CHAPTER 4

1699 Words
“HEY, PROBLEM?” Napabuntunghininga lang si Nadja imbes na sagutin ang tanong ni Polly.  Kapatid ito ng isa sa mga miyembro ng Stallion Riding Club at isa rin sa mga paborito niyang customer na laging bumbisita roon dahil lagi itong bumibili ng santambak na souvenirs sa shop niya.  Ewan nga lang niya kung saan nito pinagdadala ang mga iyon.  Nang mga sandaling iyon, iba’t ibang kulay ng tullips naman ang pinag-iinteresan nito. “Halata ba?” “Hindi.”  Lumapit ito sa counter at inilapag sa ibabaw niyon ang mga bulaklak saka isa-isang inayos.  Hinayaan lang niya ito dahil mas gusto nito ang personal na inaasikaso ang mga binibili.  “Nakapangalumbaba ka riyan, panay ang buntunhininga at nakatingin sa kawalan.  Hindi nga naman mahahalata na may problema ka.” “Polly, how’s your Kuya Pipo?”  Isa ring miyembro ng SRC ang nakatatanda nitong kapatid. “Hayun, awa ng Diyos, may girlfriend na.  Rakista.  Cool.” “May girlfriend na siya?!  Bakit hindi ko alam?” “Bakit dapat mong malaman?”  Mataman siya nitong tiningnan.  “May lihim ka bang pagnanasa kay Kuya Pipo?” “Luka-luka!  Wala, ‘no?  Alam mo namang si Ian Jack lang ang tanging lalaki sa mga mata ko.” Tumalim ang tingin nito sa kanya.  Siya man ay ganon din ang naging reaksyon dito.  That’s understandable.  Pareho kasi silang may gusto sa iisang lalaki.  Ngunit nagkaroon na sila ng kasunduan noon.  No hard feelings sa kung sinomang magugustuhan ni Ian Jack.  Pero para sa kanilang dalawa lang ang kasunduang iyon.  Ewan din niya kung paano silang basta na lang nagkasundo.  Siguro dahil nang panahong iyon ay pareho silang lango sa alak kaya nagkataong pareho ang wavelength ng mga utak nila nang maikuwento nila sa isa’t isa ang damdamin para iisang binata.  Nagkasabunutan sila at nagkapalitan ng mga maaanghang na salita.  Nang mahimasmasan sila ay pareho silang nasa labas na ng main entrance ng Stallion Riding Club.  Ipinatapon daw sila roon ni Reid dahil sa kaguluhang ginawa nila.  At kung hindi raw sila magkakasundo ay huwag na lang uli silang tatapak sa loob ng club.  Kaya wala ng sali-salita pang nagkasundo sila, all for the sake of that one person they truly adore. “Gusto ko lang malaman ang kalagayan ni Ian Jack.  Kahapon kasi bigla siyang umalis dito sa SRC.”  Mag-bestfriend kasi si Pipo at si Ian Jack. “Must be his work.  Alam mo naman ang trabaho nun.”  Sinamyo nito ang mga sinalansang mga bulaklak.  “Naitanong ko rin siya kay Kuya.  Ang sabi niya, nasa Australia raw ngayon si Ian Jack natin.  Doon kasi gaganapin ang X-Games at siya ang nakuhang maging park and terrain designer para sa naturang event.  Kaya hindi pa rin sigurado kung kailan ang balik niya.” “Hay, nakakatamad na naman pala ang buhay dito sa club kung ganon.”  Nangalumbaba siya sa counter.  “Wala na naman akong inspirasyon.” “Ang daming lalaking guwapo rito sa club.  Bakit kasi hindi ka pa magpalit ng sinisinta?” “Ikaw na lang kung gusto mo.  Hindi kita bibigyan ng pagkakataong masolo ang irog kong si Ian Jack, ‘no?” “Anong irog mo?  Irog ko rin iyon.  Hindi lang ikaw ang anak ng Diyos.” Sabay silang napatingin sa pinto ng Picka-Picka nang marinig ang pagtunog ng chimes na palatandaang may customer na pumasok.  Meron nga. “Hi, Cloud!” bati niya.  “Naligaw ka yata ngayon sa shop ko?” Tumango lang ito at tahimik na hinarap nito ang pamimili ng mga bulaklak sa mga naka-display doon. Nagkatinginan lang sila ni Polly saka sabay silang nagkibit ng balikat.  Sanay na naman sila sa ugaling iyon ng pinakatahimik na miyembro ng club. “Ang ganda ni Cloud, ano?” mahinang sambit niya.  “Bagay sa kanya ang dramang laging parang pasan niya ang daigdig.  And that long wavy hair.  Gosh, parang ang sarap-sarap haplusin.  Maganda pa sa buhok natin, Polly.  Stallion Shampoo din kaya ang gamit niya?” “Tanungin mo siya.” “Okay.”  Limang long-stemmed white lilly ang inilapag ni Cloud sa counter.  “Hey, Cloud, Stallion Shampoo ba ang gamit mo?” “Oo.” “Kaya pala ang ganda ng hair mo.” “Salamat.”  Ibinigay na nito sa kanya ang maliit na black card na opisyal na pinaka-ATM card sa loob ng SRC. “Para ba ito sa girlfriend mo?” tanong niya nang inaayos na ang mga bulaklak.  “Kahit pala mukha kang suplado, may girlfriend ka rin, ano?  So, who is she?  Bakit hindi mo siya dalhin dito at nang siya na mismo ang makapili ng bulaklak na gusto niya?  Malay mo type din pala niya ang mga stuff toys at may magustuhan siya sa mga stuff toys dito.  I also have some accessories here, and some souvenir stuffs that she can choose from—“ “Nadja.” “Yes?” “Puwedeng tapusin mo na lang iyan?  I’m in a hurry.” “Hay naku, Cloudio Martinez,” singit ni Polly sa tabi nito.  “Chill out, dude.  Cool ka lang.  Cool…you know?”  He just gave her a cool stare.  But Polly just offered her a pink tullip from her own bunch of flowers.  Nang hindi iyon pansinin man lang ng lalaki ay ito na mismo ang naglagay niyon sa mga bulaklak nito.  “Hayan, para may kulay naman ang mga lillies mo.” “Dagdagan mo na ng yellow at red mums, Cloud.”  Hinila niya ang pinakamalapit na stainless na balde kung saan nakalagay ang mga mums at kumuha siy ang dalawang kulay ng bulaklak na iyon at isinama sa boquet of lillies ng lalaki.  “O, di ba maganda?” “Eto pa, orange carnations.”  Si Polly naman ang nangulimbat ng mga bulaklak na pandagdag.  “And dark blue lilly—“ “Enough!” sigaw ni Cloud. “That would be six hundred and twenty seven, Sir.”  She had swiped the card before he could react and gave it back to him with the sweetest smile on her lips.  “Thank you very much.  Please come again.” “Enjoy the flowers, Cloud,” dugtong pa ni Polly.  “Halika, kiss na rin kita para mawala ang mga alalahanin mo sa buhay.” Ipinukpok lang nito sa ulo ni Polly ang boquet of flowers saka nagmartsa palabas.   Iiling-iling na lang nilang sinundan ng tingin ang lalaki. “Babae lang ang maaaring naging dahilan ng ugaling iyan ni Cloud,” sambit niya.  “He must have had his heart broken really bad.” “Kawawa naman siya.  I heard he’s one of the most celebrated brain surgeon in the US before he quit last year and settled here.” “Brain surgeon?  Wow.  Ang talino siguro niya, ano?” “Yeah.  But even Einstein fell inlove and had his heart broken.” “Ow?  Alam mo iyon?” “Sus!  Kalaro ko lang ng piko si Eistein, ‘no?” “Ewan.  Kausapin mo’ng sarili mo.”  Tinalikuran niya ito upang asikasuhin ang ibang mga bulaklak na idi-display.  Nang may maalala siya.  “Polly, ano sa palagay mo ang puwede kong gawin para mapalambot ang puso ng isang lalaki?” “Sasagutin ko iyan kung hindi mo gagamitin iyon kay Papa Ian Jack.” “No, I’m not doing it for him.” “E, para kanino?” “Hindi mo na kailangang malaman.” “Bahala ka.  Hangga’t hindi ako nakakasigurong labas dito si Ian Jack, hindi kita tutulungan.” Napilitan na rin siyang ipagtapat dito ang tungkol sa kanyang problema.  Mabuti na lang at hindi naman ito tumawa sa mga sinabi niya.  Dahil kung nagkataon, sinipa na niya ito palabas ng shop. “So…kailangan mong makumbinsi si Angelo na iurong ang petisyon niya sa loob ng isang linggo o mapapaalis ka rito pati na ang Picka-Picka?”  Napalatak na lang ito.  “You’ve picked the wrong man to mess up with, my dear friend.  Hindi mo ba alam na si Angelo Exel Formosa ang pinakamatayog ang pride sa lahat ng members ng Stallion Riding Club.  Matayog pa sa saranggola ni Pepe ang lipad ng pride nun.” “Alam ko.  Kaya nga ako naasar sa kanya.  Isang beses pa nga lang siyang maligaw dito sa shop ko, kung umasta pa siya akala mo kung sinong hari.  Kaya hayun, binara-bara ko siya.” “Kaya hayan din ang nangyari sa iyo.  Mapapatalsik ka ng SRC nang wala sa oras.” Inis niyang dinampot ang naka-display na botelya ng Stallion Shampoo sa ibabaw ng counter at inalog-alog iyon.  “Nakakagigil siya!  Nakakagigil!  Kapag nakita ko siya—“ “You should apologize to him.  And convinced him to take back his petition to kick you out of here.”  Itinali na nito ng isang pulang ribbon ang boquet of tullips.  “No choice ka na, sister.” “Nagawa ko na iyan, ‘no?  Pero ang impaktong iyon, ni hindi man lang lumambot ang puso nang lumuhod ko sa harap niya.” “Lumuhod ka?” “Oo.  All for the love of Ian Jack.”  Ngumisi pa siya rito.  “Dakila ako, hindi ba?” “Oo, pero mapapaalis ka pa rin ng Stallion Riding Club.  O.” Iniabot nito sa kanya ang mga bulaklak nito.  “Anong gagawin ko riyan?” “Props.  Narinig ko sa ibang club members na dito sa SRC gagawin ang photo shoot ng bagong brand of clothings na imo-model ni Angelo.  Kaya puntahan mo na siya ngayon at ibigay mo itong bulaklak siya kanya.” “Pero—“ “Pero kung gusto mong bawasan ang karibal ko kay Ian Jack, okay lang.  Mas mabuti iyan sa akin—“ “No way!”  Kinuha niya ang mga bulaklak.  “Ikaw muna ang magbantay dito.” “Hindi ako marunong mag-operate ng card swiper—hoy, Nadja!” “May ballpen at papel diyan.”  Iyon lang at nagmartsa na siya patungo sa Clubhouse lobby.  Doon na lang siya magtatanong kung saan ang location ng photo shoot ni Angelo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD