Conde 'di ba? Matapos kang edate may edadate na naman siya? After attorney's daughter, si Alinier Sanchez naman? Oh, come on! 'Yan ba 'yong sinasabi niyong bagay kay Jenan?" inis na sabi ni Ethan kina Eurika. Sinasabi kasi nila kanina na bagay na bagay ako at si Henrik sa isa't isa. But they are all wrong. Mas bagay sila nong kasama niyang si Alinier Sanchez. Umupo sila sa katabi naming lamesa. Dito sa restaurant na ito niya ako dinala. Dito niya ipinagtapat 'yong nararamdaman niya kuno saakin. At dito na rin niya ngayon dinala ang babae niya! Para sa isang tulad kong babae na sinabihan niyang gusto niya ay naiinsulto ako sa ginagawa niya ngayon. Ganyan ba talaga ang mga lalake? Kainin na niya 'yong I like you niya! Pero, teka lang, Jenan. You rejected him, kaya h'wag tayong bitter. Tumango ako sa sarili kong naisip. He has the liberty to that. I rejected him. I rejected him... Mabilis akong natapos sa pagkain at inis na inis ako sa nakikita ko sa peripheral vision ko. Nagsusubuan lang naman silang dalawa sa kabilang lamesa. "Sana all!" bigla kong nasambit. Mabilis pa sa alas kuwatro nang nagsitinginan ang lahat sa akin kaya napangisi na lamang ako ng pilit. "Henrik what are your plans for Christhmas? Gusto mo samahan mo na lang ako sa Bangkok?" dinig kong tanong ni Alinier kay Henrik. "Comfort room lang ako," paalam ko sa mga kaibigan ko na kumakain pa rin ngayon. Nilagpasan ko ang lamesa nila at inirapan ko si Henrik na ngumiti sa akin. Leche siya! Naiinis ako sa kanya! Ang landi niya! "Sarap kumain ng tao!" sigaw ko sa loob ng banyo since ako lang naman ang tao dito. "May lahi ka bang aswang?" tanong ni Homer na biglang sumulpot. "Ikaw? May lahi ka bang kabute at bigla ka na lang sumusulpot?" sabi ko sakanya sabay irap. Iiwan ko na sana siya sa loob ng banyo nang bigla niya akong hinigit at hinawakan ang baba ko at kunwari hahalikan niya ako. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Like what the hell?! "Opps sorry nadulas labi ko, sige alis muna ako may iluluto pa ako," sabi niya ng nakangiti nang nakakaloko. Hindi naman niya ako nahalikan pero nagulat pa rin ako sa ginawa niya. Baliw ba siya? Aalis na sana ako nang may humarang daanan ko. What is he doing here? "Why the hell did you let him kiss you?!" pabulyaw niyang tanong sa akin na ikinagulat ko. Sasagutin ko na sana siya ng bigla niya akong isinandal sa pader at ikinulong gamit ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ko. Wait. Ano na naman ang nagawa ko? "After what happened between the two of us makikita ko lang na nakikipaglaindian ka sa pinsan ko?" What? Ano bang pinagsasabi ng hinayupak na pulis na ito? Sa inis ko sakanya ay bigla ko siyang nasampal. How dare him! "You flirt!" mariin niyang sabi kaya sinampal ko ulit siya. I'm hurt by his words but I will never let him see that I'm hurt. Ako pa talaga ang malandi? Eh wala naman akong ginagawang masama?! "You should've never let another man kiss you. Save your dignity, get that?" Parang tumaas ata ang altapresyon ko sa sinabi niya. "Why are so possessive and caring officer dela Conde? Bakit, ano ba kita?" Napaawang ang labi niya sa naging tanong ko. Tinulak ko siya para makaalis na ako at pagpakatapos ay iniwan ko siya na nakatayo doon sa loob To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD