CHAPTER 3

1659 Words
MALAKAS NA NAPABUNTUNGHININGA si Matthew nang marinig ang malakas na hilik na iyon ni Berry sa kanyang tabi sa backseat ng kotse. Patungo na sila noon sa Baguio at dahil hindi sanay siguro na gumising ng ganon ka-aga, pagpasok na pagpasok pa lang ng dalaga sa kotse ay agad na itong nakatulog. “Kababaeng tao, ang lakas maghilik,” sambit niya. “Mukhang pagod na pagod, Sir Matthew,” wika ni Manuel. “O baka sobrang excited kaya hindi na nakatulog ng maayos kanina.” “With all the money she will get from her inheritance, kahit sino ay hindi makakatulog.” Napangiwi siya nang muling mag-ingay si Berry. “’Sarap busalan ang bibig…” Tumawa lang ang driver niya, habang siya ay hinalungkat ang MP3 player na lagi niyang baon sa tuwing nagbabasa ng mga kasong hawak niya para hindi siya nadi-distract ng basta-basta. At itong partikular na kasong hawak niya ngayon, ang siyang nagbibigay din ng malaking sakit ng ulo sa kanya. His role as the co-executor of their law firm’s biggest client was simple. He will assist the principal lawyer, Atty. Ferrer, Don Alfonso Banal’s personal lawyer, in executing the latter’s will to his eight estranged granddaughters. And in case Atty. Ferrer could not accomplish all of it due to his age right now, Matthew will be the one to take on the case himself, until the will was fully accomplished. Easy. Or so he thought. Kung hindi lang sa babaeng ito… Sa lahat ng magkakapatid na Banal na nakilala niya para ipagbigay alam ang tungkol sa bagong kapalaran ng mga ito bilang mga tagapagmana ng mayamang don, itong si Berry ang muntik na niyang sukuan. Pumalpak na nga ang private investigator sa pagkalap ng impormasyon sa dalaga dahil hindi niyon nalaman na ulila na palang lubos si Berry, lagi pa siyang tila tutubuan ng tumor sa utak sa kakaintindi sa kakaibang ugali nito. Sanay nga naman siya sa mga babaeng pino ang pagkilos, pananamit at pagsasalita. Kahit ang mga kapatid ni Berry ay ganon. Pero ang isang ito… parang gusto niyang ma-culture shock. Kung hindi lang sa pangarap niyang maging senior partner sa pinakamalaking lawfirm sa bansa kung saan kabilang ang mga pinakabatikang abogado sa kasaysayan ng Pilipinas, hinding-hindi niya pagtitiyagaan ang mga petty requests ng mayamang don. Matthew was one of the best lawyers of this generation, and being the senior partner of the lawfirm was his biggest dream. Pero makukuha lang niya ang inaasam kung makukuha rin niya ang pabor ni Don Alfonso. Sa laki at lawak ng impluwensiya ng don, magagawa nitong ipatikom ang bibig ng mga kokontra sa paglalagay kay Matthew sa pagiging senior partner niya. May malaki kasing posibilidad na hindi niya makuha ang posisyong iyon dahil sa edad niya. At sa mundo nilang mga abogado, uso pa rin ang seniority kaya kahit sapat na ang credentials niya para sa posisyong iyon, hindi pa rin maiiwasan ang may tututol sa mga abogado sa kanilang lawfirm. Matthew wasn’t fond of red tape. And he hated the fact that he had to resort to it to get what he wanted. But he deserved that position, and he will get it no matter what it takes. And he wanted it now. Wala na siyang balak na maghintay na tumanda para lang mapunta sa kanya ang posisyong iyon. Wala siyang oras na pagbigyan ang mga kapritso ng mga matatandang abogadong naghihintay na lang na dumating sila sa panahon na qualified na sila para maging senior partner. Kasalanan nila kung bakit napaglipasan na sila ng panahon at hindi pa rin sila nakakarating sa gusto nilang posisyon. Kaya sige. Pagtiyagaan ang walang kakwenta-kuwentang kasong ito ng mga apo ni Don Alfonso Banal Sr. Binalingan ni Matthew si Berry nang muling marinig ang paghilik nito. Kahit tulog ay halata na mahigpit pa rin ang yakap nito sa lumang backpack, ang tanging dala ni Berry, na tila ba national treasure ang laman niyon. Pagkatapos ay dumako ang tingin niya sa mga hita ng dalaga na kitang-kita dahil sa isang maong shorts lang din na suot nito. He had to admit, she got nice legs. Nang makita niya ito kanina pagsundo nila rito, gusto sana niya itong sabihan na magpalit ng pantalon dahil malamig sa Baguio, lalo na sa Sagada. But he just couldn’t take his attention off those long, slim pair of legs. Hindi sa nananadya siya. Marunong lang talaga siyang kumilala ng mga bagay na dapat na itinatago at idini-display. Since sila lang naman ni Berry ang naroon sa backseat ng kotse, walang problema kung naka-shorts lang ito. Walang ibang maaaring makabastos dito ng di sinasadya. Uutusan na lang niya itong magpalit ng pantalon mamaya kapag nakarating na sila sa destinasyon nila. In the meantime, he would appreciate a beauty that was worth appreciating. Nang muli niyang marinig ang paghilik nito ay napatutok naman ang tingin niya sa mukha ni Berry. Noong una niya itong makita, napapakunot ang noo niya dahil sa kabuuan nito. Old pair of rubber slippers, an even older pair of curduroy pants two times her size, and a ragged old shirt. Her hair, thick and looking like it was on a riot, framed her small smug face. Small, smug, and undeniably beautiful face. And now that she had gone to Lala Land, the contours of her face relaxed and made it looked delicate enough to make him want to reach out and touch her cheek. Her long disorganized hair were still all over the small frame of her face. But it only added to the fact that she was, indeed, beautiful. In a messy kind of way. No, not messy. Natural, more like it. Untouched. Unpretentious. And I’m probably really sleepy myself for looking at this crazy woman like this. “Manuel, pakiabot ang sweater ko riyan sa secret compartment. Alam ko may naitago ako riyan noong nakaraang linggong nagpunta ako sa Boracay.” Pagkaabot sweater ay maingat niya iyong inilatag sa katawan ng dalaga. Hahayaan na sana niya itong tahimik na matulog nang muling mapadako ang tingin niya sa mukha nito. A few strands of her hair were laying across her face. Maingat niyang inalis ang mga hibla ng buhok nito, at hindi sinasadyang mapadampi ang daliri niya sa pisngi nito. Well, what do you know…She also has the smoothest and softest cheeks… Bahagya itong kumilos, at huli na para makapag-react siya sa mga sumunod na pangyayari. “Aw!” “Bakit, Sir?” tanong ng driver niya. Hindi makapaniwala si Matthew habang pinagmamasdan ang daliri niyang nadale ng mga ngipin ni Berry. “She bit me!” Narinig niyang umungol ang dalaga. “Pucha…ang pera ko…kembak may moneh…” Tumawa lang ang driver niya. “Nakakatuwa siya, ano, Sir Matthew?” “Ikaw kaya ang kagatin ng halimaw na babaeng ito, ewan ko lang kung matuwa ka pa.” Tumawa lang uli ang driver. Siya naman ay patuloy na inaalo ang nasaktang kamay. “Damn it…” “Naikuwento lang niya sa akin kanina nang sunduin ko siya sa bahay nila, Sir Matthew, na magpapagawa raw siya ng sarili niyang sabungan kapag nakuha na niya ang mana niya.” “Sabungan?” “'Yung pinakamalaki raw, para tiba-tiba siya sa kita. At balak din daw niya bumili ng sampung kabayong pangarera, para daw hindi siya malulugi nang husto kapag natalo siya sa una niyang pusta.” “She wants to be a gambling lord. Why am I not surprised.” “Wala naman daw siyang ganong pangarap. Basta raw ang gusto lang niya, dumami ang pera niya.” "Pareho lang iyon. Pinaganda lang niya ng konti." Hinila ni Matthew ng kaunti ang blanket na ipinahiram niya kay Berry upang punasan ang kanyang kamay. Ngunit mahigpit ang hawak doon ng dalaga, kaya lihim siyang nakipag-agawan dito. You don’t deserve my kindness, you uncivilized creature! “Pero alam nyo, Sir Matthew, sa lahat ng taong nakilala ko na mahilig sa pera, iyang si Berry ang pinakamabait. Naikuwento rin kasi niya kanina na iniwan niya ang lahat ng pera niya para sa tiyahin niya.” No wonder binabangungot siya ngayon. “At nagbilin din daw siya sa tindero dun sa karinderya na dalhan ng pagkain ang tiyahin, umaga, tanghali at gabi. Kasama pati miryenda. Hindi raw kasi marunong magluto ang tiyahin niya. Kapag hindi raw nagbayad ang tiyahin ay siya na raw ang magbabayad pagbalik niya galing Sagada.” Muling tumawa si Manuel. “Halata ang panghihinayang niya na mawalay sa perang pinag-ipunan niya ng matagal. Parang maiiyak pa nga siya, eh. Pero hindi naman daw niya maiiwan ang tiyahin niya na walang budget.” Hindi umimik si Matthew. “Ang bait na bata, hindi ba, Sir? Kahit na medyo kakaiba din dahil imbes na sa tiyahin siya nagpaalam e sa refrigerator siya nag-drama bago umalis. Pero…para sa isang tulad niyang halata namang pinagmamalupitan ng tiyahin niya, nag-alala pa siya sa kalagayan ng tiyahin imbes na nagbalak na tumakas at huwag ng bumalik sa poder nun.” “Dapat lang naman na tumanaw siya ng utang na loob sa taong kumupkop sa kanya.” “Pero sa tagal niya sa poder ng tiyahin niya, Sir Matthew, sa tingin ko nakabayad na siya ng utang na loob niya sa tiyahin niya. Nakita ko kung paano siyang itrato ng tiyan niyang iyon kanina nang sunduin ko siya sa bahay nila. Parang nagpapalayas lang siya ng aso. Hay...sayang ang batang iyan. Sana ay huwag na siyang bumalik sa lugar na iyon tutal naman may bago na siyang pamilya. Isa pa, maganda siya at mabait. Hindi siya nababagay sa mga ganong lugar.” Muling sinulyapan ni Matthew ang dalaga. Napakapayapa pa rin ng pagtulog nito sa kabila ng ginawa nitong paglapastangan sa kamay niya at panaka-nakang paghilik. Somehow, watching her like that…he thought of agreeing with Manuel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD