RESPECT her, nasa isip-isip ni Jace habang sinusundan niya si Belle. Ewan ba niya pero may masama siyang pakiramdam kasi sa pag-alis ni Belle. O siguro, masama lang ang loob niya. Gusto kasi niyang makasama si Belle. Na-disappoint siya na may plano na pala ito ngayong araw. Sa mga nakalipas na araw ay nakaramdam si Jace ng pagbabago kay Belle kaya gusto sana niyang lumabas sila. Madalas kasi niya itong nahuhuli na may malalim na iniisip. Naisip niyang baka stress ito sa trabaho at kailangan nito na mag-unwind. Pero nakakalungkot lang na may ibang tao pala na gusto itong makasama na mag-unwind. Nang tawagan niya si Belle at malaman ang gagawin nito ay nasa tapat na talaga siya ng bahay nito. Hindi lang niya sinabi dahil gusto sana niyang sorpresahin ito. Ganoon pa man, sa kabi

