MAY hindi magandang pakiramdam si Belle nang ipatawag siya ni Anton sa opisina nito. Mag-isa lang siyang pinapapunta nito roon. Hindi pa nito pinasabi sa kanya ang dahilan kaya naman lalo siyang nagulo. Ganoon pa man, pumunta pa rin siya dahil boss niya ito. Nakakaloko ang ngisi ng lalaki nang makita siya kaya lalo siyang kinabahan. Tinignan rin siya nito mula ulo hanggang paa. Hindi na naman bago iyon sa kanya dahil ganoon minsan sa kanya si Jace. Pero kung nag-iinit siya sa tingin ng lalaki, pandidiri naman ang nararamdaman niya kay Anton. Kahit kailan talaga, hindi sila magkakasundo ng lalaki. "Have a seat," wika ni Anton habang prenteng nakaupo sa office chair nito. Sumunod si Belle. "Hmmm... ano po ang pag-uusapan natin?" "Po?" Natawa sa kanya si Anton. "Don't be so for

