HINDI na mabilang ni Jace kung ilang beses na namilog ang mata niya habang nagdi-dinner sila. This dinner was supposed to be a surprise for Belle. Pero mas parang siya ang na-sorpresa. Hindi niya akalain na mag-e-enjoy lahat sa dinner. Alam niyang maraming magiging tanong si Belle kaya mas pinili niyang sorpresahin na lang ito sa isang dinner kasama ang pamilya niya. Ayaw rin niyang kabahan ito. Oo, kilala na naman nito ang Ate niya. Pero hindi niya sigurado kung ano ang tingin nito sa Ate niya at kung paano rin ito pakikibagayan ng kapatid. Kilala niya ang Ate Jackielyn niya. Mataray at straight-forward ito. Aminado ito noon na hindi nito gusto si Britney para sa kanya. Pinilit lang talaga niya dahil sa katawan ni Britney at alam niyang madadala ng pamilya nito sa business n

