CHAPTER 5: Babaero
Jenan's POV
This is a dinner date, right?
Ba't parang ang bilis naman ata? Kani-kanina lang nagkahalikan kami and now we're having a date? What's next to this? Will he ask me to be his girlfriend?
Oh my Jenan what are you thinking? Are you insane? He's just being polite kung ano-ano na 'yang pinag-iisip mo. You're overthinking!
Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at hinayaan ang awkwardness na bumabalot sa amin. Napabuntong hininga na lang akong bigla. The deafening silence is killing me.
Anong klaseng date ba 'to? Parang mag-isa lang ako kasi wala naman akong kausap.Nandyan nga siya pero wala naman siyang imik. Sa lahat ng naka-date ko siya lang 'yong tahimik.
Napatingin ako sa phone ko ng bigla itong nag vibrate sa lamesa. I've got a text from my father.
Papa: where are you?
Nagtipa kaagad ako ng reply para sakanya.
To Papa: I'm having dinner with a friend dad.
After I sent it ay nagulat ako nang nilahad ni Henrik ang kamay niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Ano na naman ang balak niya?
"Let's dance," wika niya.
Ohh. So balak niyang magsayaw kami.
This date could have been so romantic kung nagsasalita lang sana siya kanina pa. I put my hand into him and I felt some current again. Kalahi ba siya ni Volta at ang dami niyang electric current sa katawan?
Nagbaba ako ng tingin nang magtagpo ng ilang segundo ang mga mata naming dalawa. Hindi ko alam pero hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. The way he looks at me is different. I can see the desire in his eyes and more emotions that I couldn't name.
Tinatagan ko ang loob ko at nakipagtitigan ako sakanya at ganon din siya sa akin. There's now an inch gap between us nang bigla niyang nilingon ang tumutugtog ng violin at inutusang umalis kaya kami nalang dalawa dito.
Tinitigan niya ang mga ko pagkatapos ang mga labi ko. Bumuntong hininga siya matapos.
"Nakatulog ka ba nang maayos paglabas mo ng kulungan kanina?" tanong niya.
Hindi na ako nagsalita bagkus ay tinanguan ko lang siya para iparating na mahimbing naman ang tulog ko. He's still dancing with me in this dim restaurant kahit na walang musika.
"Ako kasi hindi ako nakatulog nang maayos. I was thinking about our kiss. I was thinking about you and I don't know why. What did you do to me to make me feel this way?"
Napataas ang kilay ko at napangisi.
"I couldn't stop thinking of you since the time I taste your cherry-flavored lips. " napanganga ako sa sinabi niya.
Wow. That is so touching.
I wonder if ilang babae na kaya ang nasabihan niya nito? Pinilig ko ang ulo ko at saka ngumisi sa kanya. Tingin niya ba madadala niya ako sa paganyan-ganyan niya?
"So, you're into me, officer?" tanong ko.
He smiled a bit bago niya inilapit ang labi niya sa labi ko pero iniwas ko ang mukha ko kaya pisngi ko ang nahalikan niya. Kanina pa lamang kami nagkakilala tapos inaya na niya akong makipagdinner sa kanya. Akala ko pa naman maginoo siya, pero hindi pala.
He's a playboy.
At ang tulad niyang lalaki ay iisa lang pakay sa tulad ko, a one night stand. Pero hindi ko kayang ibigay sa kanya iyon. Dahil hindi ako isang kaladkaring babae gaya ng inaakala niya.
"Hindi pa ba sapat na suspended ka sa duty mo, Officer? O baka gusto mong talagang masesante? Kung mahal mo ang trabaho mo, officer, then don't mess up with me," pagbabanta ko sa kanya.
He just let out a sexy chuckle and then he touches my lips using his thumb.
"You're the one who's messing with me, Mercado. You just stole my heart."
Napatawa ako sa kanyang tinuran.
"Oh come on, if you're thinking na matutulad mo ako sa ibang babae mo p'wes nagkakamali ka," seryoso kong sabi sa kanya.
"But I'm serious, Mercado, I like you," sabi naman niya.
Nagpakawala ako ng mahinang tawa at kinalas ang kamay niya sa baywang ko.
"But I don't like you dela Conde, so let's stop this," sabi ko sakanya.
His jaw clenched and his lips formed a thin line pero kalaunan ay ngumiti siya ng pilit.
"Ok, if that's what you want. Sorry if you felt harass earlier," sabi niya sabay lakad paalis sinundan ko siya.
I feel guilty. Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit biglang nagbago ang mood niya.
But men like him should not be trusted easily, kailangan muna ng maiging pagmamatyag para masigurong wala talagang masamang balak. Dahil kung ngayon pa lang ay bibigay na ako sa kanya, ako ang dehado sa huli dahil ako ang babae.
"Get in the car," seryoso niyang sabi saakin.
Sinunod ko naman ang gusto niya.
Pinaandar niya matapos ang sasakyan at seryoso siyang nakatuon sa kalsada.
Pinagmasdan ko siya habang nagmamaneho. Nakahawak siya sa manebela nang napakadiin.
Is he mad?
Bumuntong hininga na lang ako at itinuon ang pansin sa bawat nadadaanan namin. Papalapit na ang pasko kaya ang dami ng mga nagsilagay ng Christmas decoration sa bahay bahay.
May nadaanan kaming isang bangko na maraming pulis na nakabantay kaya nagtanong ako sa kanya kung anong nangyayari roon at ang sabi niya ay baka may holdapang naganap.
"Stay in the car, h'wag kang lalabas dito. Ayaw kong may mangyaring masama sa'yo,"lumabas kaagad siya sa sasakya.
Did he just forget na suspended siya ng isang buwan sa trabaho? Hindi dapat siya makialam diyan.
Mabilis ang mga pangyayari at sa paglabas niya mismo ng sasakyan ay nagkaputukan na. Bigla siyang pumasok ulit sa sasakyan.
"Are you alright?" tanong niya sa akin.
Tumango ako habang nakayuko sa sasakyan niya upang di ako matamaan ng bala. I remove my seatbelt pagkatapos ay sumksuk ako sa ilalim ng dashboard.
"Diyan ka lang, naiintindihan mo?" tumango ako sa kanya.
He then left me.
May iilan pa akong narinig na putok ng baril may sigawan din mula sa iilang taong narito.
"Dela Conde, anong ginagawa mo rito? Teka may tama ka!" narinig kong sigaw ng isang pulis.
Bigla akong nag-aalala sa kanya kaya lumabas ako sa kotse at sa kasamaang palad ay may biglang nagtakip sa bibig ko.
Gusto kong sumigaw pero di ko magawa. May hawak siyang baril at nakatutok iyon sa akin.
"Itigil niyo ang pagpapaputok kun'di sasabog tong bungo ni miss beautiful!"
Napatingin sa amin ang lahat maging si dela Conde.
Isang malakas na mura ang pinakawalan niya at itinutok kaagad ang baril na inagaw niya sa kasamahan niya sa lalaking may hawak saakin.
"Di ba sinabi kong 'wag kang lalabas?!" pagalit niyang turan.
Nanggigil na talaga siyag kalabitin ang gatilyo pero di niya magawa dahil hawak ako ng lalaking ito. May takot at pangamba sa mga mata niya.
"Girlfriend ka niya?" mahinang tanong nong lalaking may hawak sa akin.
"Hindi ah! Anak niya ako!" sagot ko naman sa kanya.
Parang di niya ata nagustuhan ang sagot ko dahil mas idiniin pa niya ang baril niya sa ulo ko. I really feel so nervous right now. Kahit marunong akong mangarate iba pa rin ang pakiramdam kapag ka natutukan ka ng baril sa ulo.
Jenan, you need to calm. Mag-isip ka ng paraan, dahil walang kasiguraduhang maliligtas ka talaga. Paalala ko sa sarili ko.
"Palabasin niyo ang mga kasama ko kung hindi patay sa akin ang babaeng 'to," sabi niya naman na nanginginig ang boses.
Ramdam ko ang takot niya sa pangyayari.
"Kuya? Ilang bala nalang meron ka?" tanong ko sakanya.
"Isa na lang at sapat 'yon para pasabugin ang bungo mo," sagot niya naman sa akin.
Isang bala na lang ang meron siya. Maybe I could just take a small risk right now.
"Ganon po ba? Sana po mapatawad niyo ako sa gagawin ko."
Pagkatapos kong sabihin iyan ay hinawi ko ang baril niya na nakatutok saakin at siniko ko siya kaya napabitaw iya sa baril kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na sipain ang pagkalalake niya at pagkatapos ay inumpog ko ang ulo niya poste ng ilaw. Kinuha ko ang baril na nabitiwan niya at kinasa ito. Hinawakan ko ang buhok niya at itinutok ang baril sa ulo niya.
"Bibilang ako ng hanggang lima, dapat lahat kayo sumuko na at kapag hindi niyo ginawa sabog ang bungo ng lalaking 'to!" pagbabanta ko sa mga bandido.
Dela conde's eyes are full of amusement pero bakas pa rin dito ang pangangamba. Feels like he was stunned by my action. Well, he should be. Dahil hindi biro ang ginawa ko.
"Isa!" bilang ko nang 'di gumalaw ang mga bandido sa loob.
"Pag 'di sila lumabas diyan paglalamayan ka na mamaya. Hindi ako nakikipaglaro rito," banta ko sa hostage ko.
Napalunok naman siya at bigla niyang sinigaw na sumuko nalang ang mga kasama niya.
"Dalawa!" sigaw ko.
"Maawa ka may mga anak ako,"pagmamakaawa niya saakin.
"H'wag ka sakin magmakaawa, d'on sa mga kasamahan mo," sabi ko sa kanya.
"Tatlo!"
Handa na akong iputok ang baril nang biglang nagsilabasan ang tatlo niyang kasamahan nang nakataas ang dalawang kamay, hudyat ng pagsuko. Pinakawalan ko ang bihag ko nang lumapit si dela Conde para pusasan ito. Pero habang pinupusasan niya ang kriminal ay sa akin lamang siya nakatigin.
He's staring me like I'm the most precious thing he ever has seen.
Pinasa niya naman matapos kay Castro 'yong lalaki.
"Hindi ka ba nasaktan sa ginawa mo?"
The concern is clear in his voice and eyes. I can sense it. Inabot niya ang kamay ko at hinaplos ito. At doon ko napansin na may sugat pala ako. Hindi naman ako nakaramdam ng kirot dito kanina.
"Halika gagamutin natin 'yan," sabi niya sabay hila sa akin nang marahan papunta sa sasakyan niya.
Nang nakapasok na kami ay ginamot niya ito. May medicine kit siya sa loob ng sasakyan at iyon ang ginamit niya. Napansin kong may dugo ang damit niya at naalala ko na may tama pala siya kanina.
Sinabi ko sa kanyang gagamutin ko rin ang sugat niya para sag anon ay hindi na lumala pa. Bumuga siya ng hangin bago hinubad ang damit niya. Ngayon ay 'di na ako makahinga nang maayos dahil nakabalandra sa harapan ko ang matipuno niyang pangangatawan.
Hindi ko maayos ang paggamot sa daplis niya dahil naiilang ako sa mga titig niya sa akin. He smiles at me. Pagtapos ay nilagay ang takas kong buhok sa likod ng tenga ko.
Biglang bumilis ang t***k ang puso ko nang isang dangkal nalang ang lapit ng mukha naming dalawa. Inilapit pa niya ang mukha niya kaya ipinikit ko na ang mga mata ko at naghintay na dumampi ang kanyang mga labi sa labi ko.
At first, I really thought he would kiss my lips but I was wrong. He just kissed my forehead. Pagkatapos ay pinaandar na niya ang sasakyan niya nang wala man lang pang-itaas na damit at inihatid ako pauwi and that was our last meeting.
Isang buwan na ang lumipas at wala na akong naging balita sakanya. At sa loob ng isang buwan na iyon ay parang may kulang. Some part of me is missing. Some part of me is looking for dela Conde.
Hinahanap hanap ko ang mga halik niya.
Nababaliw na ba ako?
"Hey! Are you listening?" taas kilay na tanong saakin ni Eurika.
Ngumiti ako nang pilit sa kanya at nagpaumanhin.
"So this is what I was saying. May magaganap na duo fight sa Arena and nilista ko si Mikael at si Ammy para d'on," sabi ni Eurika at saka napangiti pa.
She's now wiggling her brows.
"Oh no! You are kidding right?"
Umiling si Eurika sa tanong ni Ammy.
"Of course I'm not. So better prepare, right Mikael?" si Eurika.
"Yeah," maikling sagot ni Mikael pagkatapos ay pinasadahan niya ng tingin ang babaeng dumaan bigla sa gilid niya.
Tsk! Babaero talaga kahit kailan.
Nasa isang club kasi kami ngayon at nag-iinuman.
"Sana ito na iyong huling away na sasalihan natin."
Napatingin silang lahat sa akin nang sabihin koi to. Bumuntong hininga ako at saka pinaglaruan gamit ang hintututo ko ang bibig ng basong ginagamit ko.
"Alam naman nating lahat na hindi iyon legal, hindi ba? So I guess, you understand my reason," sabi ko.
Tumabi naman kaagad sa akin at saka umakbay.
"Yeah, Jenan is right. At saka, plano pa naman nating magserbisyo sa gobyerno in the future, so basically, it's really ironic for us to continue doing those things. 'Di ba?"
Nagsitanguan naman ang mga kaibigan naming sa sinabi ni Ethan. At the very beginning wala naman talaga kaming balak na permanenteng gawin ang pakikipagbuno sa arenang iyon, pampalipas oras at katuwaan lang naman ang pagsali namin but I think, it would be better for us to stop doing it bago kami mahuli ng mga parak. Hindi lang pangalan namin ang masisira pati kinabukasan naming lahat.
"Maiba ako, ha. Matagal na rin simula nong nagkainjury ka Jenan, wala ka na ba talagang balak sumabak muli sa ring?" Eurika asked.
Lahat sila ngayon ay nakatutok sa akin at hinihintay ang sagot ko. Ngumiti ako ng payak at saka umiling.
"May mga bagay na maaaring ipagpatuloy mayroon namang hindi," sagot ko.
Ngumiti ako bago tinungga ang laman ng basong nilahad ni Ethan sa akin ngayon lamang.
"I can't risk my life again," dagdag ko pa.
Napataas naman ang kilay ni Eurika sa akin.
"Really? So hindi risky 'yong sa arena?"
Napangisi na lang ako at napailing-iling.
"Of course, it is. Kaya nga titigil tayo hindi ba?" wika ko.
"Whatever!" Eurika said.
***
"Jenan, dhalin!" dinig kong tili ng isang may edad na babae pero bakas pa rin dito ang kagandahan.
Ngumiti muna ako bago nakipagbeso-beso kay Tita Ethel, Ethan's mom. Sinundo kasi namin siya ngayon sa NAIA. Walang ibang masama si Ethan kaya ako na lang ang sumama sa kanya sa pagsundo. Sa pagkakaalam ko, magbabakasyon rito si Tita Ethel sa loob ng dalawang buwan.
She wanted to relax her nerves daw, kasi sobrang stress na niya sa business ng pamilya nila.
"So kamusta naman kayo rito? Hindi mo naman pinabayaan si Jenan 'di ba?" tanong ni Tita Ethel kay Ethan.
Napailing na lamang si Ethan. They always tease us, kahit noong mga bata pa kami hanggang sa lumaki na kami. Maski ang paghawakan namin ng kamay ni Ethan ay binibigyan nila ng malisya. Kung alam lang sana nila kung gaano ka babaero si Ethan malamang 'di na nila ipagtutulakan sa akin si Ethan.
"Kain na muna tayo nagutom kami kakahintay sa 'yo," Ethan told his mom.
Natawa na lang ako dahil gusto ng mommy niya na magselfie muna kami bago tumulak palabas pero ayaw ni Ethan kasi ang corny raw, hindi naman daw first time ng nanay niyang makauwi ng Pilipinas. Pero sa huli ay wala siyang nagawa at nakiselfie na rin sa amin.
Ngiting-ngiti ako sa camera pero unti-unti itong napawi nang makita ko kung sino ang naglalakad papasok sa airport. Nakashade siya habang suot ang long sleeve na tinupi niya hanngang siko. Para siyang modelong naglalakad sa loob ng airport.
Isang buwan simula nang huli naming pagkikita. Paano niya ba namementina ang kakisigan niya? Pero ilang sandali pa ay napangisi ako nang mapakla.
A girl in a ponytail ran into him and stop him from walking. Napataas ang kilay ko sa nasaksihan ko. He hugs the girl with a big smile on his face.
Wow. He's that happy to see that girl?
He told me I was pretty and he told me that he likes me, but I've never seen him smile like that to me. Snap it, Jenan! Ganyan naman halos lahat ng lalaki, makakita lang ng mas maganda, iiwan ka na.
"Buti na lang hindi ako nagpa-uto," bulong ko sa sarili ko.
I was really right nang sinabi kong playboy siya. Dahil una, kung matino pa siya at maginoo, hindi siya basta-bastang manghahalik na lang sa isang babaeng kakakilala niya lamang tulad ko. Pangalawa at panghuli, kung talagang seryoso siya sa isang tao he wouldn't date another woman.
Pinagmasdan ko muna sila nang mabuti habang may sinasabi pa si Ethan sa mommy niya. Nang makita ko ang pagmumukha ng babaeng kalampungan ni dela Conde ay nagulat ako. She's one of the models of Kristy Magazine. She's Alinier Sanchez.
I bite my lower lip.
"Jenan, ayos ka lang?" tanong ni Ethan na siyang umagaw sa atensyon ko.
Tumango ako sakanya at ngumiti para ipakitang ayos lang naman ako.
Kaso, bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako palabas na siyang ikinagulat lp.
Nakita kong napatingin sa banda namin si dela Conde and then our eyes met and his smile faded.
I smile at him pagkatapos ay tuluyan na akong nakalabas kasama si Ethan.
Bakit ganon? Parang may kung anong bagay akong naiwan sa loob ng airport dahil sa bigat ng nararamdaman ko.
To be continued...