NAPAHIGA na lang ako sa mat na nakalatag sa sahig matapos ang training session namin ni Marco. Oh, huwag green. Baka kasi ibang “training session” iniisip niyo. Tinuruan niya ako ng konting taekwando. Nakakaaliw pero nakakapagod. Ang sakit sa buto at muscles kasi wala talaga akong exercise. Nabanat nang husto ang buong katawan ko kaya medyo nanginginig ako.
Humiga rin si Marco sa tabi ko at nagkadikit ang pawisan naming mga braso. “Okay ka lang ba, babe? Kaya mo pa?” Natatawa niyang tanong sa akin.
“Kayang-kaya pa. Ang sarap pala sa pakiramdam na nababanat ang buto ko.”
“`Sus! Kulang ka kasi sa exercise. Hayaan mo dahil sa susunod ay isasama kita sa paggy-gym ko para naman gumanda iyang shape ng katawan mo.”
“Lalaki ba boobs ko at magkakaroon ng curvy hips?”
Ang lakas ng tawa niya sa biro kong iyon. “Gago ka! Loko! Siyempre, magkakamuscles ka. Mato-toned iyan,” aniya.
Huminga ako nang malalim. Mag-iisang buwan na kasi ang relasyon namin pero hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako kapag tinatawag niya akong “babe”. Parang musika sa tenga ko kapag naririnig kong sinasabi niya iyon. Unang beses ko kasing magkaroon ng karelasyon at sa kapwa lalaki ko pa. Ganito pala ang pakiramdam, ang saya. Iyong paggising mo pa lang sa umaga ay nakangiti ka na dahil siya ang nasa isip mo. Tapos bago naman matulog ay nagkakausap pa kami. Kapag may pagkakataon ay nagkukulong kami sa kwarto niya, hihiga sa kama habang nakaunan ako sa braso niya. Minsan naman ay nagkukulitan lang hanggang sa mapagod kaming dalawa. Nakakalunod din ang mga halik at yakap ni Marco. Parang nakalutang sa hangin ang mga paa ko kapag hinahalikan niya ako.
Iniharap ko ang mukha ko kay Marco at masuyong hinaplos ang mukha niya. “Sana ay palagi tayong ganito, babe… Sana kapag nalaman ni Mama Chang ang tungkol sa pagkatao ko ay hindi siya magalit sa akin.” May lungkot sa boses ko.
“Oh, bakit naman biglang ganiyan ang topic? Alam mo, hindi ka dapat natatakot na malaman ni Mama Chang ang tungkol sa kung ano ka talaga. Katulad din natin siya, maiintindihan ka niya, tayo. Siguro, ayaw niya lang na katulad niya ay tumanda kang mag-isa o walang anak. Kapakanan mo lang niya ang iniisip niya.”
“Iyon nga ang sabi niya sa akin noon. Pero hindi naman siya tatandang mag-isa dahil `andito ako. Kahit ano naman ang mangyari ay hinding-hindi ko siya iiwanan, e.”
“Ikaw din, hindi ka tatandang mag-isa dahil nandito ako. Hinding-hindi kita iiwanan, Jak…”
“Thank you, Marco. Sana ay ikaw na ang una at huli ko.”
“Oo naman! Halika nga rito!” Bigla niyang iniikot ang braso siya sa beywang ko at kinabig niya ako papunta sa kanya.
Nagulat naman ako sa ginawa niya at napatingin sa nakabukas na pinto ng apartment niya. “Marco, b-baka may makakita sa atin! Ano ba?” Kinakabahang sabi ko.
“Wala iyan. Eh, `di ba, nasa karinderya naman si Mama Chang mo. Isang kiss lang!” aniya sabay nguso habang nakapikit.
Napatawa ako sa hitusra niya. “Mukha kang tanga!” Pero ang totoo ay ang cute niyang tignan. Para siyang bata.
“Sige na. Isang kiss lang, mahal.” ungot niya.
“`Eto!” Ikinuyom ko ang kamao ko at iyon ang inilapat ko sa nguso niya.
“Ayoko niyan. Gusto ko ay totoong kiss!”
“Ayoko nga. Baka may—“
Biglang sinunggaban ni Marco ang labi ko. Bahagya pa niyang kinagat ang pang-ibabang labi ko kaya naman napakapit ako sa braso niya. Dahan-dahan niyang inilayo ang labi niya sa labi ko. “Ikaw kasi, babe… pakipot ka pa! Kapag sinabi kong kiss, kiss agad!” At kumindat pa talaga siya at muli akong hinalikan ng mabilis sa labi.
“Marco! Hindi mo dapat iyon ginawa!” Kinakabahan pero may ngiting sabi ko.
“Talaga? Eh, nagustuhan mo din naman! Papikit-pikit ka pa nga, e. Nakita ko. Hindi mo pwedeng itanggi iyon.,” tudyo niya.
Magsasalita pa sana ako nang may maramdaman akong kakaiba. Parang may nakatingin sa aming dalawa. Napadako ang tingin ko sa pintuan at doon ay nakita ko si Rupert na nakatayo. Natataranta na tumayo ako at tinawag si Rupert. Maging si Marco ay obvious na nabigla din.
“A-anong ginagawa mo dito, Rupert?” tanong ko. Umayos ako ng tayo at halos hindi makatingin sa kanya ng diretso dahil sa nahihiya ako.
“Group project sa Arts… Nakalimutan mo na ba? Partner tayong dalawa. Ang sabi kasi ni Mama Chang mo ay nandito ka kaya dito kita pinuntahan pero mukhang nakaistorbo yata ako sa inyong dalawa. Aalis na lang ako. Sa ibang araw na lang natin gawin iyong project sa--”
“Ah, h-hindi!” sabi ko sabay harap kay Marco. Sinabihan ko siya na kailangan ko nang umalis at tumango na lang siya. Nilapitan ko na si Rupert at inaya siya sa bahay namin.
Napansin ko na parang ang bigat ng hakbang ni Rupert na parang may mabigat siyang problema. Baka naman may problema na naman siya sa kanila. Mamaya ay kakausapin ko siya. Baka maipon na naman kasi ang mga problema niya at bumalik na naman siya sa pagiging bully. Paniguradong ako na naman ang pagbubuntunan niya ng lahat ng galit niya sa mundo.
May mga dala nang gamit si Rupert kaya naman nasimulan na agad namin ang pag-gawa ng project. Sandali ko siyang iniwanan at kumuha ako sa eatery ng apat na turon at isang malaking softdrinks para may meryenda kami.
“Baka gutom ka na. Kain ka muna. Masarap ito kasi si Mama Chang ang gumawa,” sabi ko pagdating ko. Inilagay ko sa pinggan ang turon at kumuha na rin ako ng dalawang baso. Nang muli kong balikan si Rupert ay nakaupo lang siya at nakatingin sa kawalan. Umupo ako sa tabi niya at tinanong kung may problema siya.
“Wala.” Matipid niyang sagot.
“Hindi ako naniniwala na wala, Rupert. Kilala na kita. Alam ko kapag may problema ka kaya magsabi ka na sa akin. Hindi talaga kita titigilan hangga’t hindi ka nagsasalita diyan,” pamimilit ko.
Seryoso siyang tumingin sa akin. “Alam mo naman pala na may problema ako, tinatanong mo pa!”
“Oh, bakit ang sungit mo? Concern lang naman ako sa’yo dahil kaibigan mo ako.”
Napailing siya sabay palatak. “Iyan na nga ang problema, Jak. Dahil kaibigan mo lang ako! Kaibigan. Lang.”
“Rupert? Ano bang sinasabi mo diyan? Gumagawa lang tayo ng project dito, ha! Ang beast mode mo naman diyan!”
“Manhid ka kasi. Kainis!” Napakamot pa talaga siya sa ulo sabay iwas ng tingin sa akin.
“Hoy, Rupert! Hindi ko alam iyang mga sinasabi mo, ha!”
Naguguluhan na talaga ako sa mga sinasabi niya, sa totoo lang. Ako daw ay manhid? Bakit?
Tila naiinis na nahilamos niya ang kanyang kamay sa mukha at humarap sa akin. “Hindi mo talaga maintindihan kung bakit kita binubully dati?!
Nalilitong napailing ako. “Hindi. Bakit nga ba?”
“Para mapalapit ako sa’yo! Para pansinin mo ako. Ang sabi mo sa akin dati, gusto mo ako pero bakit dumating lang `yong Marco na iyon ay nawala na agad ang pagkagusto mo sa akin? Akala ko kapag naging magkaibigan tayo ay babalik ang nararamdaman mo sa akin pero nagkamali ako. Bwisit! Bakit kasi dumating pa ang Marco na iyon! Nakakainis siya!” Humihingal si Rupert matapos niyang magsalita.
Ako naman ay nakatulala lang sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa mga lumabas sa bibig niya. Gusto ko pa nga sanang ipaulit sa kanya pero baka lalo siyang maasar. Baka isipin niya ay hindi ko sineryoso ang mga sinabi niya.
“M-may gusto ka sa akin?” Sa wakas ay naibuka ko rin ang bibig ko.
Muli siyang tumingin sa akin, diretso sa aking mga mata. “Hindi gusto. Mahal. Mahal kita, Jak! Pero wala nang silbi itong nararamdaman ko dahil may boyfriend ka na. Kayo na ni Marco! Late na ako.”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko na nasa bungad lang pala ng pintuan si Mama Chang. May dala siyang isang pinggan na may laman na spaghetti. Kanina pa yata siya naroon ay naririnig sa pag-uusap namin ni Rupert. Kitang-kita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha.
Kinakabahan na napatayo ako. “M-mama Chang…” Naluha ako nang makita ko na pumatak ang luha mula sa mga mata niya. Alam kong labis siyang nagulat sa narinig niya mula kay Rupert.
Nagmamadali na pinalis ni Mama Chang ang luha sa mukha niya bago pa man tumayo si Rupert at tingnan siya. “Ah, Rupert, pwede bang umuwi ka muna? M-mag-uusap lang kami ng anak ko…” ani Mama Chang.
“S-sige po…” Sinamsam na niya ang mga ginamit namin at saka umalis.
Pagkaalis ni Rupert ay nilapitan ako ni Mama Chang. Alam ko na kung ano ang susunod na mangyayari. Tatanungin niya ako tungkol sa mga narinig niya. Wala kasing preno ang bibig ni Rupert, eh. Pero nagulat talaga ako sa sinabi niya na mahal niya ako, ha…
Hay… Mamaya ko na nga iyon iisipin. Ito munang kay Mama Chang. Yari ako nito!
NAKAYUKO lang ako habang nararamdaman ko na nakatingin sa akin si Mama Chang. Hindi ako makagalaw dahil pinapakiramdaman ko siya. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko, ang malaman niya ang tunay kong pagkatao. Magkatabi kami sa sofa kung saan kami nakaupo. Kapag naman nagtanong siya ay sasabihin ko na ang totoo. Siguro, masasaktan siya pero mas makakabuti naman na magpakatotoo na lang ako. Isa pa, baka maintindihan rin naman niya ako gaya ng sinabi sa akin ni Marco. Sana…
“Jak…” Hindi pa rin ako gumagalaw mula sa pagkakayuko. “T-totoo ba ang lahat ng narinig ko kanina kay Rupert? N-nobyo mo si Marco? B-bakla ka rin?” basag ang boses niya na parang pinipigilan niya ang kanyang pag-iyak.
Marahan akong tumango. “O-opo, Mama Chang… B-bakla po ako…. At kami na po ni M-marco… P-patawarin niyo po ako k-kung hindi ko sinabi sa inyo.”
Wala nang dahilan para magsinungaling pa ako sa kanya. Huling-huli na ako. Baka sa impyerno na ako nito pulutin kung ipagkakait ko pa rin sa kanya ang totoo. Ang hinihiling ko na lang ngayon ay ang tanggapin niya ako. Pero kung hindi man, maiintindihan ko naman siya at kailangan kong intindihin siya dahil siya ang nag-alaga sa akin simula ng maulila ako. Napakalaki ng utang na loob ko kay Mama Chang at kung iuutos niya sa akin na layuan si Marco, kahit masakit ay gagawin ko para sa kanya.
Napansin ko na natahimik si Mama Chang. May namumuong luha sa kanyang mga mata na anumang oras ay papatak na pero pinipigilan lang niya. Parang sinusuntok nang paulit-ulit ang dibdib ko sa nakikita ko.
“Mama Chang, k-kung hindi niyo po ako kayang tanggapin, mauunawaan ko—“
“H-hindi, Jak.” Mabilis siyang umiling at doon na nga pumatak ang kanyang luha. “Ang totoo niyan ay matagal ko nang alam kung ano ka. Nararamdaman ko iyon dahil sa akin ka na lumaki. Ang gusto ko lang ay ikaw ang magsabi sa akin sa oras na handa ka na. Nagulat lang ako nang malaman ko na kayo na ni Marco. Iyon ang hindi ko inaasahan.”
“Pero ang sabi niyo po dati, ayaw niyo po akong maging bakla.”
Umiling siya sabay ng punas ng luha niya. Parang kinuyumos ang puso ko sa sakit. “Hindi ganoon ang ibig kong sabihin, anak… Ang ibig kong sabihin ay ayokong matulad ka sa akin na palaging kinukutya ng mga mapanghusgang tao na hindi tayo naiintindihan. Ayokong umiyak ka dahil sa lalaki, ayokong maranasan mo ang sakit ng maiwanan dahil sa kasarian natin, ayokong tumanda kang mag-isa…”
“Hindi po ako tatandang mag-isa. `Andiyan po si Marco,” nakangiti kong sabi sa kanya. Umisod ako upang hawakan ang isa niyang kamay. Masuyo ko iyong pinisil.
Hinila niya ako sa kanya at mahigpit na niyakap. “Bata ka pa lang, Jak. Bata ka pa… Hindi ka pa sigurado kay Marco pero sige, payag na ako sa relasyon niyo basta gawin niyo ang lahat para hindi malaman ng ibang tao. Alam mo naman ang mga tao dito sa atin, mga tsismosa. Ayokong huhusgahan ka nila at mapapaaway talaga ako! Kung ayaw mong makitang nakikipagsabunutan ako diyan sa labas ay sundin mo ako. Naiintindihan mo ba ako?”
“Salamat po, Mama Chang! Opo, naiintindihan ko kayo! Mahal na mahal ko po kayo!” Mas lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. Ang saya-saya lang na tanggap niya ako at ang relasyon namin ni Marco.
“Mahal na mahal din kita, anak… Sige, babalik na ako sa eatery. Basta, mamayang gabi, dito sa atin maghahapunan si Marco. Kailangan naming mag-usap. Gusto ko siyang tanungin ng mga bagay-bagay.”
Napamulagat ako. “Po?” gulat na bulalas ko.
“Oo. Seryoso ako. Sabihan mo na siya. Sige na, aalis na ako,” aniya.
KATULAD ko ay nagulat din si Marco nang sabihin ko sa kanya na gusto siyang makausap ni Mama Chang mamayang gabi sa hapunan. Alam kong parehas kaming kinakabahan kung anu-ano ba ang sasabihin ni Mama Chang sa kanya. Pero parehas kaming masaya dahil natanggap kami ni Mama Chang lalo na ang pagkatao ko.
“Sinabi ko naman sa’yo, babe. Wala kang dapat ikatakot kay Mama Chang. Kita mo na, naintindihan ka niya,” sabi sa akin ni Marco habang nag-uusap kami sa sa salas ng apartment niya.
“Kung alam mo lang kung gaano ako katakot kanina nang malaman niya. Ang ingay naman kasi ni Rupert! Pero salamat na rin sa kanya kasi nakapag-out na rin ako sa wakas, babe. Pero… nag-aalala ako sa kanya…”
“Kanino naman?”
“Kay Rupert…”
“Bakit? Anong tungkol kay Rupert?”
“Umamin kasi siya sa akin na may gusto siya sa akin. Kaya daw niya ako binu-bully noon ay para mapansin ko siya. Panigurado na sa ginawa niya, maaapektuhan ang pagkakaibigan namin. Baka layuan niya ako.”
“May dapat pala akong ipagselos kay Rupert kasi gusto ka niya. Mamaya ligawan ka na no’n, e.” Nakalabi niyang tugon sa akin.
“Babe, naman! Hindi ko gusto si Rupert, dati lang iyon. Nawala na iyon dahil sa pambu-bully niya sa akin noon. Pero, talagang kaibigan na lang ang turing ko sa kanya. Alam niya kasi na ikaw ang mahal ko. Saka bakit naman ako magpapaligaw doon, e, may Marco na ako?”
Kinabig ako ni Marco palapit sa kanya. Umunan ako sa matigas niyang dibdib. “Huwag mo munang isipin si Rupert, okay? Ang isipin natin ngayon ay ang mangyayari mamaya sa hapunan. Kinakabahan pa rin ako, babe! Alam ko naman na mabait si Mama Chang pero iba na kasi ngayon na alam na niya ang tungkol sa ating dalawa,” sabi niya.
Tumingala ako sa kanya. “Gigisahin ka niya, for sure! Humanda ka!” Pananakot ko.
“Lalo tuloy akong kinakabahan. Kiss mo naman ako para mawala ang kaba ko.”
Umayos ako ng pwesto at mabilis ko siyang hinalikan sa noo.
“Hindi diyan!”
Ki-niss ko siya sa pisngi.
“Hindi rin diyan, babe!” At ngumuso pa siya.
Napahagikhik ako. Alam ko naman kung saan niya gusto ko siyang halikan pero hinalikan ko siya sa kabilang pisngi. Iniinis ko lang siya.
“Babe! Hindi diyan! Para ka namang ewan, e!” At nainis na nga siya. Pigil ko naman ang aking pagtawa dahil nakabusangot na ang mukha niya.
“Eh, saan ba?” Natatawa na ako dahil medyo nakasimangot na siya.
Tinignan niya ako ng pasulimpat. “Dito!!!” Napasigaw ako nang bigla niya akong hawakan sa dalawa kong kamay at marahas na inihiga sa sofa. Pumaibabaw siya sa akin at saka ako mariin na hinalikan sa labi.
Kung kanina ay medyo pumapalag ako, ilang sandali lang ay napapikit na ako nang maramdaman ko ang masarap na hagod ng labi ni Marco sa labi ko. Napakapit na ako sa leeg niya para ipagdiinan ang paghalik niya sa akin. Marahang tumayo si Marco at binuhat ako. Medyo humanga ako sa kanya dahil nagawang niya akong buhatin nang hindi nagkakahiwalay ang aming mga labi. Alam ko kung saan niya ako dadalhin… Sa kwarto niya. At alam ko na rin ang gagawin namin doon. Alam na alam ko…
Maingat niya akong inihiga sa kama. Mabilis niyang hinubad ang kanyang damit at muling pumatong sa akin. Naglaban na naman ang aming mga dila, nag-espadahan ang aming mga dila. Nararamdaman ko ang pagtigas ng kanyang p*********i sa aking hita. Ganoon din ako. Unti-unti na akong tinatablan.
Umangat siya sandali para hubarin ang aking damit. Hinalikan niya ulit ako sa labi, pababa sa aking leeg at nang marating na ng labi niya ang aking isang u***g at halik-halikan iyon ay napasabunot na ako sa kanya. Isang ungol ang kumawala sa aking bibig ng paglaruan ng dila niya ang parteng iyon ng aking katawan.
Tumaas siyang muli at tumingin sa aking mga mata. Alam ko ang ibig niyang sabihin kaya naman tumango ako bilang pagbibigay sa kanya ng permiso…
“`ETO na! `Eto na! Ilalabas ko naaa…” Excited na inilabas ni Mama Chang sa ref ang ginawa niyang gelatin na ang flavor ay strawberry. “Dyaraaaan!!!” Masaya niyang inilapag sa lamesa ang gelatin at isa-isa kaming nilagyan sa mga pinggan namin. Nakangiti naman kami ni Marco parehas habang pinagsisilbihan niya kami.
Katatapos lang namin mag-dinner kasama si Marco. Wala namang pag-uusap na nangyari hanggang ngayon na kakain na kami ng dessert. Siguro ay gusto lang talagang makasama ni Mama Chang ang boyfriend ko sa hapunan.
“Kung gusto niyo pa, magsabi lang kayo, ha. Marami pa sa ref. Marami akong ginawa doon,” aniya. “Ikaw, Marco, seryoso ka ba talaga dito kay Jak? Alam mo naman na ang-iisang anak ko iyan. Ayokong masasaktan iyan lalo na’t ikaw ang una niyang karelasyon.”
Napatigil ako sa pagsubo ng gelatin at nagkatinginan kami ni Marco. Ang akala ko ba ay wala nang ganitong usapan. Meron pa pala at talagang sa dessert pa isinabay ni Mama Chang.
Ngumiti si Marco sa akin. “Opo, Mama Chang. Mahal na mahal ko si Jak at seryoso ako sa kanya. Hindi ko siya sasaktan…” Kung wala lang si Mama Chang ay baka kanina pa ako nagtitili sa sobrang kilig dahil sa sinabi ni Marco. Napaka-seryoso niya kasi tapos nakatingin pa siya sa mga mata ko kaya damang-dama ko ang sincerity sa mga binitiwan niyang salita.
“Mabuti naman kung ganoon. Ako ang makakalaban mo kapag sinaktan mo ang anak ko!” banta pa ni Mama Chang dito.
“Mama…” saway ko.
“Okay lang, Jak. Naiintindihan ko si Mama Chang mo. Pino-protektahan ka lang niya,” ani Marco at nginitian naman iyon ni Mama Chang.
Sa tingin ko ay botong-boto naman si Mama Chang kay Marco.