“Finally Ina!” wika ng isang boses ng lalaki na siyang umagaw sa atensyon ng lahat ng naroon sa loob. Ang lalaking nagsalita ay ang kaklase nila na siyang may ari ng bahay na iyon. Agad itong lumapit sa dalawa saka sila hinila palapit sa karamihan.
Matamis na ngiti naman ang siyang binigay ng bawat isa matapos makita sina Ina at Jovann. Ang ilan ay agad pang naglapitan upang yumakap sa kanila kayat gulat man ay hindi napigilan ni Ina ang mapangiti.
Kanina ay kabado siyang nakakapit sa braso ni Jovann ng magpasya silang pumasok sa loob ng tahanan. Hindi parin niya naiwasan ang mag isip ng kung ano ano sapagkat iyon ang unang beses na haharap siyang muli sa mga dating kamag aral. Madalas siyang tumatanggi sa tuwing mag aaya ang mga ito ng munting magtitipon. Kayat hindi inaasan ni Ina na sa kanyang unang pagtapak pa lamang sa loob ay sasalubingin na agad siya ng mainit na pagtanggap ng kanyang mga dating kamag aral.
“Buti naman sumama kana Ina, tagal ka na naming gustong makasama pero palagi kang tumatanggi sa tuwing inaaya ka namin,” sambit ng isa sa kanilang kamag aral matapos nilang makaupo sa mahabang upuan na na naroon. Pagkatapos kase nilang magyakapan at kamustahan ay nagtungo na sila sa likod bahay kung saan naroon ang lahat ng nagsidalo. May mga upuan at lamesa doon at kaunting dekorasyon, mayroon ding videoke kayat kantahan na may kasamang kainan ang kanilang tema ng araw na iyon.
“Oo nga naman Ina, buti pa itong si Athena at Jozelle nakakasama kahit paminsan minsan,” singit naman ng isang lalaki.
“Pasensya na busy lang sa trabaho, kailangan ko kaseng kumayod para sa pamilya ko,” tapat na tugon ni Ina kasabay ng bahagyang pagngiti.
Hindi agad nakakibo ang mga kaklase niya, kayat natahimik na naman si Ina muli na naman niyang naisip na baka maging iwas sa kanya ang mga kasama dahil hindi siya kagaya ng mga ito na nag aaral. Ngunit ang hindi niya alam ay natahimik ang mga kamag aral niya sapagkat muli silang humahanga kay Ina dahil mula noon hanggang ngayon ay responsible parin itong tao. Idagdag pa ang pagkabilib nila sa tapang nito sa pagiging tapat. Batid kase ng karamihan doon na nahihiya si Ina sa kalagayan niya kayat madalas itong umiiwas sa kanila ngunit kailanman ay hindi nila naisip na hindi nila kapantay si Ina. Sa totoo ay labis ang paghanga at respeto nila sa dalaga sapagkat napakatatag nito at napakahusay pagdating sa mga hamon ng buhay.
“Iba ka talaga Zaina Jhin, mula noon hanggang ngayon kahanga hanga ka talaga,” wika ng isang kamag aral nila na babae.
“Correct, hindi ka lang matalino Ina, responsable at magandang ihemplo sa mga kabataan. Sana ay maging kagaya mo din ako, sana ay kasing tapang mo ako,” nakangiti namang komento ng isa pa nilang kamag aral.
“Naniniwala ako na malayo ang mararating mo Ina, kayat wag kang susuko kaya mo yan,” dagdag pa ng isang lalaki.
Gulat na napatingin si Ina sa mga kamag aral niya siyang nagsalita. Bakas sa mga mata ng mga ito ang paghanga kay Ina kayat nakaramdam ng tuwa si Ina dahil taliwas sa kanyang iniisip ang naging tingin ng mga dati niyang kamag aral.
“Salamat sa inyo,” buong pusong wika ni Ina. Sa pagkakataong iyon ay unti unti ng napanatag ang kalooban ng dalaga. Napalis ang lahat ng kanyang mga agam agam lalo na nang makita niya ang totoong mga ngiti ng mga dating kamag aral. Naisip din niya na maling mali siya na pangunahan ang mga dating kamag aral tungkol sa sasabihin sa kanya at iisipin. Batid naman niyang mabubuting tao ang mga dati niyang kamag aral kayat naramdam tuloy siya ng pagsisisi. Ngunit ang mahalaga ay natapos na ang kanyang pag aalinlangan, sa ngayon ay makakapag enjoy na siya ng tunay.
“Sa wakas, nakita ko rin ang kapanatagan sa mga mata mo,”
Napabaling si Ina sa kanyang kanan ng magsalita ang kaibigang si Jovann na noon ay naroon sa kanyang tabi. Sa paglingon ni Ina ay nagtama ang mga tingin nila ng binata na nauna na palang nakatitig sa kanya ng hindi niya nalalaman. Sa halip na tumugon ay hindi na naman nagawang magsalita ni Ina sapagkat inaarok pa ng kanyang isipan ang mga pangyayare.
“Everything will gonna be okay Ina, just trust him and yourself. Tutulungan ka ng Panginoon upang makaya mo ang lahat,” Napakurap pa si Ina ng muling magsalita si Jovann. Nanatili silang nakatitig sa isat isa kaya naman kitang kita niya ang paglabas ng magaganda nitong mga ngipin ng sumilay ang isang matamis na ngiti mula sa labi nito.
“Salamat,” Nagawa din magsalita ni Ina, ang salitang kusang naputawi sa kanyang labi na hindi na niya kinailangan pang mag isip. Kanina pagkatapos ng pag uusap nilang mag kakamag aral ay panay na ang isip niya kung paano niya pasasalamatan si Jovann. Malaki ang naitulong ni Jovann upang magkaroon siya ng lakas ng loob na humarap sa mga dating kamag aral na noon ay madalas niyang iniiwasan kaya naman sa loob niya ay labis labis ang pasasalamat niya para dito. Ngunit hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin kayat nanatili siyang tahimik mula kanina hanggang sa basagin na nga ni Jovann ang katahimikan.
“No, thank you Zaina, for coming here with me,” tugon naman ni Jovann. Bahagya pang napaisip si Ina sapagkat hindi niya maunawaan ang ibig iparating ni Jovann sa winika nito. Huli na para magtanong siya sapagkat tumayo na si Jovann kayat nagtataka niya itong tiningnan.
“Kukuha muna ako ng pagkain, para makakain na tayo baka nagugutom kana,” sambit nito na tila sagot sa katanungan mula sa kanyang isipan. Simpleng tango na lamang ang sinagot niya kayat saglit na muna siyang iniwan ni Jovann at nagtungo sa lamesa kung saan naroon ang mga pagkain.
Mula doon ay sinundan si Ina ng tingin ang binata. Saglit siyang napaisip, tila unti unting gumagaan ang bawat bagay sa buhay niya mula ng araw na dumating si Jovann. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin non, lalot batid niya na wala namang kaugnayan si Jovann sa kanyang pansariling buhay. Ngunit hindi maikakaila na sa pananatili ni Jovann sa kanyang tabi, nakikita niyang nagagawa nitong tulungan siya sa mga bagay bagay. Bahagya napangiti si Ina, sa isip ay nagpapasalamat siya sa kaibigan, may ibig man sabihin o wala isa lamang ang natitiyak niya. Naniniwala siyang si Jovann ay maaaring pinadala ng Panginoon upang maging instrument para siya ay tulungan.
“Salamat Jovann, salamat sa muli mong pagdating sa buhay ko,” bulong ni Ina sa kanyang isipan kalakip ang isanng ngiting hindi niya nagawang itago kayat nang lumingon si Jovann ay nakita ito ng binata.
Samantala, nakaramdam ng tuwa sa kanyang puso ang binatang si Jovann matapos niyang makita ang ngiti sa labi ni Ina. Habang kumukuha ng pagkain ay kusa na lamang siyang napalingon sa gawi ng kaibigang tinatangi kaya naman nasaksihan niya ang pagsilay ng ngiti sa labi nito. Aaminin niyang isa ang mga ngiti ni Ina sa nagpapakabog ng kanyang dibdib. Ang makitang masaya ang dalaga ay naghahatid sa kanya ng labis na kaligayahan kayat nais niyang sa tuwina ay magawa niya itong paligayahin. Bukod doon ay nais din sana niya itong alagaan sa lahat ng oras ngunit batid naman niyang may limitasyon ang mga bagay na maaari niyang gawin para dito sapagkat isa lamang siyang matalik na kaibigan para dito. Gayon pa man ay hindi niya maiwasang kumilos at asikasuhin ito sa tuwing sila ay magkasama. Tila ba kusang kumikilos ang kanyang katawan kahit pa hindi niya ito utusan gaya na lamang ng sandaling pabalik na siya sa kinaroroonan ng dalaga.
Natigilan siya mula sa paglalakad ng makitang may isang lalaki ang lumapit kay Ina. Nang titigan niya ito ay inis ang una niyang naramdaman lalo na ng makita ang pagngiti nito kay Ina. Hindi niya ito kilala dahil hindi naman nila ito naging kaklase ngunit alam niyang kasama iyon ng isa nilang kamag aral. Batid din niyang may ibig sabihin ang ngiting iyon dahil lalaki rin siya at sa dahil sa bagay na iyon ay agad siyang nakaramdam ng pagkadisgusto para sa lalaki.
Umaahon ang inis sa kanyang dibdib matapos nitong mag abot ng pagkain sa dalaga na hindi naman nito nagawang tanggihan. Napakuyom pa siya ng kamay ng makitang nakipagkamay pa ang lalaki at tila hindi nito nais bitawan ang kamay ng kanyang kaibigan. Nadagdagan pa ang inis na nararamdaman ng ngumiti rin si Ina kayat malalaki ang hakbang na tinawid niya ang pagitan patungo kay Ina at sa lalaking kausap nito.
“Uy Jovann, andyan kana pala. Ipapakilala sana kita sa pinsan kong si— Isang lalaki ang sumalubong kay Jovann ngunit natigilan ito dahil nilagpasan lamang siya ni Jovann. Nagtungo ito sa harap ni Ina at ng lalaki na noon ay napaharap sa kanya. Agad namang nag alala si Ina ng makita ang tila galit na muka ni Jovann.
“Oh tamang tama, heto pala ang pinsan ko. Ina nagkakilala na pala kayo ng pinsan ko,” wika ni Rey na lalong kinainis ni Jovann. Pinsan pala ito ng kaibigang si Rey.
“Jovann, this is my cousin—
“Hindi niya gusto ang pagkaing yan, may allergy si Ina sa seafoods,” agad na wika ni Jovann kayat hindi na naituloy ng kanilang kamag aral na si Rey ang sasabihin. Natigilan ang tatlo kasama na si Ina na noon ay kapwa nagugulat sa mga kinikilos ng kaibigan.
Kinuha naman ni Jovann ang pagkaing hawak ni Ina matapos sabihin ang mga salitang iyon. Hindi niya pinansin ang patuloy na pagpapakilala ni Rey para sa pinsan nito sapagkat hindi sya interesadong makilala ito. Lalo pa’t umiinit na ang dugo niya para sa binatang iyon.
“Let’s go don na tayo kila Jozelle,” wika ni Jovann matapos hawakan sa braso si Ina. Magsasalita pa sana si Ina ngunit hindi na lamang niya ginawa dahil kita niyang nagpipigil na lamang si Jovann. Kilala niya ito, kaunti na lamang ay sasabog na ang galit na pinipigil nito. Ngunit hindi naman niya alam kung ano ang kinagagalit nito.
“Sandali pare, kinakausap ko pa si Ina,” Paalis na sana sila ng pigilan sila ng lalaking sinasabing pinsan ni Rey.
Salubong ang mga kilay na hinarap ito ni Jovann saka pinakatitigan ng may halong pagbabanta saka nagwika.
“We’re not friend so don’t call me pare, and lastly, don’t act like you’re a close friend. Wala kang karapatang bigkasin ang pangalang Ina, cause only closed to her can,” may diing wika ni Jovann pagkatapos ay hinila na nito si Ina palayo.
Hindi na nagawang magsalita pa ng lalaki sapagkat hindi nito inaasahan na sasabihin iyon ni Jovann. Nilingon na lamang nito ang pinsang si Rey dahil ang sabi nito sa kanya ay wala namang nobyo ang dalaga kayat laking pagtataka nito sa kinilos ni Jovann.
“Don’t look at me like that, hindi sila, sadyang possessive friend lang itong si Jovann,” sambit ni Rey habang natatawa at iiling iling.
Maging si Rey ay hindi batid ang dahilan kung bakit ganon si Jovann. Noon pa man ay batid nitong may espesyal na pagtingin ang kaibigan para kay Ina ngunit hindi nito naisip na magiging ganon ka possessive ang binata para kay Zaina Jhin.