Chapter 5 I chose him

1650 Words
Nagtataka lang ako bakit gusto niya pa kaming dalhin sa ibang bar. Maaari rin siguro na maiilang siya lalo na kasama ang kapatid niya, well hindi ko naman siya masisisi dahil makulit itong si Tiara. Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarating kami sa bar kung saan din pupunta si Travis. Ito 'yong bar kung saan ko siya unang nakita. So, meaning dito lang siya nagba-bar. Bumaba na kami at nahuli siyang bumaba dahil busy pa siya sa pagkakalikot sa kan'yang cellphone. Mukhang may tine-text siya. Nauna na kaming pumasok ni Tiara at sobrang ganda! Pagbungad palang namin ay sinalubong na kami kaagad ng mga makukulay na ilaw. Madami na rin ang sumasayaw sa gitna. Bakit gano'n? Ang daming gwapo saan man ako tumingin at syempre hindi rin mawawala ang mga magagandang babae dito. Halata na isa itong mamahalin na bar gano'n din ang mga nandito. Umupo kami ni Tiara sa isang malaking malambot na upuan na kulay itim at ang malaking table ay kulay itim din at may mga ilaw din Dalawa lang kami nandito at sa tingin ko ay kasya dito ang labinlimang tao. Iniwan ako ni Tiara para kumuha ng aming maiinom. Kumuha siya ng isang tom collins at pimm's cup. Nakangiti siyang naglalakad pabalik sa table namin. "Guess what, may nakilala akong gwapo sa may bartender desk!" kinikilig niyang sabi habang nilalagay ang aming cocktail sa malaking lamesa. "Really?" Ngumiti ako ng malapad. "Yes! At alam mo bang gusto niya pa malaman ang pangalan ko." Hindi pa rin nawawala ang kilig sa tono niya. "So, sinabi mo?" "Gusto ko pero nag-alinlangan lang akong ibigay kasi baka kilala niya si kuya ko." Nag-pout siya. "May point ka naman, kasi maaaring kilala niya si kuya ko dahil sa tingin ko regular siya dito," ani ko. "Yes, regular nga siya dito." "Tanungin mo na lang siya kung kilala niya si kuya mo para sure." Naging maliwalas ang hitsura niya. "Can I?" "Why not?" "Sige, kapag nakita ko siya ulit." Ngumiti siya bago ininom ang kan'yang tom collins. Napatingin ako sa gilid ko at saktong bumungad si Travis na nakangiti at may tatlong lalaking kausap. May hawak silang na tag-iisang baso ng old fashioned. Para silang may grupo dahil lahat sila ay nakaitim, simula sa ulo hanggang sa baba. "Hmmm!" rinig kong ungol ni Tiara. Tiningnan ko siya at nakatingin lang siya ng diretso habang nilalagay ang cocktail niya sa lamesa habang ang isang kamay niya ay may hawak na tissue at pinupunasan ang kan'yang bibig. Sinundan ko ang tingin niya at nakatingin siya kila Travis. "Let's go," sabi niya sabay tayo at hinila ako. Gulat ko siyang tiningnan. "Hoy! Bakit?" "Ipapakilala kita sa mga gwapong kaibigan ni kuya ko and I'm sure may magugustuhan ka sa kanila... Or baka lahat sila?" Tiningnan niya ako at binigyan ako ng nakakaasar na ngiti. "Kailangan pa ba 'yon?" tanong ko. "Of course! Akong bahala sa'yo." "Baka ayaw ni kuya mo." "Hindi 'yan. Ako nga bahala kaya manahimik ka na diyan at dalian mo." Habang palapit kami ng palapit unti-unti ko ngang natatanaw sila Travis at doon ko lalong nakikita ang kanilang hitsura na talagang gwapo, as in! Lahat sila at mukhang expensive talaga sila. Nakakahiya lumapit. Sa paglapit napansin kami ni Travis at tiningnan niya si Tiara na nagtataka. "What again?" Nakakunot ang noo niya. "I just want to introduce Letisha to your friends." Ngumiti ng malawak si Tiara habang ako ay tiningnan siya na hindi makapaniwala. Napatingin sa amin ang tatlo niyang kaibigan dahilan para mas lalo akong mahiya. Ngumiti sila sa amin. "Hi, this is Letisha, my bestfriend," sabi ni Tiara habang nakangiti. "Letisha, this is Lucas, Andrew and Calvin." "Hello." Ngumiti ang isang lalaki at inilahad ang kan'yang kamay. Siya si Calvin Ngumiti rin ako at inilahad din ang aking kamay. "Hello, nice meeting you." "Hey! You're so stunning." Hindi inilahad ni Andrew ang kamay niya pero halata sa kan'yang ngiti ang genuine. "Oh, thank you." Ngumiti ako na may halong hiya. "Andrew is right." Inilahad ng isa pa nilang kasama ang kan'yang kamay na si Lucas. Inilahad ko rin ang kamay ko habang nakangiti. "Iyon lang," tumawa si Tiara ng awkward, "Balik na kami sa table namin. See you around!" "Sure," sabi naman nila. Ngumiti muna ako sa kanila bago sumunod kay Tiara. Si Calvin ang tumawag kay Travis last night nong sumakay ako sa kotse niya. Habang naglalakad kami, pasimple niya akong binangga dahilan para tingnan ko siya ng masama pero ngumiti lang siya sa akin ng malapad. Pagkauwi namin muli sa kaming table, nagtataka ko siyang tiningnan dahil tumabi siya sa akin at sobrang lapit niya. "Anong nangyayari sa'yo?" "Gwapo ba sila?" Tinaas-baba niya ang kan'yang dalawang kilay. "Yes, they are." "So, may napili ka na ba?" "What do you mean? Anong napili?" Kunot noo ko siyang tiningnan. "Pili ka, 'yong guy na nakasama mo nong nakaraan na gabi, si kuya ko, lucas, andrew and calvin?" Mukhang seryoso siya sa kan'yang tanong at talagang hinihintay niya aking sagot. Kinuha niya ang kan'yang cocktail habang nakatingin pa rin sa akin. Mukhang wala na akong takas sa kan'ya. "Okay, fine. May napili na ako," ani ko at sabay ayos ng upo ko. "Sino?" Inayos din niya ang kan'yang upo at talagang focus lang siya sa aking sasabihin. "Iyong guy na nakasama ko last night at si kuya mo," confident kong sagot sa kan'ya. Kumunot ang noo niya, hindi siya makapaniwala sa sagot ko. "W-what do you mean? Dalawa sila?!" Halos pasigaw na rin ang usapan namin dahil lumalakas na ang music pero hindi 'yon dahilan para tumigil kami sa pag-uusap. "That guy and si Travis ay... Iisa!" Nanlaki ang mata niya at tinakpan ang kan'yang bibig. "Seryoso ba 'yan?!" "Yes. Nagulat nga rin ako nang makita si kuya mo dahil siya pala 'yong guy na nakasama mo last night. Small world talaga!" "Oh my gosh! Hindi ako makapaniwala!" Nagpakawala siya ng hangin mula sa bibig niya. "That's why sinabi niya kaagad ang name mo bago pa kita ipakilala sa kan'ya." Tumango ako. "Kaya naiilang din ako." "Now I know." Tumango-tango rin siya. "Let me tell you this, isa siyang womanizer. Red flag siya, as in!" Matamis akong ngumiti at hindi inisip ang sasabihin ko. "It's okay." "Sure ka?" Nagtataka niya akong tiningnan. "Pinagpipili mo ko at kasama si kuya mo sa choices pero no'ng pinili ko siya, hindi ka makapaniwala," natatawa kong sambit. "Hindi ko kasi ine-expect na siya ang pipiliin mo," aniya. "I chose him." Ngumiti ako at tumingin sa direksyon nila Travis. "I'll support you. Malay naman natin if maging kayo baka magbago siya, who knows?" "Naniniwala ka bang mapagbabago ko siya?" "Of course! Ikaw pa ba?" nakangiti niyang sabi. Ngumiti naman ako at muling tumingin sa kanilang direksyon. Nakita ko ang isang babae na umakbay kay Travis. Straight light brown ang buhok at maputi. I can say na maganda talaga siya at mas nagdala sa kan'ya ang suot niyang fitted na dress na kulay black. Parang same lang sila ng style ng damit ni Tiara pero magkaiba lang ang likod dahil napansin ko na backless ang suot niya. "Oh baka matunaw si Travis niyan!" pagbibiro ni Tiara. Alam kong sinundan niya ang tingin ko dahil bigla siyang nag-react. "I told you," aniya. Hindi ko siya nilingon. "It's okay," nakangiti kong sabi habang tumatango. Niyakap siya ni Travis at mukhang may something sa kanila. Naunang umakyat ang tatlo niyang kaibigan habang sila ay sumusunod sa kanila. Ang kaliwang kamay ni Travis ay nasa likod ng babae. Ang babae ay mukha rin mayaman. May pag-asa pa bang mapapansin ni Travis? "Hey!" tawag ni Tiara, "Tara at mag-party sa gitna!" Hindi pa ako sumasagot ay bigla na niya akong hinila. Nadala ako sa saya niya habang papunta sa gitna. Nakipagsayawan kami at may mga ilang lalaki na rin ang sumusubok na kausapin kami at lahat sila ay gwapo. "Ang hirap pumili ng magugustuhan ko!" sabi ni Tiara. Natawa na lamang ako. After 15 minutes, pagod na kami kakasayaw kaya nagdesisyon na kaming umupo na muna at inumin ang natira naming cocktail. Habang nagtatawanan kami ni Tiara, napatingin siya sa gilid at saktong nakita niya si Andrew, napatingin din siya sa amin. "Hey! Kayong dalawa lang?" tanong niya. "Yeah," sagot ni Tiara. "Wanna go upstairs? Sa may VIP room?" "No, thank you. Baka kasi bigyan na naman ako ng death glare ng kapatid ko," natatawang sabi ni Tiara. "It's okay, akong bahala." Ngumiti siya at tumango. Pogi. Argh! "Shall we?" Tiningnan ako ni Tiara. Lumapit ako sa kan'ya at bumulong. "Nahihiya ako." Ngumiti siya at bumulong din sa akin. "Paano ka makakalapit sa kan'ya kung nahihiya ka? Alisin mo na ang hiya mo at ilabas mo na ang wild side mo, especially when you're with him." Tiningnan niya muli ako at nag-wink, ngumiti naman ako at tumango. Don't get us wrong, hindi ko naman ilalabas ang wild side ko kapag may ibang tao, syempre kapag dalawa na lang kami ng kuya niya. Ehem. "Let's go?" tanong ni Andrew. Tumango kami ni Tiara. Nauna nang naglakad si Andrew at pinagbuksan din niya kami ng pinto. Bumungad ang ingay sa amin. Maluwang at may mahabang table at upuan na kulay puti. May malaking tv din. Ang ganda dito! Naka-dim light at ang daming alak at pagkain ang nakalagay sa habang lamesa. Walang nakapansin sa amin na pumasok dahil busy din sila sa pag-party. May mga kasama rin pala silang mga babae. Apat na babae sa tingin ko. "Doon na lang kami uupo ni Letisha." Tinuro ni Tiara ang isang upuan na hindi gano'n kahaba. Mga apat na tao lang ang magkakasya at may table rin 'yon at may mga nakalagay na rin na pagkain at alak. "Sure kayo?" "Yes para maging komportable rin kami." "Alright. Sabihan niyo lang ako kung may kailangan pa kayo." "Thank you," sabay naming sabi ni Tiara. "Enjoy!" Ngumiti siya bago umalis at umupo sa mahabang upuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD