CHAPTER SEVEN

2794 Words
“AYOKO nang magkwento pa, Marco, ng tungkol doon dahil masakit lang sa loob ko. Gusto ko lang talagang hanapin ang taong pumatay sa kanya upang gumanti. Pakiramdam ko kasi hindi matatahimik ang daddy ko sa kabilang buhay hangga’t hindi napaparusahan ang totoong pumatay sa kanya. Hindi mo siguro ako maiintindihan kasi wala ka sa posisyon ko.” Hindi ko napigilan ang pagbakas ng galit sa mukha ko na alam kong nakikita ni Marco ng sandaling iyon. “Sorry, Jak. Hindi ko alam. Pero hindi pa rin kita tuturuan na gumamit ng baril. Bata ka pa. Kung gusto mo ay ako na lang ang gagawa niyon para sa’yo.” “Marco? Binibiro mo na naman ako, e.” “Seryoso ako. Hindi ako makakapayag na gamitin mo ang mga kamay mo para pumatay ng ibang tao. Ngayong alam ko na ang dahilan mo kung bakit mo gustong maututong gumamit ng baril ay nauunawaan na kita. Bilang anak din ako ay naiintindihan ko ang pinanggagalingan ng galit mo. Hayaan mo, kapag nahanap natin ang taong sinasabi mo, akong bahala. Ako ang gagawa ng bagay na matagal mo nang gustong gawin.” Hindi makapaniwalang nakatingin ako sa kanya. “Marco, hindi mo naman kailangang gawin iyon. Saka, bakit ganito na lang ang malasakit mo sa akin? Bago pa lang naman tayo na magkakilala, ah. Talaga bang ipapamahamk mo ang sarili mo para sa akin?” Labis na ang pagtataka ko sa ikinikilos niya. Kung hindi ko lang alam na straight siya, iisipin kong may gusto siya sa akin. Tinitigan ako ni Marco sa mata na parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa titig niyang iyon. Iba talaga ang epekto niya sa akin. “Jak… mahal kita! Mahal na mahal!” aniya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Natulala na lang ako at para akong hihimatyin ng sandaling iyon. Ewan ko pero naging in denial ako sa sinabi niyang mahal niya ako. Para akong tanga na tumalikod sa kanya at natulog. Ang weird ng ikinilos ko! Nakakahiya! KRIIINNNGGG!!! Agad akong napabalikwas ng bangon dahil sa malakas na alarm ng phone ko. Pikit pa ang isang mata na kinapa ko ang side table para kunin ang phone at patayin ang alarm. Nang mawala na ang nagwawalang alarm ay doon ko lang napansin na nag-iisa na ako sa kwarto ko. Wala na si Marco. Oo nga pala. Sinabi niyang mahal niya ako. Panaginip lang ba no’ng sinabi niyang mahal niya ako? Ah, panaginip lang iyon. Imposibleng sabihan niya ako ng ganoon dahil hindi naman siya bisexual o gay. Hindi siya nagkakagusto sa lalaki. Sa sobrang pagkagusto ko siguro sa kanya ay nag-iilusyon na rin ako. Tinapik-tapik ko ang magkabila kong pisngi. “Tama na ang ilusyon, Jak. Masasaktan ka lang!” ani ko. Bumaba na ako sa kama ko at lumabas ng kwarto. Wala si Mama Chang kaya ako lang ang mag-aasikaso sa sarili ko. Kaya ko namang gawin iyon. Marunong naman akong magluto ng almusal kahit papaano. Tinuruan kasi ako ni Mama Chang para kapag sa sitwasyong katulad nito na wala siya ay makakakain ako nang hindi na bumibili sa labas. Maganda na rin na marunong akong magluto para may chance na maipagluto ko si Marco minsan. Magpapakitang-gilas ako sa kanya. Hihi! Papalapit na ako sa kusina at parang may naaamoy akong mabango. Amoy nilulutong tuyo. Hindi kaya… Napahinto ako sa bungad ng pintong papasok sa kusina. Paano ba naman ay naroon si Marco at nagluluto. Wala siyang pang-itaas na suot kaya naman kitang-kita ang maganda niyang likod. Nakakatakam ang tila dalawang dimples sa itaas ng pisngi ng pwet niya. Nakatalikod kasi siya sa akin. Isang kulay red na basketball shorts lang ang suot niya. May mumunting pawis na siya sa batok at likod pero parang ang bango niya pa rin na tingnan. Hindi pa rin ako makapagsalita hanggang sa matapos na siyang magluto, humarap na sa akin at nag-smile pa nang makita ako. Shemay! Nakita ko na naman ang katawan niya. Nanginig bigla ang tuhod ko at tila naging jelly ace iyon. Napahawak tuloy ako sa hamba ng pinto dahil parang matutumba ako ng sandaling iyon. Para akong kakapusin ng hininga dahil sa magandang tanawin na nasa aking harapan. Inilapag niya ang pinggan kung saan niya inilagay ang tuyo at saka ako nilapitan. May itlog, sinangag, hiniwa-hiwang cheese at pandesal sa lamesa. “Gising ka na pala. Kakain ka ba muna o maliligo muna?” tanong niya sa akin. “Ah, eh… L-liligo muna ako. Ang hot mo kasi este ang init pala. Excuse me.” Nagmamadali na bumalik ako sa kwarto ko at kumuha ng tuwalya at damit. Diyos ko! Nanginginig na nga po ang kamay kasi sobrang tense. Nakita ko na naman kasi ang yummy na katawan ni Marco tapos may pawis-pawis pa! Haaay… Nakakapanghina talaga! Tama naman na maligo na muna ako at baka sakaling maka-get over na ako sa panginginig kong ito dahil sa kanya. PAGKATAPOS kong maligo at magbihis muna ng pambahay ay dumiretso na ako sa dining area ng bahay. Binilisan ko na lang at nakakahiya naman kay Marco kung paghihintayin ko siya. Isa pa, baka lumamig iyong mga niluto niya kung magtatagal pa ako. Pambahay muna talaga ang suot ko dahil baka matapunan ng kape o pagkain ang uniform ko. Naroon pa rin si Marco at nang makita niya akong paparating ay ipinagtimpla niya agad ako ng kape. Grabe naman… Feeling prinsesa este prinsepe ako sa pagsisilbing ginawa niya. Ang sarap pala ng ganito na parang pinagsisilbihan ka ng taong mahal mo. Teka? Mahal na agad? Ah, basta masaya ako na kasama ko siya, siguro naman ay pagmamahal na itong nararamdaman ko. “Pasensiya ka na nga pala. Pinakailaman ko na iyong mga pagkain niyo dito. Gusto kasi kitang ipagluto,” aniya. Umupo na ako. “Wala iyon. Salamat nga pala, Marco. Mukhang masarap lahat, ah!” puri ko. “Masarap talaga lahat iyan dahil may kasamang pagmamahal!” “Ha?” Tama ba ang dinig ko? May pagmamahal daw? Teka, kikiligin na ba ako? “Ang sabi ko, may kasamang pagmamahal! Nabingi ka na ba? Grabe na iyang tenga mo, ha. Linisin mo na iyan!” Ngingiti-ngiting turan niya. Ah, siguro ay joke lang niya iyon. Ang seryoso ko naman masyado. “Okay. Kumain ka na rin para sabay na tayo.” “Sige. Kain na tayo, babe… Medyo gutom na rin ako, e.” Nabitawan ko bigla ang hawak kong tinidor at lumaglag iyon sa sahig dahil sa sinabi niya. Okay. Alam ko, this time ay hindi na ako nabibingi. Tinawag niya akong “babe”. Sigurado ako. Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya. Naiiling na pinulot ni Marco ang tinidor sa sahig at inilagay iyon sa lababo. Kumuha siya ng panibago at ibinigay sa akin. “Para ka namang bata, babe. Pati ba naman tinidor ay binibitawan mo. Pero sana,ako, `wag mong bitawan… Uy, hugot! Ang corny ko!” Namula bigla ang mukha nito Nagtataka na napasunod ako ng tingin sa kanya hanggang sa umupo siya sa upuan na nasa kanan ko. Napatingin din siya sa akin at kumunot ang noo niya nang mapansin niyang para akong natuka ng ahas sa hitsura ko. “O, bakit ganiyan ang mukha mo, babe?” “T-tinawag mo akong… b-babe? B-bakit?” “Oo. Ayaw mo ba? Ano bang gusto mo? Hon? Love? Honey? Beh?” “Teka, teka, teka! Naguguluhan ako. Ano bang pinagsasabi mo, Marco? Hindi kita maintindihan.” “Wala ka bang naaalala kagabi?” “Naaalala? Anong nangyari ba kagabi?” “Nagtapat ako sa’yo. Sinabi kong mahal kita at sa sobrang saya mo siguro ay nawalan ka ng malay or parang tinulugan mo yata ako. At may kasalanan ka pa sa akin.” Nanlaki ang mga mata ko nang makipag-eye to eye contact siya sa akin. Sa paraan ng pagkakatitig niya ay para na niya akong hinuhuburan. Bumilis ang t***k ng aking puso. So, hindi panaginip ang mga nangyari kagabi! “A-anong kasalanan?” “Nanghimatay ka, timulugan mo ako. Hindi mo nasagot kung mahal mo rin ba ako? At huwag mo nang itanggi, ramdam kita, Jak. Alam kong bisexual ka din na katulad ko. Malakas ang pang-amoy ko sa mga katulad natin.” Mas lalong nanlaki ang mata ko. “Bisexual ka? Totoo? Hindi nga?” Iyong gulat ko ay may kasamang saya. Siyempre, bisexual pala si Marco, so, may pag-asa. Isang malaking pag-asa dahil katulad ko rin pala siya. “Oo. Ngayon, Jak. Sagutin mo ako. Mahal mo rin ba ako?” Teka. Nape-pressure ako. Aamin na ba ako sa kanya o magpapakipot muna ako? “Ano kasi…” Tuluyan na akong nataranta. “Sagutin mo na ako. `Wag ka nang magpaliguy-ligoy pa. Ayoko no’n.” Ang seryoso naman niya. Teka! Ano bang isasagot ko? Pressured na ako! Ano nga bang gagawin ko? Ano ba ang dapat kong sabihin? Hindi na ba ako magpapakipot at aamin na rin ako kay Marco kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya? Ang ikinatatakot ko lang naman ay ang malaman ni Mama Chang ang tungkol sa pagkatao ko. Alam kong madi-disappoint siya at ayokong mangyari iyon. “Jak…” Hindi pa rin ako makapagsalita. Isa pang ipinagtataka ko ay kung paano niya nalaman na alanganin ako. Ang lakas naman ng pakiramdam niya. At isa pa, nakakaloka! Bi din pala siya! Doon talaga ako nagulat. Hindi ko kasi talaga in-expect na magkatulad pala kami ng kasarian. Sabagay, hindi na rin dapat ako magulat. Ang mga bakla ngayon, karamihan, mas gwapo na kesa sa mga straight guys. Hehe. “Marco, ano k-kasi…” ungot ko. Hindi na ako mapakali. “Wala nang kasi-kasi. Mahal mo rin ba ako o hindi? Kasi kung hindi, maiintindihan ko naman. Irerespeto ko na lang kung ayaw mo sa akin—“ “Oo! Mahal din kita!” Sa wakas ay nasabi ko na rin. Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa ni Marco. Pinakiramdaman ko siya. Naghihintay ako kung ano ang magiging reaksiyon niya sa sinabi ko. Teka, bakit wala pa rin siyang reaksiyon? Hindi kaya ginu-good time lang ako ng lokong ito at pinapaamin lang ako na bakla ako? Dahil sa kinabahan na ako ay tumayo na ako upang umalis pero mabilis na humarang si Marco sa daraanan ko. “Oh, saan ka pupunta? Sandali!” Nagtataka niyang tanong. “M-magbibihis na ako. P-papasok na ako sa school. Baka ma-late na ako.” Natataranta kong sagot. Halos hindi ako makatingin ng diretso kay Marco. Naiilang na ako sa kanya. “Bakit parang natataranta ka? Sinabi mong mahal mo ako. Narinig ko.” “Ginu-good time mo ang yata kasi ako, e!” “Ha? Ano bang sinasabi mo diyan?” “S-siguro, pinapaamin mo lang na bakla ako. Tapos, isusumbong mo ako kay Mama Chang! Sige, isumbong mo na ako. Wala na naman akong magagawa dahil alam mo na ang—Ump!” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bumaba ang labi ni Marco sa labi ko. Sa sobrang gulat ko ay nanlaki na lang ang mata ko at hindi na ako nakagalaw o naka-angal pa sa ginawa niya. Isa pa, wala naman akong balak na umangal talaga. Gusto ko itong mangyari, e! Gustong-gusto… Ang lambot ng labi niya at ang bango ng hininga niya. Napasinghap ako nang humiwalay ang labi niya sa labi ko. Pakiramdam ko ay nakatapak ako sa ulap ng sandaling iyon. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. “Ang dami mo kasing sinasabi kaya hinalikan kita! Sa susunod, alam mo na ang mangyayari kapag marami kang sinasabi!” aniya sabay kindat. So, gano’n lang pala para halikan niya ako? Magtatalak kaya ako dito maghapon? Ilang kiss kaya ang matitikman ko mula kay Marco? “A-ano ba ito, Marco? Naguguluhan pa rin ako…” Hinaplos niya ang aking pisngi at hinawakan ang dalawang kamay. “Tayo na, Jak… Ikaw at ako… Tayo.” Seryosong turan niya. “Totoo? Hindi ito joke time?” Umiling siya at nakangiting pinisil ang ilong ko. “Hindi. Totoo ito at totoo ang nararamdaman ko para sa iyo. Mahal kita, noon pa. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob na sabihin ito sa iyo kaya pasensiya na. Kung noon pa sana, baka matagal nang tayo.” At muli niya akong hinalikan sa labi. Mabilis lang ngunit ramdam ko ang pagmamahal. Official first kiss. First relationship ko sa kapwa ko lalaki. Hindi ko alam ang kahahantungan nito pero bahala na. Mahal ko si Marco, e. Kung saan man kami dalhin, bahala na… Basta ang importante, kami na. “BAKIT parang ang saya mo yata ngayon, Jak? Anong meron? Kanina ka pa diyan nakangiti na parang timang!” usisa ni Rupert habang kumakain kami sa canteen. Break time tapos wala po iyong teacher namin sa next subject kaya naman halos dalwang oras din kaming mababakante. Nilunok ko muna ang palabok sa bibig ko bago nagsalita. “Paano mo naman nasabi? Hindi naman ako tumatawa o ngumingiti. Dami mo naman napapansin,” tugon ko at sumubo ulit ako ng palabok sabay inom ng iced tea. “`Ayan, oh! Kita sa mata mo!” itinuro pa niya ang mukha ko sabay tawa. “Saka anong hindi ngumingiti? Kanina ka pa nakangiti!” “Talaga?” Kumurap-kurap pa ako. “Oo. Bakit ba? Bawal na ang secret kasi magkaibigan na tayo! Sige na, sabihin mo na sa akin kung bakit ka masaya kasi hindi kita titigilan hangga’t hindi mo sinasabi.” “OA? Oo na! Sasabihin na.” Tumigil ako sandali at nag-ipon ng lakas ng loob para magtapat kay Rupert. “Ano kasi… m-may… b-boyfriend na ako…” Nahihiyang sagot ko. Hindi naman siguro masamang sabihin ko na rin kay Rupert dahil magkaibigan na kami. Isa pa, alam na rin naman niya ang tunay na pagkatao ko. Mamayang gabi, pag-uwi ko ay magvi-video call kami ni Samantha at sasabihin ko na rin sa kanya na kami na ni Marco. “Ha? Seryoso?! Sino?” gulat na gulat na reaksiyon ni Rupert. “Si Marco… Iyong bagong boarder namin. Kanina lang naging kami…” Tama ba itong nakikita ko sa mukha ni Rupert? Parang malungkot siya. “Busog na ako.” Biglang tumayo si Rupert. “Sa’n punta mo? Sayang iyong burger mo. Isang kagat mo pa lang. Sayang naman ito, o.” “Wala. Kung saan lang. Magpapababa ng kinain.” “Sama ako.” “`Wag na. Gusto kong mapag-isa.” “Rupert! May nasabi ba akong masama? Bakit parang biglang nagbago mood mo?” “Sana marunong kang makiramdam, Jak. Huwag kang manhid. Sige, diyan ka na. Ubusin mo iyang pagkain mo. Kung gusto mo, sa iyo na `yang burger ko kung nasasayangan ka. Kainin mo hanggang sa mabusog ka!” “Okay. Sabi mo, e… Thank you sa burger,” sabi ko na lang. Napakunot na lang ako ng noo habang sinusundan ng tingin ang papaalis na si Rupert. Anong nangyari doon? Biglang nagbago ang mood. Simula nga ng sabihin ko kay Rupert ang tungkol sa amin ni Marco ay parang iniiwasan na niya ako. At hindi ko alam kung bakit. Sumasama pa rin naman siya sa akin pero hindi na katulad dati na masayahin siya kapag magkasama kami. Madalas ay wala siyang imik, ako lang ang madalas na magkwento. Parang nawalan na siya ng gana na makipag-usap sa akin. Makapalipas ang isang linggo ay bumalik na si Mama Chang sa bahay. Mas naging maingat kami ni Marco sa mga kilos namin dahil baka mahuli kami. Mahirap na. Nasabi ko na rin naman kay Marco ang tungkol sa bagay na iyon kaya naiintindihan na nito. Nagsimula na rin akong turuan ni Marco sa konting alam niya sa self defense. Marami siyang itinuro sa akin na alam kong magagamit ko kapag may nang-aaway sa akin. Pero, hindi naman talaga ito ang gusto kong matutunan kundi ang gumamit ng baril. Buo pa rin kasi ang plano ko na hanapin ang pumatay sa daddy ko. Ang gusto ko ay ako mismo ang pumatay sa hayop na iyon kahit pa pumayag ako sa sinabi ni Marco na siya ang gagawa niyon para sa akin. May mga gabi pa rin kasi na dinadalaw ako ng daddy ko sa panaginip ko. Umiiyak siya at parang hirap na hirap. Alam ko naman kung bakit siya nahihirapan. Hanggang ngayon kasi ay malaya pa ring gumagala ang kumitil sa buhay niya. Ang lalaking may tattoo na malaking pakpak ng anghel sa likod nito! Magkikita rin kami ng lalaking iyon. Nararamdaman ko na malapit na…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD