CHAPTER TWO

1416 Words
“ISA lang ang room dito tapos iyon ang banyo. May shower pero medyo maliit lang… Walang heater. Ikaw na lang ang mag-init ng tubig kapag gusto mo ng mainit na pangligo. May cabinet ka na rin kaya hindi ka na bibili. Ganda, `di ba? May kama na rin saka kutson. Naiwan no’ng dating tumira dito. Three thousand per month. May deposit at advance, so, nine thousand lahat babayaran mo. Hindi pa kasama doon ang tubig at kuryente. Walang cable, walang wifi. Kung gusto mo, pwede kang magpakabit ng sa’yo. Kukunin mo ba?” Pagkasabi ko no’n ay humarap ako kay Marco. Medyo nanlaki pa ang mata ko nang malaman ko na sobrang lapit pala niya sa akin. Nakatalikod kasi ako sa kanya habang ini-explain ko sa kanya itong tungkol sa apartment unit. Hindi naman niya ako na-inform na sobrang lapit niya. Muntik na naman tuloy bumangga ang mukha ko sa kanya. Nag-smile siya at mahina akong pinitik sa noo ko. Napakurap-kurap tuloy ako. “Ang cute mo…” aniya. Sinundan pa niya iyon ng pagngiti na nagpatumbling nang tuluyan sa puso ko dahil sa kilig. “A-ano?” “Ang sabi ko, ang cute mo! Para kang bata talaga!” Nag-crossed arms siya at huminga nang malalim. Hindi ko mapigilang hindi mapansin ang Adam’s apple niya na kapag nagsasalita siya ay nagtataas-baba. “Sige, kukunin ko na ito.” Pagkasabi niyon ni Marco ay tumingin siya sa akin bigla. Naglabas siya ng wallet at humugot doon ng pera. Ang dami niyang pera. Puro one thousand bill. “Kailan ka ba lilipat?” “Ngayon na sana. Okay lang ba? Heto… Nine thousand…” Kinuha ko ang pera at binilang sabay silid sa bulsa ko. “Salamat. Mamaya ay ibibigay ko sa’yo iyong susi dito saka sa gate. Ang alam ko, wala naman kaming curfew dito. Ayaw kasi ni Mama Chang na pinapakialaman ang mga boarder namin. Tapos, ipapakilala rin kita kay Mama Chang. Siya ang may-ari nito talaga.” “Okay. Salamat din…” “Alis na ako, ha. Kapag may kailangan ka or tanong, nasa kabilang bahay lang ako. Teka, ano nga palang trabaho mo?” “Hmm… Wala na. Kaka-resign ko lang pero naghahanap naman ako.” Tumango-tango ako. Palihim ko siyang tiningnan. Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan. Gwapo talaga at hindi naman mukhang kriminal. Walang tattoo o piercing man lang kahit sa tenga. Siya `yong tipo ng lalaki na masarap jowain at hindi ka mahihiyang ipakilala sa family at friends mo. Hmm… pwede siya. Pwede… “Akala ko ba aalis ka na?” Natauhan ako nang bigla siyang magsalita. “Aalis na nga! Babalik na lang ako para ibigay sa iyon `yong susi. Sige. Bye!” At natatarantang iniwan ko na si Marco. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit masyado akong apektado sa kagwapuhan ng Marco na `yon?! Ang landi-landi mo, Jak! Ang harot mo. Parang ngayon ka lang nakakita ng gwapo, e, marami namang ganiyan sa school niyo! BANDANG ala-singko ng hapon ay dumating na si Mama Chang. Haggard na haggard siya at pagod talaga. Pero kahit ganoon ay dumiretso agad siya sa kusina upang magluto ng ulam namin para sa dinner. Talagang parang wala siyang kapaguran. Nasa salas ako at nasa kusina siya pero nag-uusap kami. Sinabi ko sa kanya na may boarder na iyong bakanteng unit at bayad na din. “Bukas ko na lang kakausapin iyong Marco na iyan, anak. Pagod na pagod talaga ako. Nakakaloka! Ang daming gawain sa eatery pero happy kasi malaki ang kita! Mabuti na ang ngarag kesa nganga!” Medyo sumisigaw siya para magkarinigan kami. “Hayaan niyo po at ima-massage ko po kayo mamaya, Mama Chang! Bago po kayo matulog. Pero maligo muna kayo, ha!” “Hay! Sige! Salamat naman at nagkaroon ako ng napaka-sweet na anak kahit hindi siya nanggaling sa matris ko! Madadagdagan talaga kita ng allowance!” Natatawang sabi niya. “Para kang sira diyan, mama! Siyempre, gusto ko namang mawala `yang pagod mo. Ano nga pala iyang niluluto niyo?” “Lechong paksiw! Ang mabuti pa pala ay dalhan mo si Marco, `yong bagong boarder nito pagkaluto ko nito. Parang pa-welcome food. Ganern! Saka para naman malaman niya na masarap akong magluto. Malay mo, maging suki natin iyan sa eatery ko!” ani Mama Chang. Ha? Ako talaga ang magbibigay? Bakit ako? Ano ba? Ibig sabihin… makikita ko ulit si Marco. Hmm… Pwede! Ayoko nang mag-inarte kasi gusto ko naman talaga siyang makita ulit. Pagkabigay ko kasi ng susi kanina ay nagsara na siya ng pinto kaya kahit nasa labas ako ay hindi ko na siya makita. Kaya naman nang matapos sa pagluluto si Mama Chang ay kumuha na ako ng tupperware at nilagyan iyon ng lechong paksiw. Nagpaalam na ako kay Mama Chang na ihahatid ko na iyong ulam kay Marco. Pumunta na ako sa unit ni Marco. Kumatok ako pero walang nagbukas. Sa ikalawang pagkataok ko ay biglang bumukas iyong pinto. Wow, ha. Hindi ba siya marunong mag-lock? Mamaya kung sino ang pumasok dito, e. Grabe siya. Masyado naman siyang tiwala sa mga kapitbahay niya. Dapat nagla-lock siya. Pagsabihan ko nga siya mamaya. “Marco? Nasa loob ka ba?” Walang sumagot. Bukas naman ang ilaw. Siguro ay nasa loob siya. Tinawag ko ulit siya. Nang walang sumagot ay nag-decide na ako na pumasok sa loob. Ang tahimik. Pero wala akong nakitang Marco. Nasaan ba ang lalaking iyon? Umalis ba siya nang hindi man lang ni-lock ang pinto? Napameywang tuloy ako nang wala sa oras. Nasaan na ang lalaking iyon? Haaay!!! Sumasakit ulo ko sa kanya, ha! Wait nga. Parang may naririnig ako... Parang lagaslas ng tubig sa banyo! So, nasa banyo siya at mukhang naliligo. Tama. Tunog ng shower ang naririnig ko. Napalunok ako. Biglang gumana ang aking imagination nang wala sa oras. Wala kaya siyang suot na kahit ano kapag naliligo? As in, hubo’t hubad? Or baka naka-brief o underwear lang kaya? Ilan kaya ang abs niya? Four? Six? Eight? Twelve? Fourteen? Hay! Imposibleng fourteen dahil alien na siya kapag ganun. Siguro mga six or four lang naman. Mga ganoon lang siguro kasi hindi naman sobrnag laki ng katawan niya. At gaano naman kaya kalaki? Ilang inches kaya ang-- Jak! Ano ba?! saway ko sa aking sarili. Maya-maya ay mabilis kong ipinilig ang ulo ko nang ma-realize ko ang kahalayang tumatakbo sa utak ko. Grabe, ha! Ngayon lang ako nag-isip ng ganito. Ano bang meron ang lalaking iyon? Hindi ko pa nga siya kilala nang husto. Kalma ka lang, Jak. Lalaki lang iyan, okay? Lalaki lang iyan... Isang gwapo at hot na lalaki— Haaay!!! Nag-uumpisa na naman ako sa pag-iisip ng mahahalay! Tama na nga! Ang mabuti pa siguro ay doon ko na lang siya hintayin sa may labas. Palabas na ako nang bigla akong matigilan. Parang may demonyo na nagbubulong sa akin na sumilip sa may CR. At nagpauto naman ako sa demonyong iyon. Sumilip ako sa may CR at medyo hindi ako nakahinga nang makita ko na hindi pala nakasara iyong pinto ng CR at kitang-kita ko ang isang matangkad, gwapo at machong lalaki na nakasahod ang katawan sa dutsa ng shower! Talagang ugali na ng lalaking ito na kung hindi nagla-lock ay hindi naman nagsasara ng pinto. Hindi ako agad nakagalaw dahil sa sobrang shock ko. Paano ba naman, sa buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng hubo’t hubad na katawan ng isang lalaki! A-anong gagawin ko?! Tatakpan ko ba ang mga mata ko o tatakbo? Magtago kaya ako? Tama! Kailangan kong tumakbo dahil yari ako kapag nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Takbo na, Jak. Takbo na! Pero huli na ang lahat para gawin ko ang mga iyon dahil bigla niyang pinatay ang shower sabay tingin sa gawi ko. Wala man lang reaksiyon ang kanyang mukha. Hindi man lang siya na-bother na may nakakita sa kanyang kahubdan? May kaunting gulat pala pero nawala din agad iyon. Parang wala lang sa kanya pero sa akin, meron! Na-devirginize na niya ang aking mga mata! Ang aking inosenteng mga mata! Ilang segundo din na nagtama ang aming mga mata hanggang sa magsalita siya... “Paabot ng towel, please...” Ano daw? Tulala pa rin ako. `Yong towel daw… paabot! Diyos ko po! Kaya ko pa bang gumalaw sa sitwasyon kong ito? Nanginginig na ang buong katawan ko at parang naparalyzed na lahat ng parte ng aking katawan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD