KUNG hindi ko pa itinulak si Marco mula sa pagkakasubsob ng nguso niya sa nguso ko ay hindi pa kami maghihiwalay na dalawa. Siguro kung hindi ko pa iyon ginawa ay magkadikit pa rin ang mga labi namin. Napapahiya akong tumayo at pinagpagan ang aking sarili. Medyo nadadala na ako at ayokong tuluyan akong mawala sa sarili kaya itinulak ko na lang siya.
Parehas kaming humihingal na napaupo sa damuhan. Nakatitig lang ako sa kawalan dahil para akong tinakasan ng kaluluwa sa nangyari kanina.
Napapitlag ako nang hawakan niya ako sa braso. Tila napaso na napaigtad ako.
“Okay ka lang ba? Hindi ka ba nagkaroon ng sugat?” Nag-aalalang tanong ni Marco.
Napatulala ako sa kanya. Ang inaasahan ko kasi ay hihingi siya ng sorry dahil sa accidental kiss na nangyari sa amin pero ako pa talaga ang inaalala niya. So, balewala lang sa kanya ang kissing scene namin? Hindi man lang siya apektado? Teka nga, bakit ba ako umaasa na maaapektuhan siya doon? Straight guy si Marco at para dito ay aksidente lang ang halik na iyon. Hindi sinasadya. Hindi nito gusto. Nag-a-assume na naman ako, e. Tsk!
“Jak!” untag niya nang mapatulala na naman ako.
“Ha?! Oo! O-okay lang ako.”
“Sigurdo ka?” Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko at chi-neck ang bawat parte ng katawan ko. “Wala ka bang sugat o—“
“Marco, okay lang ako.” Naiilang na inalis ko ang kamay niya sa akin.
Huminga siya nang malalim. “Pasensiya ka na, ha. Naku, baka mapagalitan ako nito ni Mama Chang kapag nalaman niya ito.” Kakamot-kamot sa ulo na turan niya. Tumayo siya at inabot ang kamay ko para tulungan akong makatayo.
“Hindi ko sasabihin sa kanya kaya `wag kang mag-alala. Ang mabuti pa siguro ay maglalakad na lang ako pauwi. Malapit na lang naman, e.”
Tama. Mas tama na maglakad na lang ako hindi dahil natatakot ako na baka tumumba na naman kami sakay ng bike niya, kundi baka hindi ko na mapigilan pa ang aking sarili at tumili na ako sa sobrang kilig. Kumukulit pa rin kasi sa isipan ko ang “first kiss” namin ni Marco kani-kanina lang. Medyo naiihi na nga ako dahil sa pagpipigil ng kilig. Hehe! Oo, para sa akin ay first kiss namin iyon. Accidental man o hindi sinasadya, kiss pa rin iyon. Kiss na sana ay masundan pa. Hihi! `Ayan na naman, nag-assume na naman ako. Hay naku…
“Okay, ikaw bahala. Mag-iingat ka.”
“Salamat. Ikaw din.” Kumaway na lang ako kay Marco.
Dinampot ko na ang bag ko at isinukbit iyon sa akin at naglakad na palayo sa kanya. Pagkatalikod ko sa kanya ay hindi ko na napigilan ang pagsilay ng maharot na ngiti sa aking mga labi. Grabe! Nakakakilig! Kung babae lang siguro ako, matagal ko nang sinabi kay Marco na ligawan niya ako dahil sasagutin ko naman siya agad-agad.
MALALAKI ang aking mga hakbang papasok ng bahay. Wala si Mama Chang. Takbo agad ako sa kwarto ko at isinara ang pinto. Hindi ko pa man nailalapag ang aking bag ay isang kinikilig na tili ang lumabas sa aking lalamunan. Doon ko pinakawalan ang lahat ng feels ko sa accidental kiss namin ni Marco kanina. Nagtatalon pa ako na parang bata sabay bagsak ng katawan sa kama. Doon ay para akong bulateng naligo sa asin na nagkakawag. Tumigil ako saglit at tumitig sa kisame para namnamin ang first kiss namin ni Marco. In-imagine ko na magkahalikan kaming dalawa pero this time ay gumagalaw na ang mga labi namin, humahagod na ang dila niya at dila ko. Nag-uumpugan na rin ang mga ngipin namin. Tapos… Tapos…
“Eeehhh!!!” Napatili na naman ako sa sobrang kilig! Wala na ako sa huwisyo at nagsisigaw pa ako. Kailangan ko itong ma-release dahil kung hindi ay baka masiraan ako ng ulo.
At para akong binuhusan ng malamig na tubig nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
“Jak! Anong nangyayari? May kasama ka ba diyang babae? Diyos ko! Kailan ka pa natutong magsama ng babae sa kwarto mo?!” Si Mama Chang! Histerikal naman agad siya.
Nataranta ako. Nandito pala siya at mukhang narinig niya ang malandi kong tili. Inakala tuloy niya na may kasama akong babae.
“Anong babae, Mama? W-wala po! Wala po akong kasamang babae dito! Promise!” Pasigaw na sagot ko para marinig niya nang maayos.
“Eh, sino `yong naririnig kong tumili na parang sinisilihan ang pukelya? Baka nagdadala ka na ng babae sa kwarto mo, ha! Diyos ko ka! Ang bata mo pa! Hindi pa iyan pwede. Saka na kapag nakapatapos ka na ng pag-aaral mo! Baka makabuntis ka, Jak!”
Tumayo na ako para pagbuksan siya ng pinto. Medyo nagiging OA na kasi siya. Kung anu-ano na ang nasasabi, e. Agad naman siyang pumasok at inilibot ang mata sa loob. Akala mo ay imbestigador na tinignan ang bawat sulok.
“Ano po kasi… Si Samantha po iyong tumili. Ka-video call ko kasi siya kanina. Kinikilig po kasi doon sa nakilala niya,” pagsisinungaling ko.
“Ang lakas namang tumili ng kaibigan mong iyon.”
“Malakas lang po volume ng phone ko. Bakit ka nga po pala nandito? Akala ko nasa karinderya kayo.”
“Maaga akong nagsara. Saka may sasabihin din ako sa’yo na importante, Jak. Paalis ako mamayang madaling araw. Uuwi ako sa Davao at namatay ang kapatid ko. Kailangan ako doon. Isang linggo rin akong mawawala kaya ikaw na ang bahala muna sa sarili mo, ha? Isang linggo rin na nakasara ang karinderya. Malaki naman ang ipon natin kaya maiiwanan kita dito ng pera. Kapag kinulang ka, tawagan mo lang ako. Madali lang namang magpadala ng pera.”
Medyo nalungkot ako sa sinabi ni Mama Chang. Namatay na pala ang isa sa mga kapatid niya. Ang alam ko kasi ay ilang taon na rin itong hindi nakakauwi ng Davao dahil sa pag-aalaga sa akin at dahil na rin sa negosyo namin. “Walang problema, Mama Chang. Basta, mag-iingat kayo doon. Kaya ko na ang sarili ko dito. Huwag niyo po akong kaisipin…”
“Kaya nga hindi ako nag-aalala na iwanan ka. Alam ko naman na kaya mo na ang sarili mo. Basta mag-iingat ka dito. Mag-isa ka pa naman. Saka mag-aral na mabuti, ha!”
“Opo, Mama!” sabi ko at isang mahigpit na yakap ang ibinigay ko sa kanya.
Pero medyo naiinis din ako dito kay Mama Chang dahil nabitin ako sa pagmo-moment ko kanina. Hehe!
“At bawal kang magdala ng babae dito!”
“Oo naman, mama!” Itinaas ko pa ang kanang kamay ko na parang nangangako.
NAGULAT na lang ako nang nakapila ako sa counter ng canteen namin para bumili ng lunch. Bigla kasi akong nilapitan ni Rupert at hinawakan ako sa braso. “Bakit?” tanong ko.
“Basta. Sumama ka sa akin. Doon tayo!” May table siyang inginuso.
“Ha? Nakapila pa ako, e. Bibili pa ako ng pagkain ko.”
“`Wag na. Tara na!” Wala na akong nagawa nang hinila niya ako sa table niya. Doon ay may mga pagkain na.
“Rupert, ano ito?” Nagtatakang tanong ko sa kanya. Iginiya niya ako paupo.
“Gusto ko lang bumawi sa’yo. Gusto kitang maging kaibigan, Jak. Gusto kong mawala sa memory mo ang bully na Rupert. Ito na ang bagong ako. Mabait na ako at hindi na kita ibu-bully. Pangako!”
Ah, okay. So, paandar niya ito para sa akin. Parang ang imposible naman yata ng gustong mangyari ni Rupert na mawala sa memory ko ang pagiging bully niya. Na-trauma na nga yata ako sa mga pinag-gagawa niya, e. Lahat ng iyon ay hindi ko makakalimutan. Mahirap…
Napailing ako sabay ngiti. “Hindi mo na naman ito kailangang gawin. Isa pa, to be honest, hindi ko pa rin sure kung kaya kong makipag-kaibigan sa’yo. Nabibigla kasi ako sa pagbabago mo. Para kang bagyo. Nakakgulat ang pagiging mabait mo sa akin, Rupert. Sa totoo lang.”
Ngumiti siya sa akin habang inilalapit niya ang food ko sa akin. Asikasong-asikaso niya ako to the point na nag-a-assume ako na nagde-date kami.
“Hayaan mo lang akong gawin ito. Gusto lang kitang maging kaibigan. Sorry nga pala ulit sa lahat ng nagawa ko sa iyo, Jak. Pinagsisisihan ko na ang lahat. Siguro, kung hindi mo pa ako nabugbog, hindi ko pa mare-realize na masakit ang ginagawa ko sa’yo. Alam mo kasi, kulang kasi ako sa pansin sa bahay. Only child nga ako pero hindi naman ako mabigyan ng atensiyon ng parents ko. Puro sila negosyo at pagpapayaman.” Napaawa ako kay Rupert nang makita ko ang sadness sa mata niya habang nagkukwento siya sa akin kahit nakangiti siya. Saka, nakakatuwa na nag-open agad siya sa akin ng buhay niya. Mukhang ipinapakita na niya sa akin ang tunay na siya.
Nagpatuloy si Rupert sa pagsasalita. “Siguro… gusto ko lang na pansinin mo ako kaya kita binu-bully…”
Ano daw?! Gusto lang niya na mapansin ko siya?
Natulala naman ako bigla sa sinabi niya. Hindi kaya… gusto niya ako? Bisexual ba siya? Gay? Ano ba? Baka naman confused lang.
Okay. Kakalma na ako kahit medyo naloloka na ako dito kay Rupert. Nag-a-assume na naman ako, e. Wala sa hitsura niya ang maging katulad ko. Baka naman kapatid lang ang tingin niya sa akin kaya gusto niyang mapansin ko siya. `Di ba, only child siya? Naghahanap lang siguro siya ng brother. Iyon nga siguro…
Huminga ako nang malalim at tinitigan siya sa mga mata. “Okay. Pumapayag na akong maging kaibigan mo. Friends?” Inilahad ko ang kamay ko na agad naman niyang inabot.
“Friends!” Napakalapad ng pagkakangiti niya.
“Basta ba, huwag mo na akong ibu-bully, ha!”
“Hindi na. Promise!” aniya.
“Good! Ano na? Mag-uusap na lang ba tayo o kakain? Ang dami nitong binili mo, ha. Parang fiesta!” Tuwang-tuwa na turan ko.
“Umpisahan na natin?” aniya sabay kindat.
“G!”
SIMULA nga noon ay hindi na ako binully pa ni Rupert. Pabor na pabor iyon sa akin dahil hindi na ako natatakot pumasok sa school. Unlike before na nakakatamad pumasok dahil baka makasalubong ko siya at bully-hin niya ako. Ngayon, kapag nakikita niya ako ay binabati niya ako at nginingitian pa.
Mas naging close ako kay Rupert at mas nakilala ko pa siya. Madalas ay sabay kaming umuwi palagi. Magkasamang nagsasagot ng assignments bago umuwi at sabay na nagre-recess. Sa akin siya naglalabas ng sama ng loob. Kinukwento niya sa akin iyong pakiramdam niya na hindi siya pinapansin ng parents niya sa kanila. Medyo nakaaawa din talaga itong si Rupert. Kasama nga niya ang tunay niyang mga magulang pero parang hindi naman siya masaya, habang ako hindi ko man tunay na magulang ang kasama ko pero busog na busog naman ako sa pagmamahal at atensiyon.
Na-miss ko tuloy bigla si Mama Chang. Medyo matatagalan pa kasi bago siya umuwi. Pero ayos lang naman. Para makasama niya rin nang matagal ang pamilya niya sa probinsiya nila.
Sa isang iglap ay nagbago si Rupert. Ang layo na niya sa dating siya which is good naman. Hindi lang para sa akin kundi para na rin sa kanya. Hindi na siya katulad before na palaging nakabusangot ang mukha. Ngayon ay madalas na siyang nakangiti.
Wish ko lang talaga y hindi na siya bumalik sa dati…
MASARAP pala sa pakiramdam na iyong dating tao na inaaway-away ka ay kaibigan mo na ngayon. Hindi na ako kinakabahan sa pagpasok sa school na may bigla na lang sasapak sa akin o susuntok. Isa pa, ayoko rin naman na mag kaaway. Masyadong mabigat sa kalooban.
“Jak, bakit kasabay mong umuwi si Rupert? Parang hinatid ka pa niya, ah! Anong meron?”
Nagulat naman ako nang papasok na ako sa bahay dahil biglang nagsalita si Marco sa likuran ko. Paglingon ko sa kanya ay napansin ko na medyo seryoso ang mukha niya. Ngayon niya lang ako binati na parang seryoso siya. Baka bad trip lang o kaya bagong gising. Ganoon daw kapag bagong gising, `di ba? Parang galit.
Huminto ako para kausapin siya. “Ah, iyon ba? Magkaibigan na kasi kami, Marco. Tinanggap ko na pakikipag-peace niya para naman wala na akong iniisip na kung anu-ano sa school. Okay na iyon, `di ba? Wala nang nagbu-bully sa akin.”
Kumibit-balikat lang si Marco. “Sabagay… Oo nga pala. Nag-set-up ako ng training area mo sa loob ng unit ko. May punching bag na doon para tuturuan kitang sumuntok at makipaglaban. Kapag free ka, sabihin mo lang sa akin para maumpisahan na natin ang pagtuturo ko sa iyo.”
Lumiwanag ang mukha ko sa aking narinig. “Talaga?” Bigla akong na-excite sa sinabi niya. “Kailan mo ba ako tuturuan? E, iyong baril? Kailan?” Umakto pa ako na parang may hawak na baril na nakatutok sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay ko at ibinaba iyon. Ang cute niya nang binelatan ako. “Baril ka diyan! Asa ka naman na tuturuan kitang bumaril, Jak! Fighting skills lang ang ituturo ko sa’yo. Ayokong matuto kang gumamit ng baril. Teka nga, nagtataka na ako sa iyo… may papatayin ka ba at gusto mong matutong gumamit ng baril? Kung gusto mo, ako na lang ang papatay do’n.”
“Ha? Kaya mong pumatay ng tao? Gagawin mo iyon para sa akin?” Medyo nagulat naman ako sa sinabi ni Marco. Para kasing ang seryoso niya nang sabihin niya iyon.
Tumawa siya sabay gulo ng buhok ko. “Siyempre, joke lang! `Tamo nahuhuli ka! May gusto ka ngang patayin na loko ka. Sige na. Basta kapag may free time ka, punta ka lang sa unit ko. Pumasok ka na, madilim ang langit. Uulan iyan panigurado.”
“Ano ba `yan? Bad trip ka naman, e. Akala ko naman totoo na.”
“Totoo na mukha mo. Pumasok ka na!” Natatawang turan pa niya.
Tumango-tango na lang ako at pumasok na sa loob ng bahay. Nagpalit ng pambahay at nagsaing. Nagbukas na lang ako ng de-lata para ulam ko. Hindi naman ako maarte sa pagkain. After kong kumain ay nagpunta ako sa salas, binuksan ang TV pero hindi ako nanood. Binuksan ko lang talaga. Nagbasa-basa ako ng notes namin. Mabuti na lang at wala kaming assignment kaya makakapag-aral ako kahit paano. Minsan kasi, may surprise quiz kami lalo na sa Math. Mabuti na iyong handa ako.
Kailangan kong mag-aral ng mabuti. Ito lang kasi ang alam kong paraan para makaganti sa pag-aalaga at kabutihan sa akin ni Mama Chang sa akin. Alam ko kasi na magiging proud siya sa akin kapag nagtapos ako sa high school nang may karangalan. Hindi ko naman target ang maging valedictorian basta may honors lang, okay na iyon. Palagi niya kasing sinasabi sa akin na ang sarap sa pakiramdam kapag umaakyat siya ng stage para sabitan ako ng medalya.
Habang nagbabasa ako ng notes ay may narinig akong tunog na nanggagaling sa labas. Napatayo tuloy ako at dumungaw sa bintana. Umuulan pala. Tama nga si Marco. Isinara ko ang bintana. Makumusta nga si Mama Chang. Nakarating na kaya siya sa kanila sa Davao?
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan siya. Okay naman daw siya. Kanina pa daw siya naroon. Hindi nga lang daw siya makatawag dahil masyadong busy. Naiintindihan ko naman dahil patay ang kapatid niya. Nagbilin si Mama Chang na mag-iingat ako.
“Kaya ko po ang sarili ko, Mama Chang. `Wag niyo po ako masyadong inaalala. Sige po, tutulog na rin ako. Ang lakas ng ulan dito, e,” sabi ko.
“Napanood ko nga sa balita kanina. May bagyo daw diyan sa atin. Naku, baka kapag kumulog ay matakot ka na naman, ha. Alam mo naman na takot ka doon…”
Napatingala tuloy ako nang wala sa oras. Tama siya, takot ako sa kulog. Ewan ko ba, dahil siguro umuulan at kumukulog nang patayin si Papa. “Tutulog na lang po agad ako para kapag kumulog ay hindi ko na maririnig. Good night po. Ingat kayo diyan.”
“Sige. I love you, anak.”
“I love you too, Mama Chang. Bye po…”
Pinutol ko na ang tawag at saka pumasok sa kwarto ko. Nakita ko na nakabukas ang bintana sa sa silid ko kaya lumapit ako doon para sarahan iyon. Ngunit isasara ko pa lang sana iyon nang biglang lumiwanag sa labas at sinundan iyon ng dumadagundong na kulog! Ubod lakas akong napasigaw at natumba. Isa pang kulog ang nagpasigaw ako. Nakabaluktot habang yakap ang sarili na napahiga ako sa sahig. Nanginginig ang buong katawan ko at hindi ko iyon mapigilan.
Biglang bumalik sa alaala ko ang gabing pinatay si Papa ng lalaking may pakpak ng anghel na tattoo sa likuran. Napatulala lang ako habang nanatili sa ganoong pwesto.
Matagal ako sa ganoong posisyon. Ayaw gumalaw ng katawan ko dahil sa takot na lumulukob sa akin. Sa bawat kulog na naririnig ko ay isang sigaw ang kumakawala sa bibig ko. Hindi ko iyon mapigilan.
Naalerto ako nang may marinig akong yabag ng mga paa na papalapit sa kwarto ko. Kinabahan ako. Pagtayo ko ay nakita kong humahangos na palapit sa akin si Marco.
“Jak! Anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?” nag-aalala niyang tanong. Agad niya akong hinawakan sa magkabilang balikat. Tinignan niya ako na para bang chini-check niya kung ayos lang ako.
“M-marco!”
Isang anghel… Iyon ang nakita ko nang dumating si Marco. Sa sobrang saya ko ay nayakap ko siya at isiniksik ko ang mukha ko sa dibdib niya.
“Anong nangyari, ha? Okay ka lang ba?”
“`Yong kulog kasi…”
“Takot ka sa kulog?”
Tumango ako.
“Hay! Para ka talagang bata! Gusto mo bang dito na lang ako matulog? Sasamahan kita?”
“O-okay lang ba sa iyo, Marco?”
“Oo naman. Halika. Samahan kita sa pagtulog pero ngayon lang, ha. Kapag bukas wala nang kulog, hindi na kita sasamahan.” Mabilis akong tumango. Ginulo na naman niya nag buhok ko. “Para ka talagang bata!”
AWKWARD. Napaka-awkward lang na magkatabi kami ni Marco sa kama ko. Isang pulgada nga lang yata ang layo niya sa akin. Iyong tipo na konting galaw ko lang ay magdidikit na ang balat niya sa balat ko. Parehas kaming patihayang nakahiga at nakatingin sa kisame. Patay na ang ilaw at ang liwanag mula sa mga poste sa labas na naglalagos sa salamin na bintana ang tanging liwanag namin. Umuulan pa rin sa labas at manaka-nakang kumukulog pero hindi na ako napapasigaw sa takot dahil katabi ko naman si Marco. Feeling safe na ako.
“Takot din sa kulog ang kapatid ko kaya kapag kumukulog, tinatabihan ko siya sa pagtulog. Parang ganito… Na-miss ko tuloy siya.” aniya.
“Gano’n ba? Salamat nga pala, ha. Baka namatay na ako sa takot kung hindi ka dumating.” Medyo nadisappoint ako sa sinabi ni Marco. Parang sa sinabi nito na nakikita lang nito sa akin ang kapatid nito kaya niya ako kinaibigan.
Mahinang tumawa si Marco. “Ang lakas kasi ng sigaw mo, akala ko kung napaano ka na. Baka kako ginagahasa ka na. Mabuti na lang talaga at hindi mo nai-lock iyong pinto kaya nakapasok agad ako.”
Naramdaman ko na gumalaw siya. Sa gilid ng mata ko ay nakita kong tumagilid siya paharap sa akin habang nakaunan siya sa sarili niyang braso. Naging uneasy ang pakiramdam ko dahil feeling ko ay tinitignan niya ako. `Wag kang ganiyan… Marupok ako! Tili ng utak ko.
“Jak…” tawag niya.
“Hmm?” tipid kong react.
“Curious lang ako. Bakit mo gustong matutong gumamit ng baril. Okay lang ba nasabihin mo sa akin? Malay mo naman, ma-convince mo ako dahil sa rason mo.”
Natigilan ako saglit.
Dapat ko na bang sabihin sa ibang tao kung bakit? Na gusto kong hanapin ang pumatay sa daddy ko at patayin ito? Humarap ang ulo ko sa direksiyon ng mukha niya at nagsalita. “May tao akong gustong patayin, Marco. Iyon ang totoo.” Seryosong sagot ko sa kanya at bumakas ang pagkagulat sa mukha niya.
“Ano?” Seryoso ka ba sa sinasabi mo?”
“Oo, Marco. Seryoso ako,” aniya.