Naramdaman ko ang paglapit ng bibig niya sa kaliwang tenga ko. Nakatakip pa rin ang kamay ko sa aking mga mata.
"Why are you here?" bulong niya.
Amoy na amoy ko ang mint niyang hininga. Hindi ko siya sinagot or tiningnan man lang at mabilis akong tumakbo palabas ng kan'yang cr. Nang makalapit na ako sa pinto ay narinig ko ang pag-lock ng pinto. Hinawakan ko ang kulay silver na door handle at pilit na binubuksan ang pinto pero talagang naka-lock nga ito.
"Stop what your doing, mapapagod ka lang," sabi ng lalaki sa malalim niyang boses.
Kinakabahan akong tumingin sa kan'ya at nakita siyang naka-cross armed at nakasandal sa isang puting couch na nasa kwarto niya. This time, hindi na siya nakasuot ng puting tuwalya dahil nakasuot na siya ngayon ng bathrobe na kulay gray. Medyo kita ang kan'yang dibdib nakakadagdag ng attraction.
"B-bakit naka-lock yong pinto?" nauutal kong tanong habang ang isa kong kamay ay nasa likod ko at ginagalaw ang door handle.
"Ni-lock ko, simple as that." Nagkibitbalikat siya.
Kumunot ang noo ko. "But why? Hindi ba dapat hinahayaan mo na akong lumabas ng bahay mo."
"I'm curious... I want to know why are you here?"
"Long story kaya hindi ko makukuwento sa'yo lahat... kaya please lang, buksan mo na ang pinto para makauwi na ako," pagmamakaawa ko, "Sorry dahil pumasok ako sa bahay mo."
"Yeah, trespassing."
"I'm really sorry."
Bumuntong hininga siya. "Papalabasin kita kapag nasagot mo ang mga katanungan ko. Now tell me, bakit ka nandito?"
Kinagat ko ang lower lip ko bago magsalita. "May sumusunod sa akin na lalaki kanina at sa sobrang takot ko napatakbo ako at napunta sa isang bar and I saw you unlock your car and I got a chance to hide inside because I was so scared... I didn't know what to do. Wala na rin akong masakyan kaya napilitan akong maglakad."
"So, you mean... kasama kita sa loob ng kotse ko kanina?" Ngumiti siya na hindi makapaniwala.
"Exactly. Nagandahan din ako sa bahay mo kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi pasukin," sambit ko, "I'm sorry."
"What's your name?"
"Kailangan ko pa bang sagutin yan?"
"It's okay if you don't want to, bantayan mo na lang itong kwarto ko," aniya at nagsimula na maglakad.
Ako? Magbabantay ng kwarto niya? Ano ang tingin niya sa akin? Feeling ko seryoso ang sinasabi niya kaya wala na akong choice kundi sabihin sa kan'ya ang pangalan ko.
"I'm Letisha," sabi ko habang nakatingin siya na inaayos ang kan'yang suit.
Nilingon niya ako pero konti lang sabay ngisi niya habang hawak-hawak ang suit niya. Binaba niya an suit niya at nilagay muli sa kama niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Habang nakatingin ako sa kan'ya, hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mapatingin sa baba niya kung saan may nakabukol. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makita yon. Oh my! Bakit bakat? Galit ba yan? As in bakat talaga na kahit di mo gustong tingnan ay mapapatingin ka talaga. Nakaka-distract! Pinikit ko na lamang ang mga mata ko at tumingin sa right side ko sabay fold sa labi ko. Nagpakawala ako ng hangin mula sa bunganga ko at para makapag-focus muli.
"What happened to you?" tanong niya nang makalapit na ito sa akin.
Kitang-kita ko pa rin talaga ang dragon niyang nakabakat kaya ang ginawa ko ay tinakapan ko ito sa pamamagitan ng kamay ko na talagang tinapat ko doon. Lalapit pa sana siya pero pinigilan ko siya baka biglang dumikit sa akin at baka di na ako umuwi.
"Stay right there."
Kumunot ang noo niya. "What are you doing?"
Umiling na lamang ako. Nakatingin lang siya sa akin na nagtataka.
"Since sinagot ko na mga tanong mo, puwede na ba akong umalis?"
Nagbago ang hitsura niya. Ngumiti siya ng konti. "Ayaw mo magbantay sa kwarto ko? You can sleep here for one night... with me."
Gulat ko siyang tiningnan habang gano'n pa rin ang posisyon ng kamay ko. Nakatingin siya sa akin habang nakangiti at tinaas ang dalawang kilay niya dahilan para mag-init ang dalawa kong pisngi. Hindi ko alam kung para na akong kamatis dito.
Sa huli ay nilabanan ko ang nararamdaman kong pagka-attract sa kan'ya. "No, thanks. Uuwi na ako."
Nagkibitbalikat siya. "Okay."
O-okay? Iyon na 'yon? Hindi mo man lang ako kinausap pa para matulog ngayong gabi kasama ka, hays. May kinuha siya na parang remote sa head board ng kama niya at may pinindot. Tumunog ang pinto at ang tunog na yon ay meaning nakabukas na ang pinto.
Tumingin ako muli sa kan'ya bago lumabas ng kwarto niya. "I'm really sorry."
Hindi siya sumagot sa halip ay tinakas lang niya ang dalawa niyang kilay. Pagkalabas ko ay saka naman niya ulit ni-lock ang kan'yang pinto.
Nakatingin lang ako sa pinto. "Papasok ba ulit ako?" Hahawakan ko na sana ako door handle niya nang bigla akong mapangiti. "Joke!"
Lumabas na ako ng bahay niya at napatingin ako sa malaking gate. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para buksan ito dahil wala akong makita na pangbukas. Nanatili lang akong patingin-tingin sa gate na ito para malaman ko kung paano ako makakalabas dito. Makalipas ang ilang minuto ay biglang bumukas ang pinto at nang tuluyan na ngang nagbukas ay lumabas na ako pero bago pa ako makaalis ay tumingin pa muli ako sa bahay. Laking gulat ko nang makita ko siya na nakatayo sa isang malaking glass window at nakatingin sa akin. Nakasuot na siya ngayon ng suit.
Tuluyan na akong umalis at gano'n pa rin, wala pa rin akong masakyan lalo na late na. Tumingin ako sa relo ko at nakita ko na 9pm na. Patingin-tingin ako sa paligid ko para ma-sure na walang sumusunod sa akin.
Wala pang dalawang minuto ay may narinig akong kotse kaya napatingin ako sa likod ko na inaasahan na sana ay bus 'yon para makauwi na ako pero nagkakamali ako dahil yon ay isang mamahaling kotse na kulay itim at huminto pa sa harap ko. Bumaba ang bintana at nakita ko si Travis ang lalaking kasama ko kanina. Tumingin siya sa akin habang ang dalawang kamay niya ay nasa manobela niya.
"Get in," sabi niya.
Umiling ako para tanggihan ang offer niya. "Hindi na, maghihintay na lang ako ng masasakyan ko dito."
Tumingin siya sa relo niya. "It's already pass 9, sa tingin mo ba may masasakyan ka pa ng ganitong oras? Kanina nga wala ka nang masakyan, ngayon pa kaya."
Pasimple kong kinagat ang lower lip ko. Tama siya. Sasakyan ko na ba siya? I-i mean, makikisakay na ba ako? Wala na akong choice.
"Give me your address," muli niyang sabi.
Napatingin ako sa suot niya. "Mukhang may pupuntahan ka, baka late ka pa dahil sa akin. Okay lang ako."
"I don't care about that event," seryoso niyang sabi. "Sumakay ka na o baka gusto mong ako pa magsakay sa'yo?"
Binuksan niya ang pinto ng driver seat at talagang seryoso siya sa sinabi niya kaya mabilis na lamang ako sumakay sa passenger seat habang mabilis ang t***k ng puso ko. Tiningnan niya ako bago sinara ang pinto ng kotse niya. Umiling muna siya bago magsimula mag-drive.
Naaamoy ko na naman ang napa-expensive na amoy ng kotse niya. Makailang ulit din akong napapatingin sa kan'ya dahil hindi ko ine-expect na mangyayari ito sa akin. Makakasakay sa mamahaling kotse, mapupunta sa maganda at malaking bahay at may kasama akong gwapong lalaki. Para lang akong nananaginip. Focus lang siya sa pagda-drive kaya hindi niya mapapansin na makailang ulit na akong palingon-lingon sa kan'ya. Para bang may magnet na mapapatingin ka talaga sa kan'ya ng ilang beses, sino ba kasi ang hindi? Ang gwapo niya ang bango pa!
Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na kami sa bahay namin. Napansin ko na pinapanood niya akong inaayos ang mga gamit ko. Napatingin din ako sa kan'ya at saktong nagtama ang aming mga tingin. Nakatingin lang siya sa akin at feeling ko ay malulusaw ako sa sobrang titig niya. Ang gwapo niya! Makalaglag panty, hays!
"T-thank you," nauutal kong sabi at sabay ngiti.
"Next time don't go home late."
Namumula na yata ang pisngi ko. Ngumiti ako. "Y-yeah. Salamat ulit."
Bumaba na ako ng kotse at sinara. Pagkatalikod ko ay mabilis na rin niyang pinaandar ang kan'yang kotse. Ngumiti ako habang pinapanood siyang umalis. Pumasok na rin ako kaagad ng bahay at nag-shower na para makapagpahinga na rin ako.
Habang nakahiga ako ay nakatunganga lang ako sa kisame at iniisip ang lahat nangyari kanina. Para na akong baliw na bigla na lang ngingiti. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha niya. Ang brown niyang mata na kung tumitig ay parang nakakalusaw, mapula-pula rin ang kan'yang labi. Yong matangos niyang ilong at ang jawline niya na nakakalambot ng mga tuhod. Lalong lumabas ang pagkagwapo niya sa suot niyang suit kanina at ang buhok niyang naka-brush up.