bc

Taming His Highness (Barcelona Series #1)

book_age18+
8
FOLLOW
1K
READ
HE
fated
heir/heiress
drama
sweet
city
addiction
like
intro-logo
Blurb

Despite being raised by a cruel foster mother, Lunarae Estela Ramirez never stopped dreaming of a life beyond her broken reality. At just eight years old, she saved a boy from ending his life—but he vanished without a trace.

Pagkalipas ng ilang taon, malayo na ang mundo ni Lunarae sa kahit anong kwentong pambata. Namulat siya sa reyalidad—sa isang bar na may madilim na lihim, sa ilalim ng kapangyarihan ng isang inang ginagamit siya para sa pera.

So when a group of powerful men offers her a way out, she takes the risk. Ang kapalit? Seduce and drug a mysterious VIP guest.

But he isn’t just anyone.

Gael Alvaro Barcelona, the ruthless heir to the Barcelona Empire, is feared in business and guarded by trauma. Cold. Untouchable. Until her.

Habang unti-unti silang napapalapit sa isa’t isa, isang katotohanan ang lumabas—siya rin ang batang minsan niyang iniligtas. At ngayon, ang lalaking minamahal na niya… ay ang mismong lalaking niloloko niya.

Now, with secrets rising and betrayal closing in, Lunarae must choose—disappear again, or risk everything to tame His Highness.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Marami ng parokyano ang naghihintay sa kani-kanilang mesa. Nag-aabang kung kailan lalabas ang mga babaeng gusto nilang kasama o i-kama. Sa likod ng kasiyahan,, ay ang mga silid na handa na ring gamitin at paiinitin. Sa isang sulok ay naroon ang mga babaeng nag-aayos at handang ibigay ang sarili sa ngalan ng pera. Ngunit bukod tangi akong naiiba sa kanila. Gusto kong makaalis sa mundong ito, sa isang madilim at puno ng pait na nakaraan. Subalit, ang tanong ay kung paano? Sa maliit na bayan na ito ay kilala na ako ng mga tao. Mahihirapan akong makawala sa puder ng kinikilala kong ina, lalo pa at isa ako sa pinagkakakitaan niya. “Hoy, Luna,” sundot ng katabi kong naglalagay ng makapal na blush on sa pisngi. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Nasa final touch na ako ng aking pag mi-make-up samantalang siya ay nag-uumpisa pa lang. Inuna pa kasing humarot bago mag-trabaho. Eh, siya at ang nobyo lang din naman niya na nagpapanggap na customer ang magkasama mamaya. ‘Di pa ba sila nagsasawa? “Ang lalim ng iniisip mo, girl. Pinoproblema mo ba kung paano i-entertain lahat ng lalaking pipila sa’yo mamaya?” saad niya habang natatawang nakatingin sa kanyang repleksyon sa salamin. I rolled my eyes, “I’m just thinking things, like how to escape in this hell.” Bahagya siyang napanganga sa aking sinabi. ‘Di niya siguro inaasahan na marinig ‘yon o ‘di kaya’y hindi niya naintindihan ang lumabas sa bibig ko. Nakapag-aral naman ako kahit papano, nakapagtapos ng two-year vocational course sa culinary arts. Hindi ko maitatanggi na nakatulong ang pagtatrabaho ko dito sa bar sa aking pag-aaral ngunit hindi ko rin kayang sikmurain ang nangyari sa akin sa araw ng aking pagtatapos. Napansin ko ang pagpasok ng isa ko pang kasamahan. “Luna, hinahanap ka na ng nanay mo sa labas. May dalawang lalaki ang gustong kumausap sayo.” Nakataas ang kilay ni Mandy nang sabihin ‘yon sabay kuha ng lip gloss na nasa kalapit mesa at pinahid ito sa kanyang namamasang labi. “Mukhang yayamanin, share mo naman sa akin yung isa.” hirit pa niya. Huminga ako ng malalim, ano naman kayang binabalak ng aking ina? Tumayo na ako at tinignan ang aking sarili sa salamin. Nakalugay lang ang aking ash brown long and wavy hair. Kitang-kita ang pulang damit na lalong nagpapatingkad sa kutis kong maputi, habang banayad na niyayakap ng tela ang bawat hubog na ayaw ko mang ipagmalaki, ay ginagawang puhunan ng mundong ito. Lumingon ako sa gawi ni Mandy, “Well, I’m sorry to say this but I don’t share.” Ngumisi ako at saka nagsimulang maglakad. Tila natahimik ang paligid at tanging tunog ng aking takong ang naririnig. “Ayusin mo ang trabaho mo, Luna.” saad ng nanay ko nang tumabi ako sa kanya. Nasa bar counter kami at tinitignan namin sa ‘di kalayuan and dalawang lalaki na nagsisimula ng uminom ng alak. Bahagya akong napangiwi ng makita ang mga itsura nila, pwede ko lang pala i-share ‘tong mga ‘to kay Mandy. Kung gusto niya sila pang dalawa. “Mga first time customer natin ‘yan at dumayo pa mula sa kalapit na syudad. I-entertain mo ng mabuti para malaking halaga ang maibigay sa atin.” dagdag pa ni nanay. Bahagya akong napailing, ni minsan hindi nagtagal sa aking mga kamay ang perang kinita ko. Lahat kinukuha niya tapos sasabihin niyang sa atin? Tss! Hinila ako ni nanay palapit doon sa dalawang lalaki, ngumiti pa siya ng ubod ng tamis. Parang mapupunit na nga ang kanyang bibig. “Magandang gabi ulit mga ginoo,” Mahigpit akong hinawakan ni nanay sa braso. “Heto na po ang hinahanap niyo, ang aking napakagandang anak.” “Napakaganda nga,” sabi nung isang lalaki na sa tingin ko ay nasa late thirties. Kapansin pansin ang kulay ginto na mga singsing na kanyang suot-suot sa kanang kamay. Tumayo ang kanyang kasama na medyo may kapayatan, para silang number ten. Yung pananamit nila, ‘di ko mawari kung mga mayaman ba o nagpapanggap lang. “Join us, Miss?” Inilahad niya sa aking harapan ang kanyang palad. Ngumiti ako, syempre kailangan kong gawin ‘to dahil napapanood ako ng aking napakabuting ina. Inabot ko ang nakalahad niyang kamay at tinitigan siya. “Lunarae Estela Ramirez, you can call me Luna.” Hinalikan niya ang likod ng aking palad, “Kay gandang pangalan.” aniya at iginiya ako sa kalapit na couch at pinaupo sa pagitan nilang dalawa. “Arturo,” pakilala niya at tumingin doon sa matabang lalaki na kasama niya. “Siya naman si David.” “Mga ginoo, gusto ko lang sana malaman kung bakit niyo gustong makausap ang aking anak?” usisa ng aking nanay na nakatayo pa rin sa gilid. “Gusto namin siyang dalhin sa San Matias.” agarang sagot ni David. “Nakikita naming babagay siya sa The Empress.” The Empress? Narinig ko na ito dati, isang sikat at malaking hotel na nakatayo sa gitna ng siyudad ng San Matias. s**t! Ito na ang pagkakataon kong makaalis dito. “Ngunit yun ay kung papayag si Miss Luna.” sabi naman ni Arturo na kanina pa nakatingin sa dibdib ko. “Pumapayag ako—” “Hindi pwede!” pagputol ni nanay sa aking sasabihin. “A-Ayaw kong lumayo siya sa akin, siya na lang ang natitirang pamilya ko.” I smirked at what she said. “Ang sabihin mo, wala ka nang pagkakakitaan dito ng malaki.” Kitang-kita ko kung paano nag-iba ang ekspresyon niya, magkahalong gulat at galit ang makikita sa kanyang mukha. This is my chance to escape this world. Wala nang makakapigil sa akin, kahit ang nanay ko pa. Nag cross legs ako at idinikit ang aking katawan kay Arturo. Dahan-dahan kong nilakbay ang aking kanang kamay sa kanyang hita, naramdaman ko ang tensyon na nabuo sa kanya at kita ko rin kung paano nag taas baba ang kanyang adams apple. “Arturo,” panimula ko. Isinigurado kong maakit siya sa aking boses. “Ano ba ang gagawin ko doon sa The Empress?” Tumikhim siya at halatang nahihirapan na magsalita dahil sumasagi na ang aking kamay sa sandata niya. Ang bilis naman tigasan ng isang ‘to. “I-Ikaw ang magiging bagong mukha ng hotel na ‘yon. Huwag kang mag-alala, malaki ang kikitain mo doon.” sagot niya sabay lagay ng kanang kamay sa hita ko at pinisil ito. “Anak, huwag kang papayag. Paano na ako dito?” Hindi ko pinansin si inay bagkus ay tumayo ako sa harapan ng dalawang lalaki. “Ano pang hinihintay natin? Malayo pa ang byahe papuntang San Matias,” ngumisi ako sa kanila at nilingon ang aking ina na hindi na maipinta ang mukha. Nilapitan ko siya at niyakap. “Paalam at sana hindi na tayo magkikita pa.” Naging miserable ang buhay ko sayo, oras na upang ikaw naman ang makaramdam nito. Mahigit apat na oras ang nilakbay namin, nakatulog pa ako sa byahe. Nagising ako ng maramdamang huminto ang kotse, kahit nasa loob pa ako ay tanaw ko na ang eight-story building ng The Empress. This is it, Luna. Ikaw ay magsisimula na ng panibagong buhay, malayo sa dati mong kinagisnan. Dinala ako ni Arturo sa ika-walong palapag ng building. Hindi na kami sinamahan ni David dahil may aasikasuhin pa raw siya. Pumasok kami sa isang malawak at magarbong suite. Floor to ceiling ang glass window at tanaw na tanaw ang buong siyudad ng San Matias. “Nagustuhan mo ba ang munti naming regalo para sayo, Miss Luna?” Lumingon ako kay Arturo na ngayo’y nakaupo na sa malaking sofa. “Munting regalo? Sobra na nga ito,” sagot ko at naupo sa sofa na nasa harapan niya. Umiwas ako ng tingin nang mapansin ang malagkit niyang titig. Kumuha ako ng isang strawberry at kinain ito saka siya muling hinarap. “Sir Arturo, ano ba talaga ang magiging trabaho ko dito?” Inilapag niya ang baso matapos niyang inumin ang alak at ngumiti sa akin. “Gusto mo nang malaman?” Marahan akong tumango, doon siya tumayo at lumapit sa isang drawer kung saan nakapatong ang isang malaking TV. Binuksan niya iyon at may kinuha—isang remote control. Muli siyang umupo ngunit ngayon ay nasa tabi ko na. Binuksan niya ang TV at pinakita doon ang isang silid. May mga kababaihan na nakatayo sa isang maliit na podium, halos hubo’t hubad at sa gilid nila ay naroon si David. Parang normal na lang sa kanya ang ganitong eksena. Pinapakilala niya ang mga babae sa lalaking tahimik na nakaupo sa couch, de-kwatro, may hawak na baso ng alak. Hindi ko masyadong makita ang mukha ng lalaki pero may kakaiba sa tindig niya, parang may presensya siyang hindi pwedeng baliwalain. “Anong meron diyan?” Di ko na napigilan itanong. “Yan ang magiging mundo mo, Luna,” sagot ni Arturo na ngayo’y mas malapit na sa akin, parang inaamoy na ang leeg ko. “May auction kami gabi-gabi dito, at kung magaling ka, malaki ang kikitain ng hotel. At syempre, malaki rin ang mapupunta sayo.” Napangisi siya. “Sa katawan mo pa lang, siguradong jackpot na kami.” Biglang nanlamig ang katawan ko. Akala ko ba bagong buhay? Akala ko ba makakaalis na ako sa mundong gusto kong takasan? Iba lang pala ang itsura ng kulungan. Mas maganda lang, mas mabango, pero pareho pa rin ng dahilan, pera. Tumayo ako sa pagkakaupo, hindi ko na napigilan ang panginginig ng kamay ko. Tinignan ko si Arturo sa mata. “A-Ang akala ko ay matinong trabaho, hindi ganito.” “Hindi namin kailanman sinabi na waitress ka lang o sekretarya,” sagot niya, malamig at diretso. “Pero don’t worry, Luna. You’ll meet him tonight, that guy might change your fate… again.” “Him?” tinuro ko ang ongoing na live feed sa TV. “Nakahilera na sa kanya ang mga babae, isasali niyo pa ako diyan?” . Tumayo rin siya, ngumiti, at dahan-dahang lumapit. “That’s only for show, Luna. Ikaw ang nakasalang sa main event. At para malaman mo, hindi siya basta-bastang lalaki. He’s the most powerful heir in San Matias.” Napakunot ang noo ko. “Anong gusto niyong gawin ko?” “I want you to do us a favor,” mariin niyang sagot. “Gusto naming mawala siya sa tuktok para kami ang pumalit. And you… you’re the key. Gusto mong makaalis sa mundong ‘to? Pwes, galingan mo ang trabaho mo and you’ll earn your freedom.” Walang halong pagsisinungaling ang makikita sa kanyang mga mata. Napalunok ako. Wala akong mapupuntahan. Wala akong kakampi. Ang tanging daan palabas… ay pabalik pala sa impyerno. “P-Paano?” Lumapad ang kanyang ngiti, mas lumapit siya at bumulong sa tenga ko. “Tame his highness — Gael Alvaro Barcelona.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook