KABANATA VII

2570 Words
Agad tumalikod si Ina at bahagyang nagkubli upang hindi siya makita ng kanyang kapatid. Hindi niya alam kung bakit iyon ang kanyang ginawa ngunit may pakiramdam siya na hindi pa iyon ang tamang panahon upang komprontahin niya si Faye lalo at hindi pa naman siya sigurado kung tama ba ang kanyang hinala. Nakaramdam man ng kaba ay pinili na lamang ni Ina na magtiwala sa kanyang kapatid at pinagdasal na sana hindi nito makalimutan gawin kung ano ang tama. Marami pa siyang pangarap para sa mga kapatid kayat hindi niya ninanais na malihis ng landas ang nakababatang kapatid. Agad na nagliwanag ang muka ni Ina nang makita ang pagdating ni Vina at ng kanyang nanay. Nang makalapit ang mga ito upang tulungan siya ay agad na siyang nagmadali sa paglakad upang hindi na sila abutan ni Faye doon. Sinikap niyang maging kalmado at kumilos na tila wala siyang natuklasan kahit pa gulong g**o na ang kanyang isipan patungkol sa kanyang nakita kanina. Marami ang mga katanungan na siyang pumapasok sa kanyang isip ngunit hindi niya ito mabigyang kasagutan lalo pa at hindi pa siya handang ungkatin ito kay Faye. “Oh Faye nandyan kana pala, sunuran lang pala tayo eh,” Napalingon si Ina sa gawi ng kanyang ina matapos itong magsalita. Iyon din ang naging daan upang mabalik siya sa kanyang sarili buhat sa malaim na pag iisip. Nabaling ang kanyang paningin sa kanyang kapatid na si Faye na kasalukuyang papalapit sa kanyang nanay at mga kapatid. Kitang kita ni Ina ang saya sa mga mata ni Faye matapos nitong makita ang mga grocery na ksalukuyang binubuklat ng kanyang mgma kapatid. “Ate, ang dami nating grocery ngayon ah,” sambit pa ni Faye matapos makitulong sa pagdadala ngn mga delata at ilang stock patungo kay Ina na noon ay siyang nag sasalansan sa kanilang lagayan. Nang sulyapan ni Ina ang kapatid ay naroon parin ang masayang reaksyon nito kayat lalong hindi nakapagsalita si Ina. Napalunok pa siya ng laway, at muling nag isip. Paano niya uungkatin sa kapatid ang nakita kanina. Paano niya itatanong ang mga hinalang namuo sa kanyang isipan. Habang lumilipas ang bawat sandali ay lalong nadadagdagan ang kaba na siyang lumulukod sa kanyang dibdib. “Ate,” wika naman ni Faye dahilan upang maagaw nito ang atensyon ni Ina buhat sa kanyang pag iisip. Bahagya pang nagulat si Ina nang marinig ang boses ng kapatid na nagdulot sa kanya upang mabitiwan ng hindi sinasadya ang delatang hawak. Agad naman iyong dinampot ni Faye at saka nagtatakang tiningnan ang kanyang ate. “Ate may problema ba?” muli ay tanong ni Faye. Agad namang umiling si Ina ngunit kita parin ang pag kailap ng kanyang mga mata na tanda ng may gumugulo sa kanyang isipan. Napansin iyon ni Faye subalit hindi na siya nag abalang usisain ang kapatid sa kaisipang baka pagod ito mula sa trabaho. “Pakituloy na muna itong ginagawa ko, may gagawin lang ako,” wika pa ni Ina pagkatapos ay umalis na agad kayat tanging tango na lamang ang naisagot ni Faye. Ngunit nagawa pa nitong lingunin ng may pagtataka ang kanyang ate. Halos malalaki ang hakbang ni Ina ng lisain niya ang kanilang kusina upang magtungo sa kanilang kwarto. Doon ay pinakawalan niya ang isang malilim na paghinga, at saka nagpalakad lakad. Ilang ulit na sinubukang kalmahin ang sarili upang maisawasan na komprontahin ang kanyang kapatid. Ilang beses pa siyang nag isip kung ano ang dapat niyang gawin ngunit talagang nahihirapan siya sa pagdedesisyon. “Sana’y mali ang kutob ko, sana’y hindi siya naglilihim sa amin,” mahinang usal niya na tanging siya lamang ang nakarinig. Ilang beses pa ulit siyang napabuntong hininga saka ipinikit ang mga mata sa pagbabakasakaling makapag isip ng maayos. Ngunit agad ding naidilat ni Ina ang mga mata ng biglang magring ang kanyang phone na nasa kanyang bulsa. Nang tingnan niya ito ay tumatawag ang bestfriend niyang si Jozelle kayat walang pag aalinlangang sinagot niya ito agad. “Hoy dudz, hindi ka pwedeng hindi sumama, aba ilang weeks kanang puro trabaho!” Napapikit si Ina kasabay ng paglayo niya ng kanyang cellphone mula sa kanyang tenga dahil sa malakas na boses ni Jozelle mula sa kabilang linya. Napangiwi pa siya ngunit muling inilapit ng bahagya ang cellphone ng magsalita na namang muli si Jozelle. “Asan kana ba? Wag mong sabihing nasa trabaho ka? Nagmessage ako sayo kanina diba?” sunod sunod nitong pahayag kayat napakunot noo si Ina. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito kayat inunahan na niya ito ng tanong bago pa ito muling makapaglitanya. “Anong sasama ang sinasabi mo, ano bang meron?” tanong niya na agad namang sinagot ng kaibigan. “Dudz diba sabi ko sayo nakaraang magkatext tayo may mini reunion tayong magkakaklase. Nagtext din ako sayo kanina pero hindi ka naman nagreply,” Doon ay agad na naalala ni Ina ang pinag usapan nila nakaraang araw. Nag aya ang isa sa mga kaklase nila noong high school na magkaroon ng mini reunion sa bahay nito. Simpleng pagtitipon lamang naman, kwentuhan with foodtrips ngunit alangan siyang sumama dahil nag aalala siyang makita ang ilang niyang mga kaklase. Hindi maipagkakaila ni Ina na nakaramdam siya ng kaba matapos malaman ang posibleng pagkikita nilang magkaklase. Naroon ang hiya sa kanyang sarili dahil batid niyang halos karamihan sa mga dati niyang kaklase ay nag sisipag aral sa kolehiyo. Nais sana niyang iwasan ang mga ito sapagkat ayaw niyang harapin ang mga tanong na ibabato sa kanya patungkol sa kanyang pag aaral. “Hoy dudz!” “Ano yun dudz?” gulantang na tanong ni Ina ng sumigaw na si Jozelle. Napakamot pa siya sa kanyang ulo matapos marealized na lumilipad na naman ang kanyang isip. “Sabi ko wala kanang magagawa dahil nandyan na si Jovann sa labas, naghihintay say— “Ano?!” Agad na napatakbo si Ina sa labas matapos marinig na naroon si Jovann sa labas. Nagulat pa ang kanyang nanay at mga kapatid ng bigla siyang tumakbo palabas ng bahay. “Dudz!” inis na wika ni Ina matapos makita na nasa labas na nga si Jovann. Nakasakay pa ito sa motor nito na nakaparada sa gilid ng kalsada malapit sa kanila. Abala ito sa pagtipa sa cellphone nito kayat hindi nito nakita ang paglabas ni Ina. “Kanina pa kase kami nagtetext sayo hindi ka nagrereply. Si Jovann din kanina ka pa daw mine-message na susunduin ka pero di ka naman nagrereply, maging sa tawag ay hindi mo sinasagot. Alam mo bang nag aalala na iyong isa kayat ayan nagpunta na agad dyan kahit wala ka pang reply,” Nanlaki ang mga mata ni Ina matapos marinig ang pahayag ni Jozelle. Pinatay niya agad ang tawag ng kaibigan saka mabilis na tiningnan ang mga message niya. Nakita nga niya na madaming messages si Jozelle lalo na si Jovann, may ilang missed call din ito. “Hoy bakit mo pinatay?!” bungad agad ni Jozelle matapos niyang sagutin ang muli nitong pagtawag. “Pasensya na dudz, napindot lang,” pagsisinungaling na lamang niya. Narinig pa niya ang pagbuntong hininga nito ngunit hindi na niya iyon binigyan pa ng pansin sapagkat ang mga mata niya ay nagtungo na sa kinaroonan ni Jovann. “Oh sya dudz, puntahan mo na si Jovann at baka mainip yun. Hihintayin na lamang namin kayo, alam na ni Jovann saan tayo magkikita. Bilisan mo na ha!” may halong pagbabanta pa ni Jozelle. “Okay,” tanging sagot naman ni Ina pagkatapos ay natapos na ang tawag. Hindi naman nagawang humakbang ni Ina kayat nanatili siyang nakatayo at nakatingin sa kinaroroonan ni Jovann. Mula doon ay kita niya ang paglagay ng binata sa cellphone nito patungo sa tenga kasabay ng pagring ng cellphone ni Ina kayat napatingin naman doon ang dalaga.Nang sagutin ni Ina ang tawag ay kitang kita niya ang pagliwanag ng muka ni Jovann bagay na unti unting nagpakangiti sa kanya. “Ina,” masayang sambit ng binata. Napakurap pa siya ng makita ang biglang paglingon ni Jovann sa kanya kayat agad niyang naiwaksi ang mga ngiti na kanina lamang ay sumibol sa kanyang labi. Samantala mabilis namang bumaba si Jovann sa kanyang motor ng makita si Ina na nakatayo sa kabilang kalsada. Lalo ding lumawak ang ngiti nito at tila nangingislap pa ang mga mata ng magtama ang kanilang mga paningin. Sa hindi malamang dahilan ni Ina ay nakaramdam siya ng biglaang pagkabog ng kanyang dibdib. Hindi rin niya nagawang alisin ang mga titig kay Jovann dahil para bang may iba mula rito. Hindi maipaliwanag ni Ina ngunit tila may kung anong nagaganap ng mga sandaling iyon. Ibang iba si Jovann sa kanyang paningin ng mga oras na iyon. Pakiwari niya ay dinapuan siya ng kakaibang saya matapos makita ang mga ngiti ni Jovann. Maging ang binata ay kinakitaan niya ng kakaiba sapagkat tila ang gaan ng awra nito at hindi niya maunawaan kung bakit tila nararamdaman niyang siya ang dahilan noon. “Wait Jovann,” wika niya bilang pagpigil sa binata ng tangkain nitong tumawid upang makalapit sa kanya. “Hindi ka ba sasama?” tanong nito na kababakasan ng lungkot. Rinig iyon ni Ina, at maging ang reaksyon ng mga mata nito ay hindi nakaligtas sa kanya. “Sasama,” Nanlaki ang mga mata ni Ina ng iyon ang lumabas sa kanyang bibig. Kanina ay hindi siya makapagdesisyon ngunit sa isang tanong ni Jovann ay walang pag alinlangan siyang nakatugon. Kasabay naman noon ay ang muling pagliwanag ng muka ni Jovann kayat muli ay ngumiti ito sa kanya. Nanatili silang magkausap mula sa cellphone habang nasa magkabilang kalsada lamang sila. “Wag kanang tumawid, hintayin mo na lamang ako dyan magpapaalam lang muna ako kay nanay,” wika ni Ina. Hindi na niya hinintay ang sagot nito at pinatay na ang tawag saka nagmamadaling tumakbo pabalik sa kanilang bahay. Nang makarating ay agad nagpaalam si Ina sa kanyang nanay na agad naman nitong pinayagan matapos alamin kung saan ito magtutungo. Hindi na nag aksaya ng oras si Ina, saglit siyang naligo dahil nahihiya siyang pumunta sa reunion nila gayong galing pa siya sa trabaho at may bakas pa ng pawis at alikabok. Mabilis din siyang nag ayos ng sarili at nagsuot na lamang ng simple sapagkat ang sabi naman ni Jozelle ay simpleng pagtitipon lamang iyon. Gaya ng nakita niyang suot ni Jovann ay nagsuot na lamang din siya ng simpleng short at blouse. Napili niya ang kanyang panlakad na high waist shorn a nabili lamang niya sa ukay-ukay, ngunit maganda naman kayat maaaring gawing pang alis. Tinernuhan niya ito ng kulay asul na blouse na naka tuck-in sa kanyang short at saka sinuot ang kanyang simpleng sling bag na ginagamit sa pagpasok sa trabaho. Ilang buntong hininga pa ang ginawa ni Ina habang pinagmamasdan ang sarili sa harap ng salamin bago nagpasayang lumabas ng kwarto. Nais kase niyang matiyak na maayos ang kanyang itsura sa oras na siya’y humarap sa mga dati niyang kamag aral. “Opo, ihahatid ko din po si Ina. Pangako pong hindi kami magpapagabi ng sobra,” Palabas na sana si Ina ng kwarto ng marinig niya ang pag uusap sa kanilang sala. Mas lalo siyang nagmadali sa paglabas ng makilala ang boses ng lalaking nagsasalita. “Jovann,” tanging naisambit niya ng makita si Jovann sa loob ng kanilang bahay. Nanlaki din ang kanyang mga mata sa gulat dahil bukod sa kausap ito ng kanyang nanay at nakaupo din ito kagaya ng mga kapatid niya sa mismong floor ng kanilang bahay. Nakaramdam pa ng bahagyang hiya si Ina dahil nagawa ni Jovann na maupo sa sahig na semento dahil awala naman silang upuan sa sala. “Ina, nagpaa— “Anong ginagawa mo dito, sana hinintay mo nalang ako sa labas,” Hindi na naituloy ni Jovann ang sana ay sasabihin dahil nagkasabay sila ng pagsasalita ni Ina. Ngunit si Ina naman ang natahimik ng magsalita ang nanay nya. “Pinagpaalam ka ni Jovann, nangako din syang ihahatid ka niya sa tamang oras,” Muli ay napapikit at napailing si Ina matapos maalala ang winika ng kanyang nanay kanina bago sila umalis ng bahay. Kanina ay sobrang hiya niya dahil nag abala pa talagang pumasok si Jovann sa loob ng bahay nila. Iniisip kase niya na kinausap pa talaga ito ng nanay niya kayat hiyang hiya siya sa kaibigan. Subalit ng malamang si Jovann ang mismong nagkusa na magpaalam ay lalo naman siyang nakaramdam ng kahiyaan. Buong byahe ay tahimik lamang siya dahil nahihiya parin siya kay Jovann, laking pasasalamat na nga lamang niya dahil tahimik din ito. Samantala nanatili din namang tahimik ang binata hanggang sa makarating sila sa bahay ng kaibigan nila dahil batid nitong nahihiya si Ina. Sinikap na lamang ni Jovann na pakiramdaman ang mood ni Ina sapagkat ayaw niyang lalong mailang ang dalaga. Nagpasya lamang naman siyang mag paalam upang maging kampante ang nanay ni Ina na nasa mabuting kamay ang anak nito. Ngunit gayon pa man ay totoo ang sinabi niya at hangad niya ang kaligtaasan nito habang kasama niya. “Are you okay?” Napalingon si Ina ng magsalita si Jovann. Nakalapit na pala ito sa kanya dahil napahinto siya sa paglalakad ng papasok na sana sila sa bakuran ng bahay ng dati nilang kaklase. Iyon kase ang unang beses na makakasama siya sa mga pagtitipon kasama ang mga dating kamag aral sapagkat madalas ay tumatanggi siyangn sumama dahil nahihiya siya. Iniiwasan din niyang mapag usapan ang tungkol sa hindi niya pag aaral. “Nahihiya ako, naalala ko hindi pala ako nakapagbigay ng ambag sa pagkain,” Pinili ni Ina na magsinungaling upang mapagtakpan ang tunay na dahilan ng kanyang kaba. May bahagi naman na totoo dahil hindi talaga siya nakapagbigay ng ambag subalit ang hiya at kabang nararamdaman ang pinakakinababahala niya. “Ako na nagbigay ng ambag natin kayat wala ka nang dapat alalahanin,” nakangiti namang tugon ni Jovann na tinanguan na lamang ni Ina. Sinamantala naman niya iyon upang humingi ng paumanhin sa nangyare kanina. “Pasensya kana Jovann kanina, naabala ka pa tuloy sa pagpapaalam sa nanay ko,” nahihiya niyang sambit ngunit muli ay nginitian lamang siya ng binata. Hindi niya iyon nakita sapagkat nakayuko parin siya habang patuloy sila sa paglalakad. “It’s okay, kagustuhan ko ang ipagpaalam ka,” “Salamat,” Sa pagkakataong iyon ay tumingin na si Ina kay Jovann kayat nagsalubong ang kanilang mga tingin. Nagulat pa si Ina ng muling tumigil si Jovann sa paglalakad at titigan siya sa mga mata. “Wag kanang kabahan, hindi naman kasama ang mga sosyal nating kaklase kayat walang mang uusisa sayo. Isa pa kung ang inaalala mo, ay ang mapahiya ka dahil sa hindi mo pag aaral, ngayon palang sinasabi ko na sayo, hindi mangyayare yun sapagkat naniniwala ako na maganda ang samahan nating magkakamag aral, saka walang magtatangka non, dahil hindi ko iyon hahayaan. I’ll promise,” Hindi na naman nagawang kumibo ni Ina, sa isang salita ni Jovann ay biglang naglaho ang lahat ng kaba at pag aalinlangan na kanyang nararamdaman. Ibang iba talaga ang suporta na binibigay ng matalik niyang kaibigan at labis niyang pinagpapasalamat na may isang Jovann sa buhay niya. “Let’s go,” nakangiting sambit ni Jovann matapos nitong hawakan ang kamay niya na hindi naman niya nagawang tutulan. Nagpatuloy na sila sa paglalakad habang muling kumabog sa kaba ang dibdib ni Ina at may ngiti naman sa labi ng binatang si Jovann.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD