bc

A Wife's Regret ( Filipino )

book_age18+
629
FOLLOW
1.5K
READ
second chance
arrogant
drama
sweet
bxg
abuse
poor to rich
cruel
wild
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

TITLE: WARM HIS BED

"You will warm my bed as long as you stay here with my daughter."

Everything was perfect before. Her husband love her more than anything in this world. Randam na randam niya kung gaano siya kamahal ng asawa niya at kung gaano nito kamahal ang kanilang anak. Itinuring siyang Reyna ng kan'yang asawa. Kahit mahirap ang pamilya nila ay masaya sila. Ngunit lahat ng iyon ay naglaho nang umalis siya upang magtrabaho sa ibang bansa. Alam niyang nasaktan niya ng lubosan ang kan'yang asawa. At nagsisi siyang nasaktan niya ito. She regret what she said that night. Nangako siya sa kan'yang sarili na babalik siya at aayosin ang nasira nilang pamilya.

After six years ay umuwi siya para hanapin ang kan'yang mag ama at makasama ang mga ito. Pero marami ng nagbago. Hindi siya kilala ng kan'yang sariling anak at ibang babae ang itinuturing nitong Ina. At ang dating Primo na minahal niya ay nagbago na rin. Hindi na ito ang Primo na hindi siya kayang saktan. Ang bagong Primo na nasa harapan niya ay isang powerful businessman in asia. Gusto niyang mapalapit sa anak niya kahit kabila non ay ang pagiging s*x slave niya kay Primo. Handa siyang paligiyahin ang dating asawa sa kama para lamang makasama ang anak nila.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Pagod at wala sa sariling pumasok ako sa loob ng bahay. At halos lumipad ang aking isipan habang naglalakad papuntang sala. Inilagay ko sa kung saan ang binili kong paintbrush para sa assignment ni Tori, saka tila lantang-gulay ang aking katawan nang maupo ako sa sofa. Hindi pa man nagtatagal sa aking kinauupuan nang makarinig ako ng mga malakas na halakhak na nanggagaling sa hagdan. Lumingon ako doon at agad napako ang aking tingin sa dalawang pares ng ngiti, ngiting naging dahilan para kumirot aking dibdib. Sa kabila ng pagkirot ng aking dibdib ay hindi ko pa rin maalis ang tingin sa dalawang taong naghahalikan na ngayon. Saglit lamang ang halikan na iyon at agad ding humiwalay ang kanilang mga labi saka muling ngumiti ng matamis. May kung anong patalim na tila sumaksak sa aking dibdib dahil sa eksena na aking nakikita. Ang aking asawa na si Primo at kan'yang bagong babae. Nakangiti ito ganoon din ang kasama niyang babae. Kailan ko ba siya huling nakitang ngumiti sa akin ng ganyan katamis? Wala sa sariling napangiti ng mapait dahil sa sariling tanong. Hindi ito ang unang beses na magdala siya ng babae at ipamukha sa akin iyon. Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit ganito pa rin kasakit ang aking nararamdaman sa tuwing nakikita ko siyang may kasamang ibang babae. Na parang hindi pa rin sanay ang puso ko sa paulit-ulit kong nakikita. Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay na makita siyang may kasamang ibang babae. Tahimik ko silang pinanood na dalawa na bumaba sa hagdan. Halos matuyo ang lalamunan ko nang marinig ko ang halinghing ng babaeng kasama nito. Pinulupot ng babae ang kan'yang braso sa leeg ni Primo habang ang kamay naman ni Primo ay nakahawak sa bewang ng babae. Hindi ko kinaya nang muli silang maghalikan habang pababa sa hagdan. Kinuyom ko ang aking kamao at pilit nilabanan ang pangingilid ng luha dahil sa kirot at pait na aking nararamdaman. Ngunit kahit anong gawin kong pagpigil sa aking luha ay kumuwala pa rin iyon kaya't agad ko iyon pinunasan ng aking daliri saka nag-iwas ng tingin sa dalawa. Ayokong makita niyang nasasaktan ako sa ginagawa niya. Ayokong makita niya ang luha ko. Natatakot akong makita niya kung gaano ako kahina. Natatakot akong malaman niyang nasasaktan ako ng sobra dahil sa kan'ya. Hindi ko kakayaning umalis sa bahay na ito sa oras na makita niyang nasasaktan ako. Kinalma ko ang aking sarili at muling binalik ang tingin sa dalawa na nasa hagdan, agad nagtama ang paningin namin dahilan para mawala ang ngiti sa kan'yang labi. Bumalik ito sa dati na walang emosyon. Nang makababa sila sa hagdan ay inalis ng babae ang pagkakapulopot ng kan'yang braso sa leeg ni Primo saka naman umakbay si Primo dito. Wala akong magawa kundi panoorin silang dumaan sa harapan ko. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa front door. May binulong si Primo sa babae dahilan para humagikgik ito at mahinang hinampas ang dibdib nito. "Ikaw talaga!" humagikgik ito. "I'll call you later, Babe," ani nito saka humalik sa labi ni Primo. Kahit ayoko ng tingnan pa ang sunod nilang gagawin ay hindi ko pa rin magawang ialis ang aking mata doon. Tila may sariling isip ang aking mga mata at ayaw sumunod sa akin. Nagpalitan ng nag-aalab na halik ang dalawa. Nakita ko pa ang pagbaba ng palad ni Primo sa pang-upo ng babae saka ito pinisil. Nang mag-angat ako ng paningin ay muling nagtama ang aming mga mata. Hindi naalis sa akin ang kan'yang malamig na mata habang hinahalikan ang babae na tila ba pinapanood niya ang magiging reaksyon ko. Mariin akong pumikit at huminga ng malalim upang pakalmahin ang aking sarili saka nag iwas ng tingin. Kailangan kong masanay sa sakit na binibigay niya. Ako ang dahilan kung bakit siya naging ganyan. Kasalanan ko ang lahat. I deserve all this s**t. I ruined our family. Kung sana hindi ako umalis. Kung sana hindi ko sinabi ang mga salitang iyon noon, hindi mangyayari 'to. Kung hindi ko lang siya sinaktan, hindi siya magiging ganito. Tumayo ako para pumunta sa aking silid at doon na lang mag pahinga ngunit hindi pa ako nakaka ilang hakbang papuntang hagdan nang biglang may humila sa akin. Agad akong napalingon doon at nakita ko ang umaapoy nitong mata sa galit. Napaigtad ako at napangiwi nang humigpit ang pagkakahawak nito sa aking braso. Nararamdaman ko ang mga kuko nitong bumabaon sa aking braso. "N-nasasaktan ako!" usal ko at pilit tinatanggal ang kamay nitong mariing nakahawak sa aking braso pero mas lalo lamang humigpit ang pagkakahawak nito sa aking braso na tila ba may balak siyang baliin ang buto ko doon. "Saan ka galing?" madilim nitong tanong sa kan'ya, puno ng panghuhusga boses at mata. "Nakipagkita ka sa lalaki mo?" Kahit nanginginig ang aking tuhod ay nagawa ko pang umiling at sumagot sa tanong niya. "H-hindi. Wala akong lalaki," nanginginig ang mga labi kong sagot. "B-bumili lang ako paintbrush para assignment ni T-tori--" "Tangina! Idadahilan mo pa talaga ang anak ko para makalandi ka?" putol niya sa akin. Halos mapatalon ako sa malutong niyang pagmumura. Kinagat ko ang aking labi saka muling umiling. "N-nagsasabi ako ng totoo kung gusto mo ipakita ko pa sayo--" muli niya akong pinutol. "Shut the fvck up!" he roared. Halos mawalan ako ng lakas sa lakas ng kan'yang pagsigaw sa mismong mukha ko. "Wala kang kwenta! Gagamitin mo pa ang anak ko sa paglalandi mo!" puno ng pagkamuhi nitong sabi. Pinigilan ko ang sarili sa pagluha. Kahit anong sabihin ko ay hindi siya maniniwala sa akin. Kahit anong paliwanag ko hindi siya makikinig. Pagkatapos lahat ng pananakit ko sa kan'ya hindi na dapat ako umasang makikinig siya sa akin. And he's right, wala akong kwenta. Wala akong kwentang Asawa at Ina. Walang wala ako sa mga babaeng nakakasama ni Primo. Walang wala ako sa babaeng tinuturing na Ina ng aking anak. I'm nothing compared to them. "S-sorry," tangi kong nasambit at nagbaba ng tingin. Ang kamay niyang mariing nakahawak sa aking braso ay lumipat sa aking balikat, lumapit siya sa akin husto. "Wanna know something, huh?" bulong nito sa aking tenga. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking balat. "Eyes on me, Maphia." utos nito. Hindi ko magawang iangat ang aking paningin dahil alam kong sa ano mang oras ay maaaring umiyak na ako sa harapan niya dahil sa bigat ng aking nararamdaman. "I said eyes on me!" he growled. Mabilis akong nag angat ng tingin sa takot. Walang kasing lamig ang mga mata nito. The Primo she used to know was gone. Ang lalaking mahal na mahal siya. Ang lalaking kahit kailan ay hindi siya magagawang saktan. Ang lalaking pinangakong ibibigay sa kan'ya ang lahat ay wala na. Ang lalaking handang ibigay ang lahat para sakanya ay nawala dahil sakanya. "I REGRET LOVING YOU, I hope you always remember that." he said in a emotionless tone. "You're not worth it to love." he said before leaving. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatitig sa hagdan kung saan siya tumungo pagkatapos niyang sabihin ang salitang iyon, bago sunod-sunod na tumulo ang luha ko habang paulit-ulit na tumatakbo sa aking isipan ang sinabi niya. Kasabay ng muling pagtulo ng panibago niyang luha ay ang alaala noong masaya pa sila at mahal na mahal pa siya nito... Seven years ago.. "Pakakasalan kita. Alam kong masyado pa tayong bata at wala pa akong maipagmamalaki. Pero pinapangako ko na magiging masaya ka sa piling ko. Bubuo tayo ng pamilyang pangarap mo, Maphia," sabi niya habang nakatitig sa aking mga mata, puno ng pagsusumamo ang mga ito sakin. Tumulo ang luha ko at ngumiti sa kan'ya. "Mahal na mahal kita, Primo." Hinala ako nito saka niyakap nang mahigpit. "Mahal na mahal rin kita, Maphia. Hindi 'yon magbabago." paos nitong sabi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
96.7K
bc

His Obsession

read
74.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook