CHAPTER 3

2431 Words
WALANG GATE o bakod ang bahay ni Angelo kaya madaling nakapasok si Nadja.  Kunsabagay, si Myco Gosiaco, ang nakatalaga sa security ng buong Stallion Riding Club at isa ring dakilang member, walang dapat na ipag-alalala mga tao sa riding club.  Afterall, Myco is the best in his field.  And Reid Alleje always wanted the best for his precious SRC. “Tao po!”  Idinikit niya ang dalawang kamay sa salaming bintana upang masilip nang maayos ang loob ng bahay.  “Tao nga po!  Mr. Formosa, nandiyan ka ba?” Wala siyang maaninag na kaganapan sa loob ng bahay.  Pero ayon kay Reid, naroon daw ito ngayon Stalllion Riding Club.  At nabanggit din ng isa sa mga members na nakasalubong niyang hindi nagpakita sa riding arena ang lalaki.  Kaya ang ibig sabihin ay naroon ito ngayon sa bahay nito. “Pero nasaan naman ang isang iyon?” tanong niya sa sarili.  “Pausukan ko kaya itong bahay niya?  Para kusa na lang siyang lumabas at hindi na ako mahirapan.”  She stepped back, hands on her hips as she measured the whole house in front of her.  “Walang ‘keep out’ sign.  Wala ring doorbell.  Walang sumasagot kaya siguro naman, hindi ako kokondenahin kung pumasok man ako nang walang paalam.” Tiningnan niya ang hawak na papel.  Basta na lang niya iyon nilamukos saka inililis ang manggas ng suot niyang t-shirt.  Importanteng makausap niya ang Angelo na iyon ngayon.  Kailangan.  Dahil kapag nagkataon, hindi na rin niya masisilayan ang kanyang irog na si Ian Jack.  Pinihit niya ang seradura ng pinto.  Bukas.  Pumasok na siya. “Tao po!  Pumasok na po ako!  Mr. Angelo, Sir, puwede ba kayong makausap?  Importante lang po!”  Habang malakas na sumisigaw ay patuloy siya sa paghahanap sa lalaki.  Sa sala, sa banyo, sa kusina, hanggang sa second floor kung saan naroon ang nag-iisang silid.  “Mr. Angelo, Sir?  Nandito na ba kayo?  Hello?  Wow, ang bango naman.” Malinis ang kabuuan ng kuwarto.  Nasa ayos ang lahat liban sa ibabaw ng kama na bahagyang magulo ang kumot at unan.  Kung ganon, naroon nga ang lalaki. “Pero saan naman kaya nagsuot ang isang iyon?”  Isang beses pa niyang simanyo ang bangong iyon bago bumaba sa sala.  “Asar, ha?  Ngayon lang ako naghanap ng ganito sa isang lalaking ni hindi ko nga boyfriend.” Saka naman napadako ang tingin niya sa magandang tanawin sa labas ng bintana sa likurang bahagi ng bahay.  Kitang-kita roon ang view ng Taal Lake.  It was such a refreshing sight and the view of the famous lake from the Stallion Riding Club never fails to charm her.  Kaya naman lumapit siya sa mahabang sofa at lumuhod doon upang mas mapagmasdan nang husto ang magandang tanawin.  Nang mahagip ng tingin niya ang duyan na iyon na nakakabit sa magkabilang puno ng niyogs.  At makitang naroon ang kanyang hinahanap. “Aha!  Nandiyan ka lang pala, peste ka.  Bakit hindi ka sumasagot?  Pinahirapan mo pa ang vocal chord ko!” Naghanap siya ng daanan patungo roon at ilang sandali pa ay kaharap na niya ang lalaki.  Ngunit tila naglaho ang lahat ng ngitngit niya sa mundo nang tuluyang makita ito.  The guy was fast asleep, with his one foot on the ground, his one arm over his head and his other hand clinging to a book over his chest.  His white longsleeve polo was opened halfway across his chest, his beautiful chest, and his hair framed his sleeping handsome face.  The gentle breeze and the absence of the sun together with the fantastic surrounding all seemed to conspire to bless the sleeping man with the most beautiful aura.  Pakiramdam niya, habang pinagmamasdan ang lalaking iyon, tila ba nalilinis na rin ang pagkatao niya ng mga naging kasalanan niya sa buhay.  Or something like that.  Basta.  Ibang-iba ang dating sa kanya ng nakikita niya ngayon.  Sa isang iglap, parang nawala ang pagnanasa niyang saktan ito dahil sa proposal nitong patalsikin siya ng SRC.  Basta, parang gusto na lang niyang magnasa… Marahas niyang ipinilig ang ulo.  “No, Nadja.  Malaki ang kasalanan niyan sa iyo.  Hindi ka puwedeng magkagusto sa isang kaaway.  Tandaan mo, siya ang magiging dahilan ng hindi na ninyo pagtatagpong muli ng irog mo kapag nagkataon.  At si Ian Jack lang ang lalaking para sa iyo.  Hindi ka puwedeng pumayag na basta na lang magkalayo ang mga landas ninyo nang dahil lang sa kapritso ng mama’ng iyan…” Nawalan na naman siya ng lakas na maasar nang muling mapagmasdan ang payapang mukhang iyon.  Nakagat na lang niya ang kanyang daliri habang patuloy nag pinagmamasdan ang lalaki. “I can’t believe a guy could actually look like this…” “Look like what?” Malakas siyang napasinghap sa gulat nang magsalita ito.  Nang magmulat ito ng mga mata, pakiramdam nanuot sa buong katauhan niya ang mga tingin nito.  His eyes were sharp but there was nothing in the way he looked at her to be threatened about.   But damn it!  He was really so good to look at! “Look like what?” ulit nito. “Ha?”  Hinalukay niya ang kanyang isip para maintindihan ang tanong nito.  Pero malas!  Dahil ayaw makipag-cooperate ng isip niya sa kanya.  Masyado siyang distracted ng imahe ng lalaking ito.  Kailangan niya ng reinforcement.  “Mamaya na lang tayo mag-usap.  Pasensiya na sa istorbo.” Tinalikuran na niya ito habang buong pagpipigil niya upang masabunutan ang sarili.  Ano ba ang nangyari sa kanya kanina at nagmukha na lang siyang sa pagtanga rito?  Nasaan na ang panata niyang kakastiguhin ito dahil sa gulong ibinigay nito sa kanya?  Nawala na lang bigla ang lahat ng iyon nang makita ito.  Gaga talaga siya minsan. “You insulted me and then you trespassed into my house.  Do you think I’d let you go that easily?” Nasa gitna na sila ng maliwanag at malawak na sala ng lalaki nang marinig niya ang boses nito.  Nilingon niya ito.  Nakasunod pala ito sa kanya nang hindi niya namamalayan.  Isang beses pa siyang nagulat sa presensiya nito.   “Mamaya na lang tayo mag-usap.” Tatalikuran na lang uli niya ito nang marinig ang boses nito.  “Kung ang ipinunta mo rito ay tungkol sa petisyong inihain ko kay Reid, then I guess I should tell it to you personally.  I want you and your business out of the Stallion Riding Club.” Sa pagkakabanggit nito ng tungkol sa problema niyang ito ang may hatid, naglaho ang anomang gulong nararamdaman niya kanina.  Hinarap na niya ito. “Kahit kailan, hindi kita ininsulto.  Nag-trespass ako, oo.  At humihingi ako ng paumanhin doon kahit hindi ko naman talaga kasalanan…”  Hinabol ng kanyang mga mata ginawa nitong pagsuklay ng buhok sa pamamagitan ng mga daliri nito.  “Kanina pa ako tumatawag sa labas ng bahay mo pero walang sumasagot kaya pumasok na ako—puwede bang pakibutones iyang polo mo?” “Ayoko.”  He walked towards the open kitchen and poured himself a cup of coffee.  “Inistorbo mo na nga ako sa pagtulog ko, uutusan mo pa ako sa sarili kong pamamahay.  Ang dami mo ng atraso sa akin.  At sa lahat ng ayoko ay ‘yung binibigyan ako ng sakit ng ulo.  Kaya umalis ka na at mag-umpisa ng mag-impake dahil hindi na magbabago ang isip ko tungkol sa pagpapaalis sa iyo rito.” Naglakad na uli ito patungo sa likurang bahagi ng bahay.  Sinundan niya ito hanggang sa maka-upo ito sa iniwang duyan kanina.  Masakit man sa ego niya ay hindi talaga niya makalimutan ang eksenang nakita kanina kung saan malaya niya itong napagmasdan habang natutulog.  Marahas uli niyang ipinilig ang ulo.  Kailangang maging malinaw ang isip niya ngayon.  Walang dapat magign distraction.  Wala. “Kailan kita ininsulto?” “Kung hindi mo maalala, wala rin akong balak mag-aksaya ng panahong ipaalala sa iyo ang kasalanan mo.” Calm down, Nadja, utos niya sa sarili.  Calm down.  “Paano akong makakahingi ng paumanhin kung hindi ko alam ang naging kasalanan ko sa iyo?” “Problema mo na iyon.”  He gave her a sideway glance.  “What’s your name again?” “I didn’t give you.”  Pero nagpakilala na rin siya.  “My name’s Nadja Villaraza.  Neiji’s sister.” “Ah.”  Humigop ito ng kape bago muling bumaling sa kanya.  “And who gave you the idea that I’ll forgive you if you apologize?” “What…”   “Mabait akong tao, Miss.  Pero hindi ako basta-basta nagpapatawad ng mga may kasalanan sa akin.” “Ang sama mo,” pigil na pigil niya ang panggigigil.  “Kung ayaw mo e di huwag—“ “Angelo!”   Napalingon din siya sa pinanggalingan ng sigaw na iyon.  At ba tinambol ang dibdib niya nang makita kung sino ang isa sa tatlong lalaking nakasakay sa kani-kanilang kabayo di kalayuan sa kinaroroonan nila ni Angelo.   “Ian Jack,” sambit niya nang hindi na inaalis ang tingin sa binata.  “O, irog…” “Hindi ka ba makikisali sa tournament ngayon?” tanong ni Brad habang papalapit ito sa kanila.  Kasama nina Reichen at Ian Jack.  “Oh, hi, Nadja.  Nandito ka pala.” “Oo nga, eh.”  Irog… “H-hi, Ian Jack.” “Hello,” nakangiti nitong bati.  Umawit ang puso niya.  “Dinadalaw mo si Angelo?  Hindi ko alam na kayo na pala ngayon.” Bumagsak ang puso niya.  “N-naku!  Hindi, ah!  Ngayon ko nga lang nakausap ang lalaking iyan!  I swear!  Besides, he’s not my type—“ “Not your type?” tanong ni Reichen.  “You refused the ultimate ramp model?  Angelo, mukhang humihina na ang kalibre mo sa mga babae, ah.  Balak mo na rin bang lumagay sa g**o?” Nagtawanan pa ang tatlong bagong dating habang siya ay hindi na maintindihan kung paano ipapaliwanag ang sitwasyon.  Subalit tila kuntento na ang mga ito sa kung ano ang iniisip sa kanila ni Angelo.  Parang gusto na niyang magbigti habang pinagmamasdan ang guwapong mukha ni Ian Jack. Ikaw, ikaw ang kapalaran ko, Ian Jack.  Hindi ang kumag na Angelo na ito.  Ikaw lang…ikaw— “Para kayong mga tanga riyan,” mayamaya’y wika ni Angelo.  “Nagpunta lang dito si Nadja para magmakaawa na iurong ko ang petisyon kong paalisin siya rito sa club.” Nakuha nitong muli ang atensyon ng tatlo.  Pati na ang atensyon niya.  Kung may mahahawakan nga lang siya ngayon na kaya niya, inihambalos na niya iyon sa ulo nito. “Anong magmakaawa?  Hindi ako magmamakaawa sa iyo, ano?  Nagpunta lang ako rito para magkalinawan tayo at makapagpaliwanag ako ng side ko sa isyu.  Since ayaw mo namang sabihin sa akin kung ano at saan ako nagkamali sa iyo, don’t you think you’re being unfair?” “No.”  He sipped on his coffee.  “Besides, throwing you out of the club was still lenient.  Dapat siguro, ipa-ban na rin kita rito.” “Angelo, what’s with you?” tanong ni Brad.  “Masyado ka yatang malupit ngayon.” “Tama lang iyan sa kanya.  Para matuto na siyang gumalang.  Dahil kung hahayaan ko siya sa ginawa niya, aabuso na iyan hanggang sa mawalan na siya ng galang sa lahat ng club members.” “Kung meron man siyang naging kasalanan, masyado naman yatang mabigat na parusa ang ibibigay mo sa kanya.” Nananahimik ang nagngingitngit niyang puso nang marinig ang pagtatanggol na iyon sa kanya ni Ian Jack.  And so with a renewed spirit, hinarap uli niya si Angelo.  Alam niya, hinding-hindi siya pababayaan ng kanyang irog. “You’re being unfair to me, Angelo.  Wala akong kasalanan sa iyo, as far as I’m concerned.  At paninindigan ko iyon.  Nakapag-sorry na ako sa iyo kahit hindi ko alam ang naging kasalanan ko.  Hindi ko na iyon uulitin pa kaya kung hindi mo ako patatawarin, bahala ka sa buhay mo.  I won’t beg in front of you.”   Nakipagtagisan siya ng titig kay Angelo at wala siyang balak na sumuko rito.  Never!  Hah!  Akala mo kung sino ka.  Hello!  You’re not even Ian Jack.  Kunsabagay, there was nothing to compare.  Mabait ang irog ko.  Hindi tulad mo.  Mayabang.  At higit sa lahat, ipagtatanggol ako ni Ian Jack at hinding-hindi iiwan— May nag-ingay na cellphone.  Ian Jack smiled at answered his phone.  “Well, see you later, guys,” paalam nito. “Aalis ka na naman?” tanong ni Reichen.  “Hindi ka na talaga mapakali sa isang lugar.” “Work calls.”  He started to manuever his horse.  “Angelo, give her another chance.  For goodness’ sake, she’s a woman.” Ngumiti at tumawa lang sina Brad at Reichen bago sumunod sa papalayong si Ian Jack.  Tila siya man ay nakasunod na rin sa binata ang kanyang puso.  Ngayon higit kailanman, kailangan niyang manatili sa Stallion Riding Club.  Dahil malakas ang kutob niyang sa muling pagkikita nila ni Ian Jack, may magandang mangyayari sa kanila. Hinarap niya si Angelo na nakahiga na uli sa duyan at nagbabasa ng libro.  Ang tasa ng kape nito ay nakapatong na ngayon sa mesitang malapit dito.   Darn it!  He still as gorgeous as before.  Nakakainis!  Pero hindi, si Ian Jack.  Siya lang dapat ang iniisip ko.  Hey, Jack… “You can leave now,” mayamaya’y wika nito.  “Wala na tayong pag-uusapan pa.  Maghanda ka na sa pag-alis—“ She dropped on her knees and clasped her hands in front of him.  “I’m sorry.  Huwag mo na akong paalisin dito, please?  Patawarin mo na ako.  Hindi na ako uulit.  Magpapakabait na ako, pangako.” “What in the world are you doing?” Tiningala niya ito na magkasalikop pa rin ang kanyang mga kamay.  “Hindi ako puwedeng umalis ng Stallion Riding Club.  I have to stay here.  I have to.  Kung hindi, walang Nadja-Ian Jack loveteam na mabubuo.  Please, forgive me.  Please let me stay.  Hindi na kita iinsultuhin.  Hindi na ako magte-trespass sa bahay mo.  Hindi ko na sisinghutin ang amoy ng kuwarto mo—“ “You sneaked into my room?” “I didn’t sneak!” depensa niya.  Ngunit nang ma-realized na nasa bingit pa ng alanganin ang kanyang posisyon sa riding club, bigla niyang binawi ang tapang niya.  “O, sige, nagpunta na nga ako ng kuwarto ko.  I’m sorry.  Forgive me?” “No.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD