Chapter 3 Tell me

1470 Words
Nagising ako na siya agad ang naisip ko. Ang laki na yata ng tama ko sa kan'ya, bago matulog at sa paggising ko siya ang naiisip ko. "Kailan ko kaya siya ulit makikita?" tanong ko sa sarili. Napasipa na lang ako habang inaalala ang kan'yang hitsura. Argh! Kailan kong ikuwento ito kay Tiara. Mabilis akong bumangon para maligo na at gawin ang morning routine ko. Makalipas ang isang oras, nakarating na rin ako sa opisina. Nakita ko si Tiara na bumaba sa taxi, halos sabay lang kaming dumating. Sinalubong naman ang isa't isa na nakangiti ng malapad. "Hi, good morning," masaya niyang bati. "Good morning!" "Halatang good ang morning mo ngayon, ah? Anong meron?" tanong niyang tinataas-baba niya ang dalawang kilay niya. "I think... It's best to spill the tea when it's lunch break." Kumunot ang noo niya. "What do you mean? Kailangan pa talaga mamayang lunch break mo pa ikukuwento?" "Gano'n na nga." Binigyan ko siya ng nakakaasar na tingin. "By the way, bakit nag-taxi ka ngayon? Where's your car?" Nagkibitbalikat siya bago nagsalita. "Hindi ko rin alam kung bakit nag-taxi ako ngayon. Paglabas ko ng bahay parang gusto ko na lang bigla mag-taxi, ewan ko ba." "H-huh? Baka nakalimutan mo na may kotse ka," Natatawa kong sabi. "Siguro nga." Napahawak siya sa ulo niya. "Nalasing ka lang kagabi, nakalimutan mo na na may kotse ka, tsk." "Ewan ko ba." "So, magta-taxi ka ulit mamaya pag-uwi?" tanong ko. "Gano'n na nga." Mabilis ko siyang inakbayan dahilan para magulat siya. "Let's go!" Ngumiti siya muli at naglakad na kami papasok sa opisina. Sinalubong naman kami ng mga ngiti at bati, gano'n din ang ginawa namin sa mga nakakasalubong namin. Magkatabi lang kami ng table kaya nong nakaupo na kami ay bigla niya akong kinalabit. "Huwag mong kakalimutan 'yong ikukuwento mo sa akin mamayang lunch break, ha?!" Pinagdilatan niya ako. Natawa naman ako sa hitsura niya. "Oo, huwag kang mag-alala." Tumitingin siya sa relo niya. "4 hours and 30 minutes na lang." "Ang tagal pa, Tiara. Mag-focus muna tayo sa work natin at mamaya na ang kuwento ko." Hindi pa rin nawawala ang mga ngiti ko sa labi dahil sa reaction ni Tiara. "Okay." Ngumiti siya. Tinuro niya ang ang relo niya dahilan para mapailing na lang ako. Ilang minuto na lang ay start na ang work namin kaya hindi na kami nagsayang pa ng oras para magawa na namin ang mga kailangan namin gawin. 11:30 am. Lunch break na at habang inaayos ko ang mga gamit ko nakita ko na lang agad si Tiara na nakatayo sa gilid ko habang tinataas-baba ang dalawa niyang kilay at nakangiti. "Excited?" natatawa kong tanong. "Kung alam mo lang kung ilang beses akong tumitingin sa relo ko," aniya. "Napaghahalataan ka na mahilig sa kuwento." Tumayo na ako. "Of course!" Nang kumapit siya sa kamay ko nagtinginan kami at sabay tawa. May mga ilan na tumitingin sa amin pero hindi na lang namin pinapansin. Dumiretso na kami sa cafeteria ng kompanya. Kumuha na rin kami ng mga gusto naming pagkain at dumiretso sa bakanteng table. "I can't wait for your story," sabi ni Tiara pagkaupo palang namin. "Puwede bang sumubo ka na muna?" "Start mo na yong ikukuwento mo para makasubo na ako," aniya. Umiling na lamang ako. Kinuwento ko na sa kan'ya yong nangyari kagabi pero sa part palang na may sumusunod sa akin na lalaki. Binigyan niya ako ng gulat na tingin. "Talaga? Nakakatakot na talaga umuwi ngayon ng gabi tapos mag-isa mo pa." "Kaya nga kinakabahan na rin ako nong mga oras na tumayo na siya. Iniisip ko pa that time na baka nagkataon lang na dumaan ako, tumayo na rin siya pero iba na talaga 'yong nararamdaman ko. Lalo na nong binilisan ko maglakad, binilisan din niya kaya tumakbo mo talaga ako." Pinalo niya ang kamay ko at nakatingin siya sa akin ng masama. "Sinasabi ko na nga kasi sa'yo kahapon na hihintayin na kita." "Madami pa kasi akong kailangan tapusin kagabi, sinabi ko naman sa'yo diba?" Umiling siya habang kinukuha ang malamig niyang tubig. "Kahit na pa. Paano kung naabutan ka niya kaagad at may gawin siyang masama sa'yo? Hay nako Letisha!" "Hindi na rin naman na ako uuwi ng late simula ngayon," sabi ko. "Dapat lang!" Si Tiara ay parang nanay ko kung magalit at concern na concern talaga siya. Hays, ang suwerte ko talaga may ganito akong kaibigan. Iba na ang mood ni Tiara kaya naisip kong sabihin ko na rin sa kan'ya na may naka-encounter akong gwapong lalaki. "May isa pa akong kwento kaya 'wag ka na sumimangot diyan, alam kong magugustuhan mo ito," sabi ko habang nakangiti. Tumingin siya sa akin at unti-unti naman siyang ngumiti. Gusto talaga ni Tiara yong mga kuwento ko lalo na pagtungkol sa mga lalaking na-encounter ko kaya alam kong hindi ako mabibigo na mapabago muli ang mood niya. "What is it?" tanong niya. "Connected din ito sa una kong kuwento," sagot ko. Kinuwento ko sa kan'ya lahat lahat ng nangyari kagabi simula sa nakarating ako sa isang bar at hanggang sa makauwi ako. Habang kinuwento ko sa kan'ya ay nakangiti lang siya at halata pagkainteresado niya sa kuwento ko. Halos hindi na nga siya kumain dahil focus lang talaga siya sa mga sinasabi ko. "Oh my! Siguro kapag ako 'yong nasa sitwasyon mo kagabi baka hindi na talaga ako umuwi," natatawa niyang sambit. "Iyon nga rin ang iniisip ko kagabi sana pala tinanggap ko na 'yong offer niya na matulog kasama siya." Nararamdaman ko na naman ang pag-init ng magkabilaang pisngi ko. "Dapat nga ginawa mo na at ilabas mo na 'yong wild side mo na matagal ng nagtatago." "Sige, hayaan mo kapag nakita ko ulit siya." Tumawa kaming dalawa. "Alam mo ba kung anong address niya?" "Hindi e. Nakatulog din kasi ako kaya hindi ko na nakita 'yong way at paggising ko naka-park na kotse niya at nandoon na pala ako sa bahay niya." Tumango siya. "Wala pa kaya siyang asawa or girlfriend?" "I'm not sure pero wala naman katao-tao sa bahay niya, as in siya lang talaga ang nandoon." "I hope he doesn't have yet." "Hoping." Muli kaming tumawa at tinuloy na ang kinakain. "By the way, kamusta 'yong celebration niyo kagabi?" "Okay naman, successful even though late na naman ang magaling kong kuya!" Inikot niya ang kan'yang mga mata. "Na naman?" "Yes! Na naman!" inis niyang sabi. "For sure kung saan-saan na naman siya pumupunta kahit na alam niyang siya ang bida sa celebration kahapon pero wala pa rin talaga, hays." "Anong oras siya dumating?" curious kong tanong. "Mga around 9:45 pero ang sabi 7pm dapat nandoon na siya. Buti na lang talaga hindi pa umuuwi yong mga bisita at talagang nag-stay pa sila doon at hinintay siya." "Mabuti na lang talaga at naging successful," sabi ko. "It's good dahil kung hindi baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na makalbo siya," inis niyang sabi kaya napatawa na lang muli ako. Kumain na muli kami at pagkatapos ay bumalik na kami sa kanya-kanya namin table. Work na ulit at ilang oras na lang din ay uuwi na kami. Hindi na talaga ako uuwi ng gabi. Ilang oras lang ang lumipas nang may marinig akong nagri-ring na cellphone kaya napatingin ako sa phone ko pero hindi naman sa akin 'yon kaya napatingin ako kay Tiara at ang cellphone nga niya ang tumutunog kaya binaling ko na lang muli ang atensyon ko sa ginagawa ko. "Hello?" aniya sa kabilang linya. Sa focus ko ay hindi ko na naririnig ang mga sinasabi niya pero ilang saglit lang ay napansin ko ang paglapit niya kasama ang kan'yang upuan at kinalabit ako. Pagtingin ko sa kan'ya, hindi na niya hawak ang phone niya. "Susunduin daw ako ni kuya ko later, sabay ka na sa amin," aniya. "Hala, huwag na nakakahiya." "Sumabay ka na at saka sinabi ko na rin sa kan'ya na may isasabay akong kaibigan ko." "Huwag na. magta-taxi na lang ako," pagtanggi ko. "Basta." Bumalik na siya kaagad sa table niya na hindi na hinintay ang sasabihin ko. Ayaw ko talaga sumabay kasi nahihiya ako. Hindi ko pa name-meet si kuya niya at hindi ko rin alam ang name niya sa totoo lang. Hindi ko ba alam bakit hindi ko makuhang itanong kay Tiara ang pangalan ng kuya niya at saka minsan lang din naman namin siya napag-uusapan. Tiningnan ko muli si Tiara at sakto namang tumingin din siya sa akin. Umiling ako senyales na tumatanggi ako pero nilakihan lang niya ako ng mata niya. Ayaw ko talaga. Takasan ko ba siya? Pero hindi, magagalit siya sa akin at syempre ayaw ko naman mangyari 'yon. Papayag na ba ako? Sasabay lang naman ako e, ihahatid lang naman ako sa bahay. Nakakahiya pa rin talaga. Bahala na nga. Mapilit pa naman itong si Tiara kaya for sure wala rin akong magagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD