CHAPTER THREE

3072 Words
“HINDI mo ba ako naririnig? Pakiabot sabi nung towel. `Andoon sa bangko sa likod mo! Nakalimutan ko lang kasing dalhin. Mabuti na lang at nandiyan ka!” Medyo pasigaw na turan ni Marco sa akin pero naka-smile naman siya. Hindi pa rin ako maka-recover. Tulala pa rin at parang tinakasan ng sarili kong kaluluwa. Totoo ba itong nakikita ko? Isang hubad na lalaki ang nasa harapan ko?! Ganito pala ang hitsura ng... Hindi! Ang inosente kong mata! Ngayon ay alam ko nang balbon pala si Marco. Medyo manipis kasi ang balahibo niya sa braso pero bawing-bawi naman pagdating sa hita niya at dibdib pababa sa kanyang tiyan hanggang sa… s**t! Ano `yon?! Gusto kong takpan ang aking mata pero huli na. Wala na ring silbi kung gagawin ko iyon dahil nakita ko na. Kitang-kita ko! “Jak? Hoy! Okay ka lang?” Wala pa rin akong reaksiyon. Tulala. Hindi ko maigalaw ang kahit na anong parte ng aking katawan. Parang lahat sa akin ay na-paralyzed ng mga oras na iyon! Naririnig ko naman ang sinasabi niya pero wala, eh. Na-shock talaga ako. Jak! Galaw-galaw! Baka makahalata na siya! Tandaan mong hindi niya alam na bakla ka. At kapag tunay na lalaki, wala lang kahit makita ang ari ng kapwa nito lalaki. Gising, Jak! Dahil siguro sa hindi ako gumagalaw ay napailing siya. Akala niya siguro ay wala akong balak na iabot sa kanya ang towel. Napaawang ang aking bibig nang mag-umpisa siyang maglakad palabas ng banyo. Palapit sa akin. Parang nag-slow motion ang lahat. Kitang-kita ko ang butil ng tubig sa kanyang katawan na parang nililok ng pinakamagaling na iskultor. May mangilan-ngilan din na tubig na pumapatak sa sahig mula sa kanyang buhok. At `yong ano niya... Parang nagduduyan habang naglalakad siya! Taena. Ang sexy ng lalaking ito! Sino ba ang nanay at tatay nito at nang mapasalamatan? Dumampi ang dibdib niya sa kaliwang braso ko nang abutin niya sa bangko sa aking likuran ang tuwalya. Pinanood ko siya habang pinupunasan niya ang kanyang buhok at katawan. Hanggang sa ibalabal niya sa kanyang ibaba ang tuwalya. Tumingin siya sa akin. “Ano, tutulala ka na lang ba diyan habangbuhay? Para kang nakakita ng multo!” untag niya sa akin habang pangiti-ngiti. Bahagya pa siyang umiling. Napakalapit niya sa akin nang sabihin niya iyon para maamoy ko ang kanyang hininga na medyo may sipa pa ng alak. Pero kahit ganoon ay hindi ako nabahuan sa amoy niyon bagkus ay nagustuhan ko iyon. Napakurap-kurap ako. “Ha?” tanging nasabi ko na lang. Nanghihina na napahawak ako sa sandalan ng bangko dahil feeling ko ay mabubuwal ako ngayong ang lapit na niya sa akin. Tapos amoy na amoy ko pa ang sabon na gamit niya. Ang bango lang! Lumapit pa siya sa akin sabay pitik sa noo ko. PAK! “Aray ko! Ang sakit, ha! Bakit mo ako pinitik?!” sabi ko habang sapo ang aking noo. Doon lang ako tila nagising sa isang napakahabang pantasya. Isang pantasya na gusto kong ulit-ulitin. Hehe! Nagkunwari akong galit. “Eh, kanina ka pa nakatulala diyan, eh. Ngayon ka lang ba nakakita ng nakahubad na lalaki? Para ka namang ano, e… bakla.” Namula ang mukha ko. “Bastos!” napapahiyang sabi ko. Ngumisi siya. “At ako pa pala ngayon ang bastos? Sino ba ang basta-basta na lang pinanood ang paliligo ko? Saka, parehas naman tayong lalaki kaya walang malisya `yon. Kung makaarte ka naman para kang babae, Jak.” Kanina bakla. Ngayon naman para daw akong babae. Mas lalong namula ang mukha ko sa sinabi niya. Sabagay, may point naman siya. “Ano kasi… dinalhan kita ng ulam. `Eto, oh! Nakita ko kasing bukas iyong pinto tapos walang sumasagot kaya pumasok na ako—“ “Ano bang ulam `yan?” “L-lechong paksiw.” “Wow! Favorite! Sayang, pinulutan ko na lang sana kanina. Pero salamat, ha.” Kinuha niya iyong tupperware sa akin. “Ikaw nagluto?” Umiling ako. “Hindi. Si Mama Chang…” Medyo nahihiya pa rin ako. Tumango-tango siya. Tinalikuran niya ako at walang paalam na naglakad siya papunta sa kwarto niya. Hindi ko alam kung sinong tangang demonyo ang nag-utos sa akin pero wala sa sarili na sumunod ako sa kanya sa kwarto. Tumigil pa talaga ako sa may pintuan. Naabutan ko siya na kumukuha ng damit sa kanyang knapsack. Nakaharap siya sa gawi ko kaya nakita niya agad ako. “`Wag mong sasabihin na pati pagbibihis ko ay papanoorin mo? Abuso ka na, ha… Tama nang nabosohan mo ako no’ng naliligo ako,” biro niya. “Ha? Magpapaalam lang sana ako sa’yo. Okay. Bye!” sabi ko at napapahiyang tumalikod ako at naglakad palabas ng apartment ni Marco. Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing ito! Grabe! MALUNGKOT ako nang pumasok ng school. Paano ay wala na si Samantha, wala na akong kaibigan, wala na ang aking tagapagtanggol. Forever alone na naman ang drama ko nito. Siya na nga lang ang kaibigan ko dito tapos nawala pa. Hay… nakakalungkot talaga. Mami-miss ko ang kagagahan ng babaeng iyon, e. Kaya buong araw sa school ay mag-isa ako. Walang kasama kahit nang mag-reccess. Hanggang sa pag-uwi ay wala akong kasabay. Mabuti na lang talaga at hindi ako binully ni Rupert ngayon. Siguro ay restday niya. Ewan ko ba pero simula nang malaman ni Rupert na bakla ako ay binully na niya ako. May kadaldalan kasi si Samantha, nag-uusap kami about sa sexuality ko at narinig iyon ni Rupert. Simula noon, alaga na niya akong laitin na bakla. Well, madalas verbal ang pambu-bully niya pero bullying pa rin iyon at masakit sa part ko na para sa ibang tao ay kapintasan ang pagiging bakla. Habang naglalakad ako pauwi ay nagulat ako nang may biglang tumawag sa pangalan ko. Si Marco. Nagba-bike siya at nakasuot ng shorts at sando. Kitang-kita ko ang maganda niyang braso. Malaki ang pagkakangiti na sinabayan niya ako sa paglalakad habang siya ay nakasakay sa bisikleta niya. Nagpe-flex pa talaga ang muscles niya sa bintin sa pagtipa niya sa pedal ng bike. Ang yummy lang! Ipinagmalaki niya ang bago niyang biling bike. Mura lang daw pero maganda. “Gusto mo, umangkas ka sa akin para hindi ka na mapagod sa paglalakad?” offer niya pagkatapos ng kanyang pagbibida. “`Wag na. Binigyan ako ng Diyos ng paa para maglakad kaya gagamitin ko na lang ito. Salamat na lang.” “Sige na. Pambawi ko man lang doon sa lechong paksiw no’ng isang araw. Pakisabi nga pala ulit kay Mama Chang, salamat. Sobrang sarap ng luto niya!” “Marco, hindi naman porket ginawan ka ng pabor ng isang tao ay may kapalit na agad itong gusto. `Wag kang ano diyan. Okay?” Natawa siya. “Ang dami mong hugot, Jak! May problema ka ba? Saka ang sungit mo naman. Ina-appreciate ko lang naman iyong luto ng Mama Chang mo.” Ikaw. Ikaw ang problema ko, Marco! Bakit ba kasi masyado akong apektado kapag nandiyan ka? Katulad na lang ngayon… Feeling ko ay nilalagnat ako dahil ang lapit mo sa akin, sigaw ng utak ko. “Wala nga. Sige na, iwan mo na ako—“ “Jaaak!!!” Teka! Kilala ko kung kaninong boses iyon! Bigla akong kinabahan. Napalingon ako sa may likuran ko nang may biglang tumawag sa pangalan ko. Kinabahan ako nang makita ko si Rupert lalo na ang pagkakangisi niya. Mukhang alam ko na ang pakay ng hudas na iyon sa akin. Hindi nga niya ako binully dito sa school, ibu-bully naman niya ako sa labas ng school. Wala na talaga siyang patawad! Demonyo talaga. Wala nang pinipiling lugar ang hudas. Dahil sa takot ko na maabutan ako ni Rupert ay hinabol ko si Marco at sinabi ko sa kanya na aangkas na ako sa kanya hanggang pauwi. Kulang na lang ay ako na ang magkusang sumakay sa bike niya. “Akala ko ba maglalakad ka na lang kasi may paa ka?” tanong niya. “H-hindi na! Napagod na ako, bigla! Oo! Ang sakit na pala ng paa ko, ngayon ko lang na-realize.” Pagpapalusot ko. “Ang gulo mo rin, `no? Halika na nga. Dito ka sa unahan.” Kakamot-kamot sa ulo na sabi ni Marco. May pailing-iling pa ang loko. Nagmamadali na sumakay ako sa may unahan niya. Medyo nakahinga ako nang maluwag nang mag-umpisa na siyang magpedal. Hindi na ako maaabutan ng hudas na si Rupert. Isa pa, matatakot iyon dahil may kasama ako. Alam ko naman na sa akin lang matapang si Rupert dahil hindi ako lumalaban sa kanya. Lalo na’t ngayong wala na si Samantha. Habang nagpepedal si Marco ay bigla siyang yumuko para bumwelo. Siyempre, nabibigatan siya dahil dalawa na kaming nakasakay. Hindi ko maiwasan ang hindi kiligin dahil nararamdaman ko ang mainit niyang hininga sa may batok ko. May kiliti pa naman ako sa parteng iyon ng aking katawan. Hihi… Medyo napapangiti tuloy ako pero pinipigilan ko. Baka sa sobrang ngiti ay mapahagikhik na ako, e. Ayoko namang isipin ni Marco na baka nasisiraan na ako ng ulo. “ANAK, si Marco ba iyong naghatid sa’yo dito sa bahay?” Agad na salubong sa akin ni Mama Chang pagkapasok ko sa bahay namin. Nasa may bintana siya kaya sigurado ako na nakita niya kami. Nandoon siya habang nag-ne-nail cutter. Oo nga pala, hindi pa rin yata nakakaharap ni Mama Chang ang bago naming boarder. “Opo. Nadaanan niya kasi ako tapos sabi niya umangkas na lang ako sa bike niya. Umangkas na lang ako kasi para makauwi agad ako.” Tumango-tango si Mama Chang. “Ang gwapo pala niya, ha. Kahit sa malayo. Pero parang pamilyar sa akin ang lalaking iyon. Parang nakita ko na siya somewhere. Ewan ko lang…” “Naku, mama, ha! Baka naman ex niyo po!” biro ko. “Ay, grabe ka! Hindi ako pumapatol sa ganyang kabata at wala na akong balak na pumatol pa dahil ang gusto ko ay sa’yo lang ang atensiyon ko! Gusto ko ay maalagaan kita nang husto at maayos.” “Ang dami namang nasabi ng Mama Chang!” biro ko ulit. Sa sinabing iyon ni Mama Chang ay nilapitan ko siya at naglalambing na yumakap sa kanya. “Pero wala po ba kayong balak na magka-boyfriend ulit? Wala naman pong problema sa akin, Mama Chang, basta mamahalin din kayo. Gusto ko rin naman na may nagmamahal din sa inyo bukod sa akin. Siyempre, iba pa rin iyong pagmamahal ng ibang tao.” Mariin siyang umiling. “Naku, hindi na. Kuntento na ako sa pagmamahal mo, anak. Makita lang kitang masaya ay ganoon na rin ako. Alam ko naman na hindi mo ako iiwan, `di ba?” “Hinding-hindi po. Promise!” nakangiti kong sagot sabay halik sa pisngi niya. “Thank you naman, anak!” NAPAKAMOT ako sa batok ko nang may biglang sumapak doon. Napangiwi ako dahil medyo masakit. Hindi pala medyo dahil masakit na talaga! Umagang-umaga ay ganito na agad ang nangyayari sa akin. Ano na naman bang kamalasan ito? Papasok na ako sa school at medyo malapit na sa gate. Pagtingin ko sa likuran ko ay nakita ko si Rupert. Nakangisi at naka-crossed arms. Napakayabang ng dating niya. Gwapo naman sana si Rupert. Maputi, matangkad at mukhang mabango palagi kahit pawisan. Iyon nga lang nuknukan ng bully at yabang! Kung hindi lang talaga ako matatakutin at takot sa away, matagal ko na siyang nilabanan. Pero sa payat ko ba namang ito, baka isang suntok lang niya sa akin ay baka tumalsik ako or worst mamatay na ako. Ayoko pa namang mamatay. Masyado pa akong bata at marami pa akong gustong marating sa buhay. Sumimangot ako. “Bakit? Inaano ba kita, Rupert? Sa tingin mo ba, hindi masakit `yong ginawa mo? Paano kung ikaw ang batukan ng walang dahilan? Anong mararamdaman mo?” Patuloy ako sa pagkamot sa batok ko. “Gago ka talaga! Tinatawag kita no’ng isang araw, tinakbuhan mo ako! Sino bang pinagmamalaki mo, ha?! `Yong lalaking nasa bike? May bago ka nang tagapagtanggol?! Palibhasa, ang duwag mo. Bakla!” maangas na turan niya habang pailalim akong tinitingnan. Halos yumuko na ako sa sobrang takot kay Rupert. “S-sorry… Alam ko kasi na pagti-tripan mo na naman ako kaya tinakbuhan kita—” Binatukan niya ako. “Aray!” igik ko. Halos maiyak na ako pero pinipigilan ko na lang. “Sa susunod na takbuhan mo ulit ako kapag tinatawag kita, makikita mo!” “Ano ang makikita ni, Jak? Ha?” Sabay kaming napatingin ni Rupert sa lalaking nagsalita na lang bigla sa likod ni Rupert. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Marco. Para kong nakita si Spider-man at ako si MJ na nasa panganib. Ganoon ang feeling! “M-marco…” bulalas ko. Hindi pa rin ako makapaniwala. Anong ginagawa niya dito? Feeling ko ay isa akong damsel in distress na biglang nabuhayan ng loob nang dumating ang magiting nitong prince charming. Ang tingin ko ngayon kay Marco ay nakasuot siya ng superhero outfit habang may umiilaw sa kanyang likuran. Hindi lang siya mukhang Spider-man para sa akin. “S-sino ka ba?” Ramdam ko ang panginginig sa boses ni Rupert nang tanungin nito si Marco. Bahagya pa itong napaatras. “Kuya ako ni Jak. Ikaw, sino ka? Ikaw ba ang nangbu-bully sa bunso ko? Akala mo ba hindi ko nakita ang ginawa mo sa kanya? Subukan mo pang awayin si Jak at makikita mo ang hinahanap mo!” Pinanlakihan ni Marco ng mata si Rupert. Wow! Ang tapang-tapang naman ni Marco. Parang gusto ko tuloy siyang palakpakan! Hay… Medyo kinilig naman ako doon sa sinabi niya na kuya ko siya at bunso niya ako. Hihi… Mas matangkad si Marco kesa kay Rupert kaya parang nanliit ito bigla. Matalim na tiningnan ni Rupert si Marco at saka ito naglakad papasok ng school. Bago ito tuluyang pumasok sa gate ay tumigil pa ito saglit sa tapat ko at binulungan ako. Hindi pa daw siya tapos sa akin. Yari daw ako kapag nakita niya ulit ako. Nang makaalis na si Rupert at doon lang ako nakahinga ng maluwag. “Haaay… Mabuti na lang talaga at dumating ka, Marco. Baka nabugbog na naman ako ni Rupert!” sabi ko. “Binubugbog ka ba no’n?” “Ah, hindi pa naman umaabot sa ganoon pero malay mo. Ayoko nang hintayin na mangyari iyon, `no!” “Binu-bully ka ba no’n palagi?” “Madalas…” “Siguro may nagawa ka sa kanyang kasalanan.” “Hoy, wala, ah! Tarantado lang talaga `yong Rupert na iyon. Ako lang kasi ang kaya niya…” Siyempre, hindi ko sasabihin kay Marco na kaya ako binu-bully ni Rupert ay dahil alam sa school na bakla ako. Mamaya makarating pa iyon kay Mama Chang. “Hayaan mo, sabihin mo lang sa akin kapag binully ka ulit ni Rupert at ako ang bahala sa kanya! Makikita niya ang hinahanap niya!” Isinuntok pa ni Marco ang kamao nito sa palad habang may panggigigil sa mukha. Akala mo ay lalaban ng wrestling ang peg. “Hayaan mo na siya. Hindi lang siguro `yon mahal ng nanay niya kaya gano’n. Teka, bakit ka nga pala nandito? Mag-aaral ka na rin?” Natawa si Marco sa sinabi ko. Ginulo pa niya nang slight ang buhok ko. “Hindi! Dinala ko lang ito…” aniya at isang book ang inilabas niya mula sa may likuran niya. Nanlalaki ang mga mata na kinuha ko sa kanya ang book. “Ay! Nakalimutan ko pala ito! Thank you, Marco! Yari ako sa teacher namin kung hindi mo ito dinala dito. Naku! Salamat!” “Actually, nakita ko kasi si Mama Chang na aligaga. Hindi daw niya alam kung pupunta na siya sa eatery o idadaan muna iyang aklat dito kasi nakalimutan mo. E, tinatawagan na daw siya ng mga tai niya sa eatery na marami na namang kumakain. Kaya ako na lang nagprisinta na magdala sa’yo para hindi na siya naabala.” `Ayan na naman. Kinikilig na naman ako sa kabaitan ng Marco na ito. Grabe naman talaga siya. Konti na lang talaga at mafa-fall na ako. Joke! Hehe! Hindi ako pwedeng ma-fall sa kanya dahil alam kong straight siya. Masasaktan lang ako kapag hinayaan kong mahulog ako sa kanya. Isa pa, ang layo ng agwat ng edad naming dalawa. “Nagkakilala na pala kayo ni Mama Chang. Salamat talaga. Hindi ba ako nakaabala sa iyo?” Umiling siya sabay lagay ng dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon. “Hindi naman. Wala rin naman akong gagawin. Bukas pa naman `yong job interview ko.” “Thank you ulit, Marco. Mabait ka naman pala. Paano ba ako babawi sa’yo?” “Kahit ilibre mo na lang ako ng pizza at ice cream, okay na iyon. Solve na ako do’n.” Tumango ako. “Sige, sa weekend. Libre kita. May ipon naman ako, e.” “Talaga? Promise ba `yan, bunso?” Natigilan ako nang tawagin niya akong bunso. Ang sarap kasi sa tenga. Ang sarap pakinggan. Para kaming magjowa tapos iyon ang term of endearment namin. Namumula pa yata ang mukha ko. Ano na naman ba itong nangyayari sa akin? Ang bilis pa ng pagtibok ng aking puso. “B-bakit mo ba ako tinatawag na bunso? Hindi naman tayo magkapatid, ah!” kunwari ay inis na tanong ko. “Eh, kasi… Kuya mo ako tapos bunso kita. Ayaw mo ba? Mag-bro tayo?” “Bro?” ulit ko. “Oo. Bro…” aniya sabay ngiti. Napatulala na naman ako. Bro? “S-sige… Bro…” Wala sa sarili na sagot ko. Haaay!!! Bakit ba ganito? Masyadong pa-fall naman itong si Marco! Kapag ako nahulog, kasalanan talaga niya. “Kaya simula ngayon ako na ang kuya mo at bunso kita. Naiintindihan mo ba?” Pabiro kong itinaas ang dalawa kong kamay. “Okay. Fine. Hindi naman ako papalag… kuya!” Natawa si Marco sa inasta ko. Muli niyang ginulo ang buhok ko at kilig na kilig na naman ako sa ginawa niya. Nagpaalam na rin ako sa kanya na kailangan ko nang pumasok sa loob ng school. Sabi ko ay baka ma-late ako. Ngunit bago ako tuluyang pumasok ay nag-thank you ulit ako sa kanya sa pagdala niya ng nakalimutan kong aklat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD