Oras na ng uwi kaya agad naman akong nag-ayos ng sarili ko. Nilapitan na rin niya ako habang dala-dala na rin ang kan'yang bag. Sinilip ko ang table niya at nakaayos na lahat.
"Kanina mo pa ba inayos 'yang table mo?" natatawa kong tanong.
"Yes, mga 10 minutes ago, why?"
"Excited ka naman umuwi."
"Hindi no. Sadyang binilisan ko talagang ayusin 'yan dahil susunduin ako ng kapatid ko na napakamainipin. Ayaw niya kaya 'yong pabagal-bagal, kaya ikaw bilisan mo diyan!"
"Hindi nga ako sasabay," sabi ko sa seryosong tono habang inaayos ko ang mga gamit ko sa table. Biro ko lang 'yon.
"Anong sabi mo? Paki ulit nga, Ms. Letisha Halston?" Tumingin ako sa kan'ya at binigyan naman niya ako ng death glare.
"Ang sabi ko, sasabay ako," sagot ko sabay ngiti.
"Mabuti naman." Inikot niya ang kan'yang mga mata sa akin.
Napailing na lamang ako. Mapilit talaga si Tiara at saka ayaw na rin niya ako umuuwi ng late at umuwi ng mag-isa dahil sa nangyari kagabi. Kaya for sure, lagi na niya akong ihahatid sa bahay. Nalibre pa ako ng pamasahe. Nice!
Ring...
Tumingin ako kay Tiara at sinagot naman niya ang tawag. Hindi yata niya napansin na napindot niya ang speaker ng phone niya kaya naririnig ko ang usapan nila ng kausap niya.
"Hello?" aniya sa kabilang linya.
"I don't want to wait, so get out now."
Nanlaki ang mga mata ko. Argh! that deep voice! Isa sa kahinaan ko parang nanghihina na naman ang mga tuhod ko. Bigla ko na naman naalala si Travis, ang nakasama ko kagabi.
"We will," sagot ni Tiara bago pinatay ang tawag. Tiningnan niya ako. "Okay ka na?"
"Y-yes, let's go," nauutal kong sagot.
"What happened to you?" Tiningnan niya ako na nag-aalala habang naglalakad kami.
"Narinig ko boses ng kuya mo... ang lalim," sagot ko habang kinikilig.
"Narinig mo? How?"
"Naka-speaker 'yong phone mo, hindi mo siguro na pansin."
"Really? Hindi ko alam."
Napangiti-ngiti pa rin ako habang naglalakad kami. Nagulat naman ako nang makita ko si Tiara na nasa harap ko habang naglalakad na patalikod habang binibigyan ako ng nagtataka na tingin.
"Stop that, baka isipin ni kuya ko na may kasama akong baliw," aniya.
Masama ko siyang tiningnan. "Alam mo naman na kahinaan ko 'yon."
"Huwag kang mag-alala, ipapakilala kita sa kan'ya. Mamili ka na lang kung 'yong lalaking nakasama mo kagabi o si kuya ko after mo siyang makita."
"Pinagsasabi mo na naman, Tiara," natatawa kong sabi.
Tumatawa siya sabay kibitbalikat niya. Lumabas na kami ng office at pumunta kami sa gilid para hintayin ang kapatid niya. Isang minuto lang ang nakalipas, may natanaw na agad akong isang makintab na red na kotse. Sa hitsura palang ay halatang mamahalin na. Huminto ito sa harap namin.
Lumapit si Tiara kung saan ang passenger seat. May sinesenyas ito sa loob at for sure, ito na nga si kuya niya. Ilang saglit lang ay lumapit sa akin si Tiara habang bumaba ang bintana at ang atensyon ko ay na kay Tiara dahil pumunta siya sa harap ko. Hinila niya ako papunta sa likod namin dahilan para mapatalikod kami sa may red na kotse.
"Tingnan mo siya ng mabuti, since ngayon lang din siya mame-meet," bulong niya.
Humarap na muli kami at nakita ko na nakatingin lang siya ng diretso habang ang kanan niyang kamay ay nakahawak sa passenger seat. Ang hot niyang tingnan. Argh!
"Why do I have to roll down the window? Why don't you just ride?" inis na tanong ng kuya niya.
Tumingin siya sa amin ng masama. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize na siya ang lalaking kasama ko kagabi, si Travis. Bakit nandito siya? Kapatid siya ni Tiara?! Oh my! Nagbago rin ang tingin niya at napalitan ito ng gulat.
Tumawa si Tiara. "Oh, I love your reaction! Mamili ka na, sino sa kanilang dalawa? Dali!" Mahina lang ang pagkakasabi niya.
Tiningnan ko si Tiara at pilit na ngumiti. Dahan-dahan akong umaatras sa maliliit na hakbang at nang mapansin niya 'yon ay binigyan niya ako ng nagtataka na tingin.
"Bye!" sabi ko sabay takbo ko.
"Letisha!" sigaw niya.
Akala ko ay hindi niya ako hahabulin pero nagulat na lang ako nang bigla niyang nahawakan ang bag ko dahilan para mahila niya ako. Ang lakas niya! Napatigil ako at ngumiti lang ako sa kan'ya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila pabalik sa may kotse.
"Get in," aniya.
Binuksan niya pa ang pinto sa likod. Hindi siya umaalis hangga't hindi ako nakakasakay sa kotse at talagang sinisigurado niyang sasakay ako. Naiilang ako at mas lalong nahihiya. Sumakay na rin si Tiara sa may passenger seat at nilingon ako at binigyan ng masamang tingin. Ngumiti lang ako ng awkward sa kan'ya. Tumingin ako sa rear mirror at nakita ko na nakatingin sa akin ang kuya niya kaya napayuko na lamang ako.
"Umm... Kuya, she's Leti–"
"Letisha," sabi ni Travis.
Napatingala ako at nakita ko si Tiara na gulat na tumingin sa kuya niya.
"H-how did you know her name?" curious niyang tanong.
"Hello? Hindi ba tinawag mo siya kanina? Who is not able to hear the strength of your voice?" Nakita ko si rear mirror ang pagtingin ng masungit kay Tiara.
"Okay, fine. By the way, Letisha, he's my brother, Travis."
"Hello po, nice meeting you," ngumiti ako.
"Shake hands," sabi ni Tiara.
Inilahad naman kaagad ni Travis ang kamay niya kaya inilahad ko na rin ang kamay ko. Ngumiti siya at tinaas ang kilay niya. Sa likod ng hiya ko ay gusto ko naman ang nangyayari ngayon. Hindi ko pinahalata 'yon lalo na ang pag-feel ng manly niyang kamay. Kitang-kita ko ang maugat niyang kamay na talagang nakakadagdag pa ng pagka-attract ko sa kan'ya. Muli ko na naman nakita ang napakagwapo niyang mukha.
Bumitaw na kami sa pagsha-shake hands at nagsimula na rin siya mag-drive. Small world. Hindi ko ine-expect na kapatid siya ni Tiara. Iyong makailang ulit kong tinanong sa sarili ko kung kailan ko siya ulit makikita ay natupad na at si Tiara pa ang maaaring maging daan para makita ko siya ng ilang beses.
"Are you going somewhere again?" tanong ni Tiara kay Travis.
"Yeah."
"Where are you going?"
"Why are you asking?" Tiningnan niya si Tiara.
"Nothing. Parang gusto ko mag-bar ngayon," sagot niya. Tumingin siya sa akin. "Are you in?"
"Pupunta tayo na ganito ang suot natin?" Nagtataka ko siyang tiningnan.
"Daan muna tayo sa bahay para magbihis tapos sabay na tayo kay kuya ko, since pupunta rin naman siya ng bar."
"Are you serious? Bakit hindi mo na lang i-drive 'yong kotse mo? Uuwi ka na rin naman."
"Don't you forgot that mom doesn't allow me to drive especially after drinking?"
"Then don't go to the bar."
Masamang tiningnan ni Tiara ang kapatid niya na nakatingin lang ng diretso. "Basta doon mo kami sa bahay idiretso."
Hindi sumagot si Travis. Akala ko ay hindi niya susundin si Tiara at ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bahay nila. Ito ang bahay nila Tiara at I guess iba ang bahay ng kuya niya sa kanila. Malaki rin ang bahay nila at malawak madaming tao dito dahil may mga kasama silang maid nila pero sa bahay ni Travis ay siya lang ang nandoon.
Pagkababa namin ay bumaba rin si Travis. Napatingin ako sa kan'ya since siya ang unang naglalakad habang inaayos ang kan'yang buhok. Nakasuot siya ng plain white t-shirt at black shorts. Ang simple lang niya pero ang lakas ng dating. Lalo kitang-kita ang maputi niyang balat.
Mabilis akong hinila ni Tiara dahilan para malagpasan namin si kuya niya na naglalakad papasok sa bahay nila.
"Bilisan mo magbihis at mauna na tayo sa kotse niya para makasama tayo sa kan'ya, okay?" Nakangiti siya ng malapad.
"Sure ka bang magiging successful 'yang plano mo?"
"Of course! Proven and tested."
Ngumiti ako at tumango-tango. "Okay!"
Mabilis kaming naghanap ng susuotin at higi naman kami nahirapan maghanap dahil nasa iisang cabinet lahat ng mga dress at damit ni Tiara na pang-party. Binigay niya sa akin ang isang fitted na red dress na makinang. Above the knee ito at sakto lang ang ikli niya at sleeveless. Ang kinuha naman niya para sa kan'ya ay fitted dress din na kulay black na above the knee rin at sa kan'ya ay tube. Pinahiram din niya ako ng heels niya at buti na lamang ay magka-size kami ng paa, pero tinanggal pa muna namin 'yon.
Mabilis kami ng tumakbo papunta sa kotse ni kuya niya at buti na lamang ay nakabukas iyon. Sumakay na kami at hinintay siya. Ilang minuto lang ang nakalipas, dumating na rin siya. Nakasuot siya ng maroon na long sleeve na polo at naka black pants. Habang naglalakad siya ay inaayos niya pa ang butones ng polo niya sa bansang sleeve. Hot!
Pagbukas niya ng pinto nagulat siya nang makita si Tiara. "What are you doing here?"
"Hello!" Nag-wave siya sa kan'ya. "Sasabay nga kami sa'yo, kaya tara na."
"Use your car, Tiara."
"Sorry, nakaupo na kami kaya ayaw na namin lumipat ng ibang kotse."
Napabuntong hininga na lamang si Travis at wala na siyang nagawa kundi ang sumakay sa kotse niya at magsimula na mag-drive.
"Fine, pero sa ibang bar kayo."
"Nope. We are going to the bar where you are going. Remember, we don't have a car." May halong pang-aasar pa ang tono ni Tiara.
"I'll just pick you up."
"No." Umiling-iling siya.
Wala na siyang magawa kaya hindi na siya sumagot at nag-focus na lang muli sa pagda-drive. Wala ka talaga magagawa kapag si Tiara na ang nagsabi. Mapilit talaga siya.