
Dahil nga sa dami ng may backer sa panahon ngayon, nahirapan si Jennie na makapaghanak ng trabaho. Tila isang himala para ang Jennie ang matanggap sa DIVE Entertainment bilang isang janitress kahit nakapagtapos naman ito ng kolehiyo. Agad niya itong tinanggap dahil kailangan niyang mag-ipon para sa kaniyang kapatid na hindi makarinig. Nakilala ni Jennie si Achilles, isang janitor na ubod ng pogi ngunit akala nila ay nasisiraan ng ulo dahil sinasabi nitong siya ang may ari ng kompaniya. Ang inakala nilang kasama lang nila sa trabaho, anak pala talaga ng may-ari ng kompaniya at pinarusahan lamang ito dahil sa may pagkamatigas as ulo. Hindi iyon inasahan ni Jennie lalo na noong unti-untina silang nagiging malapit sa isa’t-isa.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, maraming hadlang para hindi na magkalapit ang dalawa hanggang sa tuluyan na nga silang nagkahiwalay. May pag-asa pa kaya para kay Jennie at Achilles na maging maayos? Will there be a second chance for Cinderella and her Prince Charming?
