Jovann
Matagal na panahon akong lumayo at sumubok na pigilan ang damdaming batid kong sa una pa lamang ay wala ng patutunguhan. Mahirap ngunit pinili kong turuan ang sarili na pigilan siyang mahalin. Tiniis kong maging malayo sa kanya upang hindi ako masaktan at hindi ako makagawa ng mga bagay na makakagulo sa kanya. Sa aking paglayo, dobleng lungkot at pangungulila lamang ang naranasan ko habang araw araw ay hinihiling kong sana ay bigyan ako ng pagkakataong makasama siya kahit man lang isang kaibigan. Nagpasaya akong umuwe upang manatiling sandalan niya at nangakong mamahalin na lamang siya ng patago kahit masakit.
Ngunit sa aking pagbabalik, hindi ko inaasahan na hindi ko pala magagawang ang pinangako ko sa aking sarili. Kahit anong pigil ko ay lalo ko lamang siyang minamahal. Ngunit tila ata mas mahirap ang aking sitwasyon ngayon sapagkat kahit wala ng nagmamay ari sa kanya ay hindi parin siya maaaring maging akin. Sapagkat alam ko at nararamdaman ko na hanggang ngayon ay mahal niya parin ang lalaking una at labis niyang mahal.
Sinabi ko sa aking sarili na handa na ako, handa na akong manatili sa tabi niya kahit pa bilang isang kaibigan na lamang gaya noon. Ngunit sa nangyari kanina ay hindi ko mapigilan ang aking damdamin. Batid ko namang wala akong karapatan, hindi kami, hindi siya akin ngunit ang puso ko at sariling katawan ay tila nagkakasundo. Iisa ang nais maging ang mga kilos.
Hindi ko batid kung saan ako dadalhin ng nakakainis na pakiramdam na ito. Hindi ko nais na makialam subalit hindi ko pala kayang pigilan ang sarili ko. Alam kong mali ang aking ginawa, alam kong wala akong karapatan. Ngunit itong puso ko ay labis na nasasaktan.
“Jovann,” Napatingin ako sa aking gilid ng marinig ang kanyang tinig. Ang tinig na iyon na siyang naging hudyat upang magising ako mula sa malalim na pag iisip. Inulit pa niya ang pagtawag sa pangalan ko ngunit hindi ko nagawang kumibo, nahihiya ako.
“Jovann, may problema ba tayo?” muli ay tanong niya.
Hindi ko makita ang kanyang reaksyon sa mga oras na ito sapagkat nakatalikod ako mula sa kanya ngunit batid kong tila nag aalala siya. Ramdam ko mula sa kanyang tinig ang pagtataka. Tila ba nais niyang magtanong ng mga bagay bagay ngunit batid kong hindi ko pa iyon magagawang sagutin.
Kanina ng hilain ko ang kanyang kamay at magpasyang alisin siya sa lugar na iyon, aaminin kong tila nawala ako sa aking sarili. Naunahan ako ng inis, halo halong emosyon na maging ako ay nahihirapang bigyan ng pangalan kung anong klaseng pakiramdam iyon. Bastat ang alam ko ay may kirot sa aking dibdib, tila sasabog iyon sa sobrang galit na para bang may pag mamay-ari ako na kinuha ng iba. Pag aari, pag aari na hindi naman talaga sa akin.
Selos, noon ay hindi ko alam ang salitang iyon sapagkat wala akong isa mang senesyoso o tamang sabihin na wala naman akong ibang minahal maliban kay Ina. Si Ina, ang pinagdadamot ko na hindi naman dapat. Ano ang karapatan kong mainis at magselos gayong hindi naman kami, hindi ko naman siya kasintahan.
“Jovann, please kausapin mo naman ako,” Gulat ang syang aking naramdaman ng bigla ay pumunta si Ina sa aking harapan. Hindi ko iyon naiwasan kayat heto kaming dalawa, magkaharap at nakatitig sa mata ng isat isa.
“Sorry, halika bumalik na tayo sa loob,” wika ko ng hindi ko na matagalan ang mga titig niya. Nahihiya parin ako kayat ninais ko na lamang na umiwas.
Kanina ay hindi ko namalayan na dinala pala ako ng mga paa ko dito sa labas. Sa sobrang bugso ng damdamin ay nahila ko siya dito ng tuluyan, pinagpapasalamat ko na lamang na hindi siya tumutol at sa halip ay nagpatianod na sa akin. Halos ilang minuto rin ata nanatili ang katahimikan sa aming dalawa ng siya na mismo ang bumasag sa katahimikang sinimulan ko. Ngayon ay mas lalo akong nahihiya sa kanya sapagkat ang lakas ng loob kong gumawa ng eksena kanina pagkatapos heto at nananahimik laman ako at hindi siya magawang bigyan ng kasagutan.
“Galit kaba?” Hindi ko nagawang ihakbang ang aking mga paa ng marinig ang kanyang katanungan. Mabilis akong kumilos at agad na humarap sa kanya.
“No,” walang pag aalinlangan kong sagot kasabay ng sunod sunod na pag iling. Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla akong kinabahan nab aka isipin niyang galit ako sa kanya kayat ganon ang kinilos ko kanina.
“Hindi ako galit sayo, wala kang kasalanan. Actually, it’s my fault, masyado akong nagse—
Ako rin mismo ay natigilan sa sarili kong salita ng mapagtanto ang aking sinasabi. Nang tingnan ko siya ay tahimik siyang nakatingin sa mga mata ko at naghihintay ng aking sasabihin.
“Hindi ako kailanman nakaramdam ng galit sayo Ina, kayat wag mong isipin na—
“I’m sorry.Kung ano man ang dahilan mo, pasensya na.” Ako naman ang natigilan ng bigla siyang magwika. Nanatili siyang nakatitig sa mga mata ko kayat sinalubong ko iyon. Tila ba sinasabi ng mga mata niya na wag na akong magsalita, makinig ako sa bawat sasabihin niya sapagkat mahalaga iyon.
“Please, wag ka sanang magalit o sumama ang loob sa akin. Hindi ko gusto na mabigyan kita ng sama ng loob Jovann. Alam mo na espesyal ka sa akin, matalik tayong magkaibigan,” sambit niya saka hinawakan ang aking kamay. Napatingin ako sa kamay kong hawak niya saka napangiti ng bahagya.
Kaibigan, matalik na kaibigan. Isang patunay na kahit anong gawin ko ay hindi ako makikita ni Ina bilang ako. Mananatili akong matalik na kaibigan para sa kanya sapagkat wala akong puwang sa puso niya. Gayon pa man ay masaya na rin ako, narito ako sa kanyang tabi at hindi ko siya iiwan.
Zaina Jhin
“Sigurado ka bang okay lang kayo ni Jovann?” rinig kong tanong ni Jozelle sa akin. Sa halip na sagutin ay muli akong sumulyap kay Jovann na naroon sa di kalayuan sa amin. Muli ko siyang pinagmasdan, gaya ng paulit ulit kong ginagawa kanina pa at gaya kanina, isang ngiti ang kanyang tinigon sa akin ng magsalubong ang aming mga tingin.
Mga ngiting naghahatid sa akin ng lungkot at pagkabahala. Ang ngiting iyon na siya ring nakita ko mula sa mga mata niya kanina matapos ko siyang kausapin. Halos kalahating oras na rin ang nakalipas mula ng sabay kaming bumalik dito sa loob. Ngunit hindi ko parin maalis sa isip ko ang kakaibang lungkot sa kanyang mga mata. Ang lungkot na tila may kasamang kirot na kinukubli lamang ng mapaglinlang niyang mga ngiti.
“Ang totoo ay hindi ko alam,” pag amin ko sa mga kaibigan ko. Sumulyap ako sa kanila kayat nakita ko ang pagkagulat sa mga mata nila.
Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung anong nangyare, sa isang iglap ay biglang nagbago ang mood ni Jovann. Hindi ko alam kung sino yung lalaking lumapit sa akin, noon ko lamang siya nakita. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na kaaway niya iyon kayat marahil nagalit siya sa akin ng makitang kinakausap ko. Kung alam ko lang sana ay hindi ko na kinausap ang lalaking iyon, sana ay hindi na nainis si Jovann. Kahit pa sinabi niyang wala siyang sama ng loob sa akin at walang problema sa pagitan naming dalawa ay hindi ko parin maiwasang mapaisip.
Ang biglaan niyang pagtamlay at ang kirot na pilit niyang kinukubli ang siyang lubos na gumagambala sa akin. Hindi ko magawang baliwalain ang nakikita kong lungkot sa mga mata niya, pakiramdam ko ay malaki akong kasalanan na nagawa na kailangan kong ayusin. Ngunit paano ko aayusin gayong hindi ko batid kung ano iyon.
“Parang may iba kay Jovann,” wika ko sa aking isipan habang patuloy na pinagmamasdan ang kaibigan kong tila may bigat na dinadala sa kanyang dibdib.
Agad kong iniwas ang aking tingin ng magtama ang aming mga mata. Tinuon ko ang aking tingin sa pagkaing kanina pa ay hindi ko maubos ubos dahil abala ako sa pag iisip.
“Are you okay?” Nagulat pa ako ng magsalita si Jovann sa tabi ko. Kahit alam kong papalapit na siya ay hindi ko parin naiwasan ang magulat. Nakaramdam din ako ng kaba ng kausapin niya ako, tila kinabahan ako bigla sa hindi ko malamang dahilan.
“Oo naman, ayos lang ako. Bakit mo naman natanong?” balik tanong ko na lamang sa kanya, at dahil nakatayo parin siya, ay nakatingala tuloy ako ngayon sa kanya. Hindi siya sumagot, tinitigan lamang niya ako na para bang inaalam kung nagsasabi ako ng totoo.
“Kanina pa kita nakikitang tumitingin sa akin, parang may problema ka. Do you want to gome? Ihahatid na kit—
“Jovann!” Sabay kaming napalingon ni Jovann ng isang boses ang tumawag sa pangalan niya. Maging ang sinasabi sana niya sa akin ay hindi na niya naituloy pa. Nagulat na lamang ako ng biglang napatayo si Jovann habang nakatingin sa babaeng nagmamadaling tumakbo papalapit sa kinaroroonan namin. Hanggang sa ang babaeng iyon ay bigla na lamang sinugod ng yakap si Jovann sa harap naming lahat.
Ang mga mata ko ay nanatili sa babaeng iyon na ngayon ay nakayakap ng mahigpit sa kaibigan ko.Bakas ang saya sa muka ng babaeng hindi ko man lang kilala. Nang sulyapan ko si Jovann ay ganon na lamang ang pagtataka ko ng makita ang pagsasalubong ng kanyang mga kilay. Inaasahan ko kanina na nakangiti din ito gaya nung babae subalit taliwas iyon. Tila inis na inis ito at hindi gusto ang kasalukuyang nagaganap.
“What are you doing?” inis na sambit ni Jovann ng marahas nitong alisin ang yakap ng babae sa kanya. Kitang kita ko ang paglungkot ng mata ng babae kayat tila nakaramdam ako ng awa sa kanya.
“Ang sungit mo parin. Hanggang ngayon ba hindi mo parin ako nagugustuhan?” bulgar na wika ng babae kayat nagkatinginan kami nila Jozelle at Athena.
“Please Daena, stop it. Wag ako ang guluhin mo wala ako sa mood today,” sambit naman ni Jovann. Patuloy lamang sila sa pag uusap habang nanatiling nakatayo at tila hindi alintana na narito kami.
Panay ang pangungulit ni Daena kay Jovann na sinasabayan pa ng pagyakap at paghawak sa mga braso ni Jovann. Tila may relasyon sila kung umasta ang babaeng iyon habang si Jovann naman ay tila hindi natutuwa sa kinikilos ng babae. Hindi ko alam kung ano ba silang dalawa ngunit halata namang tila matagal na silang magkakilala. Hindi ko lamang maiwasan ang mapaisip sapagkat matagal na kaming magkakilala ni Jovann ngunit hindi ko kilala ang Daena na ito.
Noong una ay naaawa pa ako dahil sinusungitan siya ni Jovann ngunit habang tumatagal ay naiinis na ako. Ang arte arte kase niyang magsalita at tila may pagka spoiled brat. Halata na bata pa ito ngunit kung manumit ay parang naubusan ng tela. Wala din itong pakialam kung madikit ang mga balat at dibdib niya kay Jovann sa pagpipilit niyang yakapin ito kahit na inilalayo na siya ni Jovann.
“Ayoko nga sabi,” inis na sabi ni Jovann ng pilit siyang inaaya ni Daena na samahan siyang kumuha ng pagkain. Maging ako ay naiinis sapagkat ang lapit lamang ng pagkain hindi pa niya magawang kumuha mag isa. Kung ano ano ang hinihiling kay Jovann, nandong samahan na lumabas at may bibilin lamang.
Nakaupo na nga pala sila sa tabi namin. Si Jovann ay nasa tabi ko at sa gilid naman niya si Daena na talagang kumuha pa kanina ng extra upuan para makasama sa table namin. Pilit parin siyang kinukulit ni Daena, at sobrang lapit pa ng upuan nit okay Jovann na kulang na lamang ay kumandong dito.
“Gusto mo pa ba?”
“Ha?” tanong ko ng malamang ako pala ang tinatanong ni Jovann. Napatingin ako sa basong hawak ko ng makitang ang kinakain kong ice cream pala ang tinutukoy nito.
“Hindi okay na ako, salamat,” tugon ko saka ako ngumiti ng bahagya. Nang sulyapan ko si Daena ay natahimik ito at nakatingin lamang sa akin. Nagulat pa ako ng irapan ako nito kahit na nginitian ko naman sya. Hindi ko na lamang pinansin upang wala ng g**o ngunit sa loob loob ko ay gusto ko siyang ingudngod sa table namin upang mabawasan ang paghaba ng nguso niya.
“Sige na pare samahan mo na muna si Daena. Pagbigyan mo na muna ang kapatid ko alam mo namang baliw sayo yan, hindi ka rin nyang titigilan,” wika ni Rod, ang kaklase din namin na barkada ni Jovann noon. Doon naging malinaw sa akin kung sino si Daena at tama nga ako may gusto it okay Jovann.
“Pare naman—
“Sige na pare, ngayon lang,” Hindi na nagawa pang tumutol ni Jovann ng pagtulungan siya ng magkapatid upang samahan si Daena. Hinila hila ni Daena si Jovann habang ang kuya niya ay tinulak pa sila sa isat isa. Tila gusto ni Rod si Jovann para sa kapatid niya. Pati tuloy kay Rod ay naiinis ako dahil ang bata pa ng kapatid niya, sa tingin ko ay tatlong taon ang tanda namin sa babaeng iyon.
“Bakit nakabusangot ka?” nakangiting tanong ni Athena. Nang sulyapan ko si Jozelle ay nakangiti din ito kayat napairap ako. Ano bang nakakatawa, at bakit ba ganon ang tanong nila sa akin.
“Wala,” Tumayo na lamang ako pagkatapos kong sumagot sa kanila. Nagtungo ako sa mga pagkain at saka muling kumuha ng ice cream. Kulang pa pala ang kinain ko kanina dahil mukang kailangan ko ng pampalamig ng ulo.
Naiinis ako kay Daena dahil sa kakulitan nito, idagdag pa na napaka clingy niya, iyon pa naman ang pinaka ayaw ni Jovann. Napaka demanding din na akala mo naman ay girlfriend sya, idagdag pa na inirapan ako kahit wala naman akong ginagawa. Pakialam ko sa kanilang dalawa, naiinis lang naman ako dahil pati ako ay dinamay.
“Dami naman nyan, sobrang init ba ng ulo mo?”
“Ay makiring bata,” Natutop ko agad ang bibig saka napalinga sa paligid dahil sa gulat ng kung ano ang siyang lumabas sa aking bibig. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang nasa harapan ko na pala si Jovann at nakangiting nakatingin sa akin. Pinagtatawanan pa ako ng loko.
“Bakit ka nandito, asan si Daena?” Ako na rin ang sumagot sa tanong ko ng makita si Daena sa di kalayuan habang masama ang tingin sa akin. Tila inis na inis ito at mukang pinapatay na ako sa isip.
“Don’t mind her. Iniwan ko siya dahil sakit siya sa ulo, isa pa ay hindi siya ang gusto ko makasama,” wika ni Jovann na nagpatahimik sa akin. Hindi ako makahanap ng sasabihin kayat tila umurong ang dila ko.
“Sorry kung iniwan kita kanina, kailangan ko kaseng sabihan ang babaeng iyon para tigilan na ako. Kaso hindi ko naman magawang ipahiya sa harap ninyo dahil kay Rod,” pagpapaliwanag niya na kinailang ko.
“Hindi mo kailangan magpaliwanag, ano kaba,” wika ko habang tumatawa tawa pa. Alam kong halatang pilit ang tawa ko ngunit ayaw ko ipahalata na naiilang ako.
“I know, gusto ko lang iparamdam sayo na tinutupad ko ang pangako ko na hindi na kita ulit iiwan,” wika niya na muli ay nagpagulo sa isip ko. Ano ba ang mga sinasabi ni Jovann, ang weird niya talaga.
“Ina, gusto ko lagi kang nakangiti, kayat sana ay hayaan mo akong pasayahin ka,” muli niyang sambit at sa muling pagkakataon ay hindi ko nagawang magsalita. Nakatingin lamang ako sa mga mata niya dahil hindi ko parin maunawaan ang nais niyang iparating sa akin. Masaya naman ako sa tuwing magkasama kami dahil mabuti siyang kaibigan, isa pa ay sanay ako sa presensya niya.
Napangiti ako ng makita ang pagngiti niya. Tila ba gumaan ang pakiramdam ko ng mawala na ang lungkot sa mga mata niya na kanina ko pa kinababahala. Nakaramdam ako ng tuwa ng makitang magaan na ulit ang awra niya at sa tingin ko ay wala na ang kirot sa puso niya.
“Bagay to sa mga ngiti mo,” sambit niyi habang naroon ang matamis na ngiti. Nang tingnan ko ang hawak niya ay natigilan ako, unti unting nawala ang ngiti ko.
Inilagay ni Jovann sa aking tenga ang bulaklak na hawak niya. Nang tingnan ko siya ay nakangiti parin ito kayat sinikap kong ipakita ang mga ngiti ko kahit pa bigla akong nakaramdam ng lungkot.
Pabalik na kami sa upuan namin ng kunin ko mula sa aking tenga ang bulaklak na bigay ni Jovann. Pinagmasdan koi to, ang ganda ng gumamelang dilaw. Ngunit ang gandang iyon ay biglang naghatid sa akin ng kalungkutan matapos maalala ang isang bulaklak na kakulay ng gumamelang iyon. Ang bulaklak na madalas ay binibigay sa akin ng isang lalaki na hanggang ngayon ay hindi ko parin nakakalimutan.
“Kaseng ganda nito ang santan na dilaw na palaging binibigay sa akin ni JM,” bulong ng isip ko.