PARANG lumulutang ang pakiramdam ni Belle nang imulat niya ang mga mata niya. Umiikot rin sandali ang paningin niya kaya hindi kaagad nag-register sa kanya kung nasaan siya. Sumunod na naramdaman ni Belle na may humawak ng kamay niya. Iisa lang ang taong nagdadala sa kanya ng ganoong init. It was Jace. Gustong pumikit ulit ni Belle dahil sa gulong nararamdaman sa katawan. But when she realized that Jace is in her side, sinubukan niyang ayusin ang sarili at nararamdaman. Sinalubong niya ang nag-aalalang mata ni Jace. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" "H-hindi pa ganoon kaayos," hindi na nagsinungaling si Belle. Tinignan niya ang paligid. Parang lalo yatang sumama ang pakiramdam niya nang makitang mukhang nasa ospital siya. Kinumpirma niya iyon kay Jace. Tumango ito. "Nasa osp

