CHAPTER FIVE

3077 Words
“PWEDE bang turuan mo akong gumamit ng baril?” Walang gatol na tanong ko sa kanya. Napakunot ang noo ni Marco. “Ha? Anong sinasabi mo diyan? Ayoko nga!” tanggi niya agad. Ayaw agad? Hindi man lang niya pinag-isipan? “Seryoso ako. Turuan mo ako!” giit ko. Hinawakan ko pa siya sa braso at bahagyang niyugyog iyon. “Seryoso din ako, Jak. Ayoko. Hindi pwede!” “Sige na, Marco! Please…” Kulang na lang ay lumuhod ako sa harapan niya. Kuntodo ang pag-iling na ginawa ni Marco. Tinignan niya ako at tumingin naman ako nang diretso sa kanya para malaman niyang hindi ako nagbibiro. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at sinamsam ang baril at ang gamit nito sa paglilinis niyon. Nagpunta siya sa kanyang kwarto at hanggang doon ay sumunod ako sa kanya. Nakita ko na inilagay niya sa drawer ang baril. Pagharap niya sa akin ay nagulat siya nang makita niyang nakasunod pala ako sa kanya. “O, bakit nandito ka pa? Nakkaagulat ka. Aatakihin ako sa iyo sa puso, e! Pumasok ka na nga, Jak! Mamaya ma-late ka pa niyan sa school, kasalanan ko pa.” Pagtataboy niya sa akin. Nakalabi akong umiling. “Hindi ako aalis hangga’t hindi ka pumapayag na turuan mo akong gumamit ng baril.” Umupo na nga ako sa may bungad ng pinto sabay halukipkip. Mukha na akong bata na nagta-tantrums nito pero wala na akong pakialam. Basta ang nasa isip ko lang ay ang matuto akong humawak at gumamit ng baril. Ang baril lang ang naiisip ko na bagay na makakatulong sa akin para mapaghiganti ang aking daddy. Tutal naman ay sarado na ang kaso, pwes, ako na ang hahawak sa batas. Hahanapin ko ang totoong pumatay sa daddy ko at ako mismo ang papatay sa kanya. Ang tagal na hindi sumagi sa isipan ko ang pangyayaring iyon. Ngayon lang talaga ulit at mukhang mas matindi ang nararamdaman ko ngayon. Noong bata pa kasi ako ay takot ang nararamdaman ko nang makita ko mismo ang pagpatay sa daddy ko. Iba na pala ngayong may isip na ako. Galit. Iyon ang nararamdaman ko. Gusto kong gumanti. Gusto kong pumatay! Deserved ni daddy ang hustisya. Mabuti siyang tao at wala akong maisip na dahilan para patayin siya. Hindi ako matatahimik hangga’t alam kong maling tao ang napaparusahan sa pagpatay sa kanya. Nilapitan ako ni Marco at tumayo siya sa harapan ko. “Para ka namang bata, e.” Kakamot-kamot sa ulo na turan niya. “Tumayo ka na diyan. Hindi kita tuturuang gumamit ng baril lalo na at hindi ko alam kung saan mo gagamitin ang baril. Baka mamaya, barilin mo pa iyong nambu-bully sa’yo sa school. Makukulong ka. Alam mo ba iyon?” “Hindi ko babarilin si Rupert, Marco. Iba ang babarilin ko!” `Ayan na nga. Nadulas na ako. “Ah… So, may babarilin ka nga talaga! Hindi talaga kita tuturuan! Tumayo ka na diyan! Masama ang pumatay ng tao, Jak.” Bigla niya akong hinawakan sa kamay at hinila patayo pero kumapit ako sa may gilid ng pinto. Imbes na ako ang mahila niya ay siya ang nahila ko paibaba. Nawalan siya ng balanse at hindi ko naman hiniling pero natumba si Marco at dumagan ang parteng p*********i niya sa mukha ko. Dahil nakasuot lang siya ng basketball short ay damang-dama ko ang p*********i niya sa mukha ko! Malambot pa iyon at… at… mabango. Basta, hindi ko ma-explain. Ilang segundo kong ninamnam ang moment na iyon. Para akong idinuduyan sa ulap at ipinaghehele sa hangin. One… Two… Three… Three seconds. Itinulak ko ang ibabang parte ng katawan niya at nagmamadali akong tumayo. “Ano ba `yan?! Kadiri naman! Kadiri!!!” Kunwari ay naiinis na sabi ko habang pinupunasan ng kamay ko ang aking mukha. Kailangan kong ipakita na nandidiri ako sa nangyari dahil baka magduda si Marco sa pagkatao ko. Mahirap na. Baka isumbong niya ako kay Mama Chang. Tumayo na rin si Marco at mahina akong binatukan. “Aba! Hindi naman mabaho itong ano ko, ah! Pumasok ka na nga! Masyado ka nang nagtatagal dito. Pasok na!” Bigla na naman akong napatulala dahil sa ekspresyon ng mukha niya habang pinapaalis niya ako. “Pwede bang ikaw na lang ang pumasok sa akin?” Naitutop ko ang aking kamay sa aking bibig nang kusang lumabas ang mga iyon sa aking bibig. Parang nagkaroon ng sariling buhay ang aking bibig at sinabi ang mahalay na salitang iyon. “Anong sabi mo?” Kumunot ang noo niya. “Ah, wala! Ang sabi ko, aalis na ako. Pero hindi kita titigilan hangga’t hindi mo ako tinuturuang gimamit ng baril! Babalik ako dito!” sabi ko at nagtatakbo na ako palabas ng apartment ni Marco. Jusko! Sana naman ay hindi niya narinig iyong sinabi ko kanina. Nakakahiya! MUNTIK na akong mapamura sa sobrang gulat nang may bolang bigla na lang tumama sa likuran ng ulo ko. Naglalakad ako no’n sa hallway para pumunta sa library. May kailangan kasi akong i-research sa English class namin. Ayoko namang mamaya pa gawin dahil may free time pa naman ako. Wala kasi iyong adviser namin sa isang class kaya isang oras akong walang gagawin. Napatingin ako sa bola ng basketball na nagpagulong-gulong palayo sa akin. Feeling ko ay naalog nang husto ang utak ko. Hinimas-himas ko pa iyon habang nakangiwing lumingon sa kung sinong tarantado ang bumato sa akin. Ang nakangising si Rupert ang nakita ko. Hay! Sino pa nga ba ang ibang gagawa sa akin ng ganito kundi siya lang naman. Wala nang iba. Talagang natutuwa siya kapag nasasaktan niya ako ng pisikal. “Bakit nakatingin ka? Type mo talaga ako, `no! Bakla!” Pang-aasar pa niya. “Asa ka pa! Kahit ikaw na lang ang nag-iisang lalaki, hindi kita papatusin! Feeler!” “Anong sabi mo?!” Bumakas ang inis sa mukha niya. Ang akala niya siguro ay hindi ko siya sasagutin. Pwes, napupuno rin ako! Naiinis na ako. Matagal na akong nagtitimpi sa pambu-bully niya sa akin. Hindi niya talaga ako titigilan hangga’t hindi ko siya nilalabanan. Kaya niya ako kinakaya-kayanan kasi kahit minsan ay hindi ako nagpakita sa kanya ng tapang. Puro na lang takot. Siguro, dapat na akong maging matapang sa pagkakataon na ito para ganoon na rin ako kapag nahanap at nakaharap ko na ang taong pumatay sa daddy ko. Naikuyom ko ang aking dalawang kamao. Kinuha ko ang bola at malakas na ibinato iyon sa kanya. Hindi siya naging handa kaya sapol siya sa mukha. Na-distort nang sandali ang mukha ni Rupert nang tamaan siya nang bola. Naduling pa nga yata ang kanyang mata. Hindi makapaniwalang napatingin siya sa akin. “Gago ka!” aniya nang makarecover. Dinuro niya ako at malalaki ang mga hakbang na nilapitan ako. Akmang susuntukin niya ako pero inunahan ko siya. Sinuntok ko si Rupert sa mukha at napaatras siya. Nanlaki ang kanyang mata habang sapo ang ngusong nasuntok. “Bakit mo ako sinuntok?! Lumalaban ka na?! Ha?!” Tinulak-tulak pa niya ako. Natumba ako at napaupo sa sahig. Isang sapak pa ang natanggap ko mula kay Rupert. Nang mga sandaling iyon ay wala na ang takot ko sa kanya. Marahil ay natabunan na ang pagiging duwag ko dahil sa kagustuhan kong patayin ang taong pumatay kay daddy. Inupuan ako ni Rupert sa bandang tiyan ko at isa pang suntok ang pinakawalan niya. Tinamaan ako sa nguso. Masakit. Alam kong dahil sa pag-atake niyang iyon ay dumudugo na ang bibig ko. Hindi ako nawalan ng pag-asa. Gumalaw ang kamay ko para abutin ang kuwelyo sabay hila. Isang suntok ang pinatama ko sa mukha niya. Hindi ko na sinayang ang pagkakataon na iyon. Umigpaw ako para siya naman ang mapunta sa ilalim. At nang mangyari iyon ay sunud-sunod na suntok ang pinatama ko sa mukha niya. Walang tigil. Walang aawa. Inisip ko lahat ng mga ginawa niyang pambu-bully sa akin kaya naman bawat bigwas ko ay malakas. Sunud-sunod. Walang tigil. “Para lahat `yan sa pambu-bully mo sa `kin, Rupert!” galit na galit na sigaw ko. “Ayoko na—“ “Ayaw mo na?! Gusto ko pa! Tarantado ka!” “Tama na, Jak—“ “Ilang beses kong sinabi sa iyo iyan, Rupert! Pero kahit kailan hindi mo ako pinakinggan! Ngayon, ako naman ang magbibingi-bingihan!” Patuloy pa rin ako sa pagsuntok. Hanggang sa inawat na kami ng mga estudyante na kanina ay nanonood lang sa pag-aaway namin ni Rupert. Nakita nila siguro na grabe na ang pinsalang natamo ng kaaway ko. Nang mailayo na ako kay Rupert ay doon ko lang na-realize kung gaano kalaki ang pinsala na nagawa ko sa mukha niya. Halos hindi na siya makagalaw at duguan na ang mukha nito. Humihingal na tiningnan ko siya. “S-sorry na… H-hindi na kita ibu-bully…” Nanghihinang turan ni Rupert. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Kung alam ko lang na ito lang pala ang makakapagpalambot sa kanya, matagal ko na siyang binugbog. Pero mukhang may problema pa akong dapat harapin, dahil sigurado ako na ilang minuto lang ay ipapatawag na kaming dalawa ni Rupert sa guidance office. “JAK…” Agad akong lumingon nang may tumawag sa pangalan ko habang palabas na ako ng school. Nang makita ko na si Rupert iyon ay agad kong iniumang ang aking kamao para suntukin siya. Parang nakakaawang pusa na yumuko siya habang nakasalag ang dalawang braso sa kanyang mukha. Nabitin sa hangin ang suntok ko at dahan-dahan ko iyong ibinaba. Mukhang wala naman siyang gagawing hindi ko magugustuhan. Nang tanggalin niya ang braso na nakaharang sa kanyang mukha ay nakita ko ang mga pasa niya sa kanyang mukha. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng awa sa kanya. Nagmukha tuloy siyang panda dahil sa pasa sa dalawang mata. Talagang nadala na ako ng galit ko para mangyari ito sa kanya. Grabe pala talaga kapag nagalit ako. Hindi ko na nga rin nakilala ang sarili ko kanina. Pakiramdam ko ay ibang tao ako habang sinusuntok ko siya. Lalo na siguro kapag kaharap ko na ang taong pumatay kay daddy. Baka hindi ako man lang ako mangiming patayin siya! “Anong kailangan mo?” Walang buhay na tanong ko sa kanya. “Hindi ko alam kung maniniwala ka sa sasabihin ko pero… g-gusto kong humingi ng sorry sa’yo. Sorry sa lahat ng nagawa ko sa iyo noon. H-hindi ko na uulitin pa. Hindi na kita ibu-bully simula ngayon.” Maang na napatingin ako sa kanya. “Nilalagnat ka ba, Rupert?” tanong ko. “Sabi ko na nga ba, hindi ka maniniwala. Kanina kasi nang bugbugin mo ako, doon ko na-realize na masakit pala ang ginagawa ko sa’yo. Binully kita dahil bakla ka. Pero kanina nang talunin mo ako sa suntukan, ako ang nagmukhang bakla sa ating dalawa. Ang lakas mo pala, Jak! Talo pala ako sa iyo kapag lumaban ka.” Tumawa siya na labas sa ilong. “O-okay. Tinatanggap ko na ang sorry mo. Sige, uuwi na—“ “Jak, sandali!” Napahawak pa siya sa braso ko. Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa akin. Agad naman niya iyong binawi. “May itatanong lang sana ako sa’yo. Ano kasi… H-hanggang ngayon ba ay gusto mo pa rin ako?” “Ha? Ano bang klaseng tanong iyan, ha?” “Ang ibig kong sabihin… gusto mo pa ba ako? May crush ka pa rin ba sa akin?” Ano bang binabalak ni Rupert? Bakit kailangan pa niya iyong itanong sa akin? Pero siguro, kailangan ko siyang sagutin ng honest. “Sa totoo lang, hindi na. Nawala na dahil sa pambu-bully mo sa akin. Kahit naman siguro ikaw, `di ba?” Teka, lungkot ba ang nakikita ko sa mata ni Rupert? Naku, ha. Ayokong mag-assume! Nalungkot ba siya dahil hindi ko na siya gusto? “Okay. Mabuti naman. I mean… Gusto kitang maging kaibigan, Jak. Siguro noon ko pa ito gustong sabihin pero nahihiya lang ako dahil sa binubully kita. So, okay lang ba sa’yo na maging magkaibigan tayo? Sana hindi pa huli ang lahat para maging mag-friends tayo.” Tinignan ko siya nang diretso sa mata at mukhang sincere naman ang mokong. Natakot yata talaga siya na mabugbog ulit. Huminga ako nang malalim. “Rupert, to be honest, parang ang hirap makipagkaibigan sa’yo after ng mga nangyari sa atin. Siguro, pag-iisipan ko muna, ha. Sige na. Kailangan ko nang umuwi.” Tumalikod na ako para umuwi. Hindi na niya ako pinigilan pang umalis. Kailangan ko lang pala siyang bugbugin para bumait siya sa akin, e. Haha! Pero nakakapagtaka pa rin ang kinilos niya, ha. Gusto daw niya akong maging kaibigan. Edi, wow! Paglabas ko ng gate ng school ay nagulat ako sabay ng pagbilis ng t***k ng puso ko nang makita ko si Marco na nakatambay sa labas ng school. Dala niya ang bike niya. Nang makita niya ako ay nakangiti siyang kumaway sa akin at sinenyasan na lumapit ako sa kanya. Hindi na ako nagpabebe pa at nilapitan ko na siya. “Oh, Marco. Bakit?” Tumingin ako sa bike niya. “Wala lang. Sinusundo lang kita. Teka, hindi ka ba inaaway no’ng Rupert? Nakita ko kasi na parang nag-uusap kayo. Hindi ka ba niya sinabihan ng kung anu-ano?” Nakakakilig naman ang tila pag-aalala niya sa akin. Parang boyfriend ko siya na overprotective! Hihi! Tapos sinusundo pa niya ako. Hay naku naman. Kulang na lang ay maihi ako sa pagpipigil ng kilig ko. Kung hindi lang straight itong si Marco, iisipin ko na may gusto rin siya sa akin. Baka ang mga gusto niya ay itong medyo mas bata sa kanya na tulad ko. Sariwa! Umiling ako. “Hindi naman. Actually, nakikipagbati na siya sa akin. Nagsuntukan kasi kami kanina tapos natalo ko siya at… at…” Bigla akong nataranta nang hawakan ni Marco ang mukha ko. Ang init ng palad niya at parang may maliliit na boltahe ng kuryente na inilalabas iyon papunta sa mukha ko. “T-teka. B-bakit mo hinahawakan ang mukha ko? Anong meron?” Gusto kong tabigin ang kamay niya pero hindi ko magawa. Ang sarap kasi sa pakiramdam na hawak niya ako habang nakatitig siya sa akin. “Obvious na nakipagsuntukan ka nga. `Ayan, oh! May pasa ka!” “Wala iyan.” Iniwas ko na nag mukha ko. Nako-conscious kasi ako. “Natalo ko naman si Rupert, e. `Tamo at nakikipagbati na siya sa akin. Ang galing ko, `di ba?” Tumawa ako ng peke. “Ikaw talaga!” ginulo pa niya ang buhok ko. “Pero mabuti naman kung nakikipag-ayos na siya sa’yo. Hindi na ako mag-aalala kung inaaway ka na naman ba niya kapag nandito ka sa school. Iniisip kaya kita palagi kasi baka nabu-bully ka na naman. Ayoko kasi na may nananakita sa iyo!” “N-nag-aalala ka sa akin?” Hindi ko napigilang tanong sa kanya. Ubod ng tamis na ngumiti si Marco. “Oo. Bunso nga kita, `di ba? Kaya ayokong nasasaktan ka kasi ganoon naman kapag magkapatid. Tara na nga. Sa unahan ka sumakay at nahihirapan ako kapag sa likuran. Masakit sa likod, e!” Ang sarap pakinggan ng tawa ni Marco. Lalaking-lalaki! Sinunod ko ang sinabi ni Marco. Pumwesto ako sa unahan niya. Feeling ko na naman ay nakayakap siya sa akin sa pwesto namin na iyon. Nang mag-umpisa na siyang mag-pedal ay naalala ko iyong pabor na hinihingi ko sa kanya. Nagbago na kaya ang isip niya about doon? “Marco, iyong tungkol sa sinabi ko sa’yo kanina…” “Hindi pa rin nagbabago ang desisyon ko, Jak. Sorry pero hindi kita tuturuang gumamit ng baril nang hindi ko alam ang dahilan mo kung bakit mo gustong matutong gumamit niyon. Delikado. Isa pa, isang malaking responsibilidad ang paggamit niyon. Alam mo ba iyon?” “A-ang gusto ko lang naman ay matuto akong ipagtanggol ang sarili ko…” Pagsisinungaling ko sa kanya. Hindi sumagot si Marco. Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa amin. “Sige. Tuturuan kitang lumaban pero hindi ang gumamit ng baril. Kapag wala kang pasok, pumunta ka lang sa unit ko, ha. Tuturuan kitang lumaban sa mga taong umaapi sa’yo. Pang-self-defense lang.” “Talaga? Sure na `yan, ha! Walang bawian!” Okay na siguro na ganoon muna nag ituturo niya. Pipilitin ko na lang siya na turuan ako sa paggamit ng baril kapag tumagal na. At kapag marunong na ako, hahanapin ko na ang taong pumatay kay daddy para gumanti! “Wala nang bawian. Promise! Ayoko rin naman na may umaapi sa iyo. Hindi natin alam. Paano kung pagkatapos ni Rupert ay may bagong mananakit sa iyo. Mabuti na rin iyong kahit wala ako ay maipagtatanggol mo ang sarili mo, bunso.” Napangiti ako sa sinabi ni Marco. Para talaga kaming magkapatid sa turingan naming dalawa. Biruin mo, ilang araw pa lang kaming magkakilala pero ang gaan na agad ng pakiramdam namin sa isa’t isa. May ganoon naman talagang tao. Iyong ang gaan agad ng pakiramdam mo sa taong iyon kahit hindi mo pa siya lubusang kilala. Iyong ipagkakatiwala mo sa kanya ang lahat-lahat kahit ang sarili mo. “Pero sana turuan mo pa rin akong bumaril!” Pangungulit ko sa kanya. Lumingon pa ako at tumingala. Sa ginawa kong iyon ay nagdampi ang aming mga labi. Hindi ko naman alam na ganoon kalapit ang mukha niya sa ulo ko. Nawindang din yata si Marco sa nangyari kaya naman nawala ang concentration niya sa pagba-bike. Nagpagewang-gewang ang takbo namin hanggang sa natumba kami. Mabuti na lang at sa gilid ng kalsada kami natumba kung saan makapal ang damo. Pero ang mas nakakawindang pa ay nakapatong sa akin si Marco habang magkadikit pa rin ang aming mga labi! May glue ba ang nguso ni Marco? Bakit ayaw maalis ng pagkakadikit ng mga labi namin? Pero, pucha! Ang lambot ng labi niya! Ang sarap halikan. Pero hindi ko maigalaw ang kahit na anong parte ng aking katawan. Lord, please! `Wag mo nang hayaan na matapos ang moment na ito. Minsan lang ito, e. Magkahinang ang mga mata namin na parehas nanlalaki at nagulat. At ang mas ikinawindang ko ay nang maramdaman ko ang paggalaw ng labi ni Marco hindi para ilayo iyon sa akin kundi para mas idiin pa iyon sa labi ko! Ano ito? Anong ginagawa ni Marco?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD