For a moment, hindi ako makapagsalita. My chest rose and fell too fast, my palms pressed flat against the glass as if iyon lang ang makakapigil sa akin para hindi matunaw sa titig niya.
His words hung heavy in the air, cutting deeper than any threat ever could.
“Gael…” My voice cracked, almost pleading. “Hindi mo kailangang gawin ‘yon para sa akin.”
His eyes softened—just barely. He reached out, fingertips brushing a strand of my hair away from my face, the gesture striking against the storm he carried in his presence.
“I had to,” he said, quieter now, almost vulnerable. “Dahil kung may ibang lalaki na magtangkang umangkin sa’yo sa harap ko…” His jaw tightened again, but then his thumb skimmed lightly over my cheek, grounding me. “…I don’t think I could live with that.”
My breath hitched. I wanted to look away, pero hindi ko magawa. Tinignan ko lang siya ng taimtim. Dapat masaya ako ‘di ba? Dapat magpasalamat pa ako dahil sinalba niya ako doon at unti-unti ko na siyang napapaamo. Kapag nangyari na ang binabalak ni Arturo at David, makakamit ko na ang kalayaan na inaasam ko pero bakit tinatamaan ako ng konsensya ngayon? Lalo pa’t nakikita ko sa kanyang mga mata na nagsasabi siya ng totoo at walang halong biro.
Buong tapang kong inalis ang mga braso niyang nagsilbing harang sa magkabilang gilid ng aking ulo at humakbang palayo sa kanya.
“Para namang napaka importante kong tao sayo, eh, hindi naman ako naiiba sa ibang babae na nakasama mo sa kama.” saad ko kahit labag sa aking damdamin.
What now, Luna? Laban, laban—bawi, bawi? My own words cut through me, mas matalim pa sa kahit anong insulto.
He looked confused but he just stood there, eyes fixed on me.
“Is that what you think?” His voice was calm—too calm. “Na pareho ka lang sa kanila?”
My throat tightened. “Hindi ba at totoo?”
I saw him smirk and walk slowly towards me.
“Tell me, Luna… Is there someone behind all this? Nang dumating ako kanina, nakikita ko sa iyong mga mata ang kaginhawaan ngunit bakit parang nag-iba na ngayon?”
Biglang lumakas ang t***k ng aking dibdib sa kanyang tinuran. Subalit kahit na kinakabahan ako na malaman niya ang totoo, ‘di ako umiwas ng tingin.
“Wala…” I slightly bit my lower lip. “I’m sorry, Gael. What happened earlier was just… overwhelming to me. I’m tired.”
Ilang hakbang pa ang ginawa niya at naging maliit na lang ang espasyo sa pagitan namin.
Napabuga siya ng hangin at marahang hinaplos ang magkabila kong braso.
“Don’t be sorry, Luna. I get it. Now… take some rest.”
Tumango ako and he guided me to his room. Akala ko ay sasamahan niya ako bagkus ay iniwan niya ako sa kwarto na mag-isa.
Umupo ako sa malambot niyang kama. The scent of him lingered in the sheets, clinging to me. The room’s minimalist vibe felt strangely warm, too intimate.
I startled when my phone buzz, at napataas ako ng kilay nang makita kung sino ang tumatawag.
“Ano ang kailangan mo?” bungad ko kay Arturo.
Isang malakas na tawa mula sa kanya ang narinig ko sa kabilang linya.
“You’re being feisty, dear. I like that. Nalaman ko kay David na nilabas ka ni Gael sa hotel. Saan ka niya dinala?” Tanong niya, walang halong paligoy-ligoy.
“Pakialam mo? Tumawag ka ba para isigurado na ginagawa ko ang trabaho ko?”
‘Di ko na mapigilan ang pagtaas ng boses, all the pressure about their plan was poured on me. I just hope Gael’s room is soundproof and he didn’t hear my voice.
“Luna,” Arturo’s voice sounds serious now, cold. “Pasalamat ka at malaki ang binagsak na pera kanina ng kasama mong bilyonaryo at sumulpot siya para makuha ka dahil kung walang Gael na nagpakita, ipapaubaya kita sa iba at sisiguraduhin kong hindi mo makukuha ang gusto mo.”
Bigla akong nanlamig sa sinabi niya, hindi ko napansin na may luhang dumaloy sa aking pisngi na agad ko namang pinalis.
“A-Ang sama mong tao…” I choked on my own saliva. I didn’t let him talk again and ended the call. Putangina niya!
Hindi nawawala sa aking isipan ang naganap kagabi, kaya ‘di ako masyadong nakatulog ng mabuti. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at nag-inat, ang bigat ng ulo ko ngunit kailangan kong harapin si Gael ng maayos.
My eyes still felt heavy as well, my body reluctant to move. I let my feet dangle for a moment before lowering them to the floor. Isinuot ko ang tsinelas na nakita ko sa sahig at inayos ng maigi ang kama.
As I walked towards the door, something caught my eye. Umatras ako ng konti upang makita ang sarili sa salamin, the full-length mirror stood tall against one wall, encased in a black matte frame. It reflected not only the room but I, myself.
Napakunot ako ng noo, sa pagkakatanda ko hindi naman ako nagbihis kagabi ngunit bakit naka maroon spaghetti strap satin night dress na ako.
Fuck! Did we have s*x last night?
Narinig ko ang mahihinang katok mula sa labas ng silid ni Gael, ilang sandali pa ay nakita ko ang pag galaw ng doorknob. Marahil ay gusto akong tignan ni Gael at kamustahin.
Nataranta ako at nagmadaling pumunta sa kama niya at nagtalukbong ng kumot.
“Luna? Are you awake?”
Nag v-vibrate ang boses ni Gael sa kwarto at ‘di ko mapigilang mapakagat ng ibabang labi. Rinig ko ang bawat yapak niya na pakiramdam ko ay lumalapit siya sa kama. Damn! Bakit ganito? Bakit nagtatago ako sa kanya? Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko? At higit sa lahat, bakit hindi ko na maintindihan ang sarili ko kapag kasama siya?
I lowered the blanket, just enough to cover my lower body. He creased his forehead, confusion visible on his face.
Umupo siya sa gilid ng kama at kahit konting tama lang ng kanyang katawan sa akin ay may kakaiba ng reaksyon na naidudulot sa akin.
“Anong ginagawa mo?” tanong niya ngunit ang kanyang mga mata ay gumagala sa aking katawan. Nag-init ang aking pisngi at sinubukan kong takpan muli ang aking katawan ngunit pinigilan niya ang aking kamay na gawin ‘yon.
“May—May nangyari ba sa atin?” diretso kong tanong. Napa-angat ang gilid ng kanyang labi at nag-iwas ng tingin.
So, meron nga? Bakit hindi ko maalala?
Muli siyang tumingin sa akin at pinitik ang aking noo.
“Aw!” daing ko sabay himas sa noo.
“Silly. Bakit mo naman naisip?” natatawa niyang tanong.
“E-Eh kasi… paano ako nakapag bihis?”
Napatigil siya, bahagyang nakayuko, at may kumislap na biro sa kanyang mga mata. Dahan-dahan siyang yumuko palapit, halos maramdaman ko na ang init ng kanyang hininga sa aking pisngi.
“Kung gusto mong isipin na may nangyari…” bumulong siya, nakakaasar ang paraan ng pagkakaangat ng gilid ng kanyang labi. “Hindi ko pipigilan.”
“G-Gael!” nahampas ko siya sa braso, ramdam ko ang init ng dugo na pumapaso sa aking mukha.
Napatawa siya, mababa at nakakalasing ang tunog ng kanyang halakhak, bago tuluyang dumistansya ng kaunti. “Relax, Luna. Wala akong ginawa. I’m not like that.”
Nagtagal ang titig niya sa akin bago siya muling nagsalita, this time softer, almost sincere. “Pinakiusapan ko ang isa sa mga tauhan ko na tulungan kang magpalit. Hindi kita kailanman gagalawin nang wala kang pahintulot.”
Bahagyang lumuwag ang dibdib ko ngunit hindi rin nawala ang kakaibang kaba. His hand, still resting too close to mine, brushed against my fingers as if by accident—but his eyes lingered on me longer than necessary, as though he wanted me to believe every word.
“Hindi mo kailangan matakot sa akin,” bulong niya, halos pabulong lang, pero ramdam ko ang bigat ng bawat salita.
Bago ko pa namalayang makagalaw, lumapit siya muli. The mattress dipped under his weight as he leaned closer, his breath fanning over my cheek, inch by inch erasing the space between us.
“Gael…” My voice was barely a whisper, but it betrayed the rapid hammering of my heart.
His gaze flicked down to my lips for a fleeting second, enough to send heat crawling up my skin. His fingers ghosted over my jawline, trailing upward as if he wanted to memorize every curve of my face.
For a moment, I thought he would close the distance—our lips only a breath away. My chest tightened, anticipation burning through my veins.
Pero sa huling saglit, tumigil siya at sa halip ay dinampian niya ang aking noo ng halik. His lips curved into a half-smile, dark and knowing, before he drew back just enough to leave me aching.
“Not yet, Luna,” he murmured, his voice low and deliberate. “When I finally kiss your lips again… you’ll know it’s because you wanted it too.”