"How's first day nak?" tanong ni Mommy habang abala sila ni Manang Fe sa paglapag ng mga hapunang pagkain.
Eksaktong alas singko ng hapon ay nakauwi na ako. Di naman sa kalayuan ang school ko mula sa bahay namin. Sadyang na-late lang talaga ako kanina dahil sa ulan. I gave her a quick kiss on her cheek. tsaka nagmano na rin sa kanya at kay Manang Fe.
"Great." was all I could say. Agad kong sinara ang pintuan ng kwarto at nagtungo sa bathroom para maligo. Inihanda ko ang katamtamang init na tubig sa bathtub. Pagkatapos ay dahan dahang ibinabad ang sarili doon.
"Damn those transeferees." bulong ko sa kawalan.
I turned to spotify at naagaw pansin ang tracks ng Parokya ni Edgar. Shuffle kong pinatugtog ang mga kanta at ibinalik ang cellphone sa mesa. Tuluyan ko nang hinayaan ang sariling magpakalma sa tubig sabay nilalamon ng mga kanta.
"Margo, anak! Nandiyan ka pa ba? Margo sumagot ka!" umaalingawngaw ang kumalabog na pintuan kasabay ang sigaw ni Mommy. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Kinalas ko ang isang earpod at tumuwid sa pagkaupo.
"My?"
"Anong my my diyan? Lumabas ka nga! Kanina ka pa inaantay ng mga kaibigan mo dito sa sala! Ano bang ginawa mo diyan?!"
Sa isang iglap ay agad akong napunta sa walk-in closet ko. Anumang unang matangay na damit ay yun nalang ang susuotin ko. Dali dali kong tinuyo ang buhok gamit ang blower at sinuklay ito nang mabilisan tsaka diretsahang lumabas ng kwarto.
Sa sala ay natanaw kong nanonood ang dalawang kaibigan ng Netflix. Nang naulinigan nila ang aking mga yapak ay agad nila akong binati ng mga halik sa pisngi at mahihigpit na yakap. Tumaas ang mga kilay ko nang napagtantong nakadamit panlakad ang mga ito.
White plain bangkok with puffed sleeves top at nude trousers ang suot ni Normani. Nakatali ang buhok nito sa braid na mas lalong nagpatingkad sa pagiging morena at skinny na pangangatawan nito. Samantalang si Saraha naman ay suot nito ang pastel off shoulder na bumabagay sa kanyang bagsak na long brown curls. Sinabayan niya ito ng high waisted blue denim shorts. Parehong nakaputing Nike sneakers ang dalawa.
Curvy din ang pangangatawan ni Saraha. Nangingintab ang mapupulang labi dahil sa albinong kutis niya. Ngunit saming tatlo, siya ang pinakapetite. Si Normani naman tong pinakamataas kaya lang hindi sinuswerte sa dibdib at pwet.
"Bihis na bihis?" tanong ko nang kumalas sa yakap.
"Gaga, nakalimutan mo na? It's Vlanca Therese del Vallo's 18th debut party!" giit ni Normani nang idinungaw sakin ang screen ng kanyang iPhone na may naka-notify na Foam Party at Vlanc's.
"Vlanca? Your favorite model?"
"Ano bang nakain mo ba't ang dali mong nakalimot? Tara!" sagot ni Normani at hinila ako pabalik sa hagdanan.
"Kumain kana ba?" tanong ni Saraha.
"Hindi pa." sagot ko.
"Perfect timing! Now shoo! Dress yourself in something sexy! Dito lang kami sa sala. Dalian mo baka umuwi na ang mga gwapo dun." kinindatan ako ni Sahara.
Agad akong tumakbo patungong kwarto at dinungaw ang closet. What should I wear? Foam party daw kaya dapat hindi pormal. Beige croptop cardigan at isang black high-waisted shorts lang ang sinuot ko. Tinali ko ang buhok ko into ponytail at naglagay ng brown scarf sa tali. Konting lip gloss lang, face powder at isang spray ng perfume sa pulso at leeg. Sinuot ko ang aking white Nike sneakers since ganito rin naman ang sa kanila, edi go din ako para goals kaming tatlo.
Bago lumabas ng kwarto ay tinanaw ko muna ang kabuuan ko. Kitang kita ang mabalbong balat ko sa batok at mga paa na tila ba'y parang ipinaglihi sa unggoy, ngunit kailanma'y hindi ako nagtagkang magshave. Hindi ko naman ito ikinahihiya. Mapalad nga ako dahil sa makakapal kong kilay at pilikmata as some of my best assets.
"Shufa, penge number. Witwew!" sigaw ni Normani sakin.
"Shatap, Sean!" Tumawa ako.
"Sabi ko na nga ba, gagala ang mga to!" singit ni Mommy sa amin. Tumawa sila Normani at Saraha.
"Maki-birthday lang, my. Before 10, I'll promise nakauwi na ako." sagot ko sabay ngiti sa kanya.
"10pm? 8pm! Magla-lock na si Manang Fe ng gate around 9pm. Alam mo namang wala pa si Manong Carlos." utos ni Mommy.
"Wag kang mag-alala tita, 5 shots lang naman. Tsaka lapit nang mag alas otso oh, hindi na makakapag-enjoy ng bonggang-bongga ang insan ko diyan." pang-aasar ni Sahara.
"Oh, isa ka pa! Isusumbong talaga kita sa daddy mo." pang-aasar pabalik ni Mommy kay Sahara.
"How bout 9pm tita? Ihahatid naman namin siya." tanong ni Normani kay mommy.
"My, alis na kami." pagputol ko para makaalis na kami. Baka mabuking pa ako nito. Sobrang decisive at bipolar kasi tong si Mommy. Mahilig mag cancel ng plans at the last minute.
"8 pm, nak ha."
Tumango ako at mabilis kong dinampian ng halik si Mommy sa pisngi. Hindi pa makauwi ngayon si Daddy dahil sa sobrang babad sa trabaho.
"Alcoholic drinks can cause multiple health complications for the body, so drink responsibly. Organ transplants are way too expensive!"
Pagkarating namin sa bahay ni Vlanca ay agad akong sinalubong ng mga pamilyar na mukha. Mga classmates at schoolmates. Ang ilan ay hindi ko na makilala.
"Wait," bulong sakin ni Normani at sa isang kisapmata'y nagwala na ito. Paglingon ko sa gilid ay wala na rin akong nakitang Sahara sa tabi. Napailing nalang ako.
Kung sa bagay, heavy party goers talaga tong dalawa. Mismo exam days ay nagawa pang maghang-over. Daig pa ng dami ng alak ang natikman nila kompara sa mga edad nito. Siguro nung ako'y natuto palang uminom ng gatas ay alak na 'tong sa kanila.
Me and Sahara are very close cousins but are complete opposites. Hinhin si Sahara, a crybaby too ngunit ang sobrang harot at drunklord. Si Normani naman ay nakilala namin nung Grade 9 nang natanaw naming nakahandusay ito sa sahig ng CR habang nagduduwal. Kala ko pa naman nagdadalang-tao siya nun pero lasing lang pala. Heartbroken daw kasi. Grade 10 kami nung nagsimula kaming magkalapit sa isa-isa. Hence, I never regretted treating them as my sisters.
Yun nga lang dahil sa sobrang close na naming tatlo ay natuto na rin akong gumala at uminom. Madalas akong niyaya ni Sahara noon at madalas ko rin siyang tinanggihan pero nang dumating na si Normani samin, malabo nang makakapag-isip ng alibi dahil nagkakampihan na ang dalawa upang mapasuko ako sa mga yaya nila. But still, I ain't a hard drinker and a heavy party girl, though.
Hinanap ng mga mata ko si Vlanca para sana'y batiin siya ngunit sa dinami dami ng mga bisita, abala pa siguro yon sa pag e-entertain. Nakita ko si Normani sa dance floor at dinukot ang iilang hard liquors sa waiter. Si Sahara naman ay ewan ko kung nasan na 'yon. Awkward lang akong nakatayo dito sa malaking sala habang pinasadahan ng tingin ang lahat. Alas syete pa naman ng gabi pero lasing na lasing na ang mga tao.
Nakaramdan ako ng kirot sa sikmura. Tinungo ko ang kusina at nasilayan ang mga pagkaing nakalapag sa counter. Una kong kinuha ang cheese na binalotan ng ham at isinubo iyon. Pagkatapos ng limang subo ay naghahanap na ng tubig ang lalamunan ko.
"Water's for weakshits only, Mayora."
Inabot niya sakin ang isang bote ng nakalahating Bacardi. Tinanggap ko iyon at nagsalin sa isang shot glass. Hindi ko kaya kapag walang ice cubes kaya tiningala ko ang babae at namangha nang naaninag ko ang napakagandang Vlanca Therese del Vallo saking harapan. Ngumiti siya sakin at ganon din ako pabalik. We're batchmates actually. Ngunit once lang kaming naging classmates nito nung jhs.
Nung una ko pa lang itong nasilayan sa school, nakakaakit na talaga ang kagandahan nito. Mestisa with a slender body, long-legged, eyebrows on fleek palagi, pinkish lips, sparkling eyes and I really envied her fashion sense. At ngayong nasa senior high na kami, mas lalo lamang siyang gumanda when she pursued modelling. Maiksi na ang buhok niya ngayon. Hindi nga nagkamali si Normani sa paghanga ng model na 'to.
Nag beso beso kami at naamoy ko kaagad ang alak sa kanyang hininga. Tumawa siya.
"Happy legality Vlanca! Pwede kanang manirahan sa kulungan. God Bless you!" bati ko. Medyo nahihiya pa ako kasi wala akong dalang regalo.
"Thank you, Mayora! Mag-isa ka lang?"
"I'm with Normani and Sahara. Probably enjoying their own worlds right now, Vlanca."
"You should enjoy yours too. Feel the night!"
Unti-unti nang dumilim ang mga ilaw. Mas nagiging wild na ang mga tao. Nakita ko si Bridge, ex ni Normani. Nag-akmang mag-grind sa likuran ng babae. Agad siyang sinampal nito. Natigilan si Bridge at napahawak sa kanyang pisngi.
"Ow!" sabay naming hiyaw ni Vlanca at nagtawanan kaming dalawa.
"By the way, 12am, pool tayo ah?" she interrupted while still drinking her Bacardi.
"Ah, 8pm kasi ang promise ko kay mommy."
"What? Why so early? Can't you extend? Bantay sarado pa rin." she pouted.
"I want to pero baka hindi na ako makakapasok samin haha. Tsaka may pasok pa bukas." matapat kong sagot.
"Bibigurl pa rin hahaha. Sige na nga! Let's take a picture together."
Hinila niya ako palapit sa kanya at nagsmile sa camera.
"Oh siya! Maiwan muna kita dito. Babalik muna ako sa kwarto ko. Para na kasi akong naliligo ng alak. Enjoy ka ha? Thank you for coming!" she planted a quick kiss on my cheek.
"Anyway, kailan mo pa balak inumin niyang shot glass mo?" natatawa niyang tanong at tuluyan na akong tinalikuran.
"HAHAHA! Enjoy your day birthday, girl!" pahabol kong sigaw at nilagok ang shot glass ng Bacardi na kanina pang nakalapag sa counter. Natutunaw na ang ice cubes sa loob nito.
Mas lalong dumami ang dumarayo. Nakakabinging tawanan, sigawan, kantahan ang pumalibot sa buong paligid. Pinagmasdan ko ang dance floor. Nandoon pa rin si Normani, may kasayaw na maraming lalaki.
Dahil nainip ako sa kinatatayuan ko, dinala ako ng aking mga paa doon. Nasilawan ang mukha ko sa isang disco ball na nakasabit sa ceiling. Nasilayan ko ang isang tipsy na si Sahara na inakbayan ng isang pamilyar na lalaki. Ito talagang pinsan ko!
"Nandiyan ka pala, Sahara!"
Nilingon ako ni Sahara at nagsenyas na lapitan ang table nila. Pagkaupo ko'y inabutan agad ako ng isang basong may lamang Johnny Walker. Nilagok ko iyon.
"Bored miga mo." tugon nung lalaki na parang pugeta kung makahawak sa braso ng pinsan ko. Another fling? Sa bagay, sa angking kagandahan ni Sahara ay malabong mauubusan ito ng mga nagkandarapang lalaki. Tsaka, ang guy naman ay pasado sa looks, but not the personality, I think. He seemed arrogant.
"Hindi masyado." tipid kong sagot.
"Kita mo yun, gaw?"
May kung anong tinuro si Sahara sa kabilang dulo at sinundan ko iyon ng tingin. Isang di kilalang nakatopless na lalaki na nakasandal ang likod sa bar station. Magulo ang buhok nito habang pinaglalaruan ang hawak na bote ng Fundador. Agad nagtama ang aming mga mata. Nag-iwas kaagad ako ng tingin nang kinindatan niya ako.
"Ayan na! Take him! Halatang bored kayong dalawa so why not jam a lil bit?" panunuya sakin ni Sahara.
"Really? A stranger? Lol." Umiling ako.
"Maarte! Just for this moment lang naman." nagpumulit pa ito.
"We're cousins but I aint like you."
"Hala grabi, attitude!"
Tumawa si Sahara. She looked tipsy already. I am afraid, what if the guy beside her will take advantage of her.
"He's not my type, gurl." pag amin ko.
"Beke fubu ne yen." sagot ni Sahara. The guy beside her laughed and touched her neck slightly.
Pero bago pa man ako makapagsalita ay may naramdaman akong may lumapit sakin. Nasa gilid ko na ngayon ang isang nakatopless na lalaki na kumindat sakin kanina. Naglahad siya ng kamay. Nanlaki ang aking mga mata.
"Oy! Good shot!" hiyaw ng mga taong nakaaligid saming mesa.
"Tanggapin mo na! He's just being friendly!"
Ni head-to-toe ko muna ang lalaki. Pansin kong nakalutaw lang sa ere ang kamay niya. I awkwardly accepted it. He smiled flirty.
"Would you mind if I ask you for a dance?" tanong niya.
"Not now-"
Bigla akong itinulak ni Sahara dahilan kung bakit napadikit ako sa matigas na pangangatawan ng lalaki. Agad naman akong kumalas. I glared at Sahara but she just laughed at me. Umirap ako at ibinalik ang tuon sa lalaki.
"I'm sorry 'bout that." pagpapaumanhin ko. Ngumisi lang siya.
"Apology won't be accepted unless you dance with me." utos niya at hinila na ako sa dance floor.
Pumulupot kaagad ang kanyang mga kamay saking baywang at hinimas himas ito. Tumindig ang mga balahibo ko. Nadidirian ako sa malalagkit niyang pawis. Pilit kong inabala ang sarili para sabayan ang musikang pumapailanlang sa paligid kahit hindi ko naman makuha ang tugtog. Nilipad ko nalang ang mga mata ko sa kung ano ano. Nais ko na talagang kumawala sa taong ito. He was so annoying! He just kept smiling! It was so creepy and weird!
Napahinto ang mga mata ko sa di inaasahang si Ruox sa pinakadulong table dito sa sala. Nakabalot ang kanyang malalaking palad sa boobs ng katabing babae. Hinimas himas niya ito na parang dough. The girl closed her eyes, feeling pleasured. Nailipat din ang aking mga paningin kay Phoenix na dinilaan ang leeg ng isang babae habang si Vach naman ay abalang abala sa pagvi-video ng mga kaibigan. Mas lalo akong nadidirian. For f**k's sake, pano kung maabutan sila ng parents or relatives ni Vlanca dito? At invited pa pala ang mga ito? Napansin ng lalaking kasayaw ko ang aking pagkunot noo.
"You don't get the music, bebegurl?" tanong niya habang nakangiti parin na may halong pagnanasa. I should better get away from him or else may masasabunutan ako ngayon.
"CR muna." naiirita kong sabi at agad kumawala.
"Oh, really?" lumapad ang ngisi niya.
"I mean, cr! Mag c-cr muna ako, mag-isa! You maniac!"
Hindi ko na siya hinintay na makapagtapos sa pagsasalita. Sinundan niya ako pero mas binilisan ko ang paglakad patungong bathroom. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi na niya ako naabutan dahil sa mga taong nakaaligid. Inayos ko ang sarili at dinungaw ang malaking salamin sa harapan nang may nakita akong isa pang repleksyon sa gilid. Agad akong naestatwa sa kinatatayuan ko.
A couple, liplocking together. Nakaupo ang lalaki sa isang cubicle at pinatungan ng babae ang kanyang mga hita. Nag-grind pa ito. The man's hands are all roaming around the girl's body. The girl moaned desperately na siyang nagpapikit sa mga mata ko sa kadiri. Nang nakarinig ako ng isang snap sa pagka-unclasped ng bra ay hindi ko na napigilan ang bibig ko.
"What the f**k!"
Napatalon ang babae samantalang ang lalaki ay matalim akong tinitigan. Maraming mapupulang hickeys ang nakaguhit sa kanyang leeg at katawan.
"What are you doin' here?" she blurted with irritation while fixing herself. I was startled yet pretended that I wasn't.
"Oh, relax. Parang ngayon lang nakakita ng ganito? Ignorant af?" she added.
"Excuse me?"
"I'm asking you b***h. What are you doin' here?"
Did she just call me b***h?
"Nag c-cr. Hindi ba obvious b***h?"
Inirapan niya ako. Inirapan ko din siya.
"Now, will you get out?" utos niya at tinuro ang pintuan ng cr.
"Bakit hindi nalang kayo ang lumabas? Cr to b***h, hindi lodge." tinaasan ko siya ng kilay at tinuro ko rin ang pintuan.
"Pamamahay mo ba to, b***h? Bubu ka ba?"
"P ka ba?" I asked. She just stared at me angrily, waiting for my continuation.
"P for pokpok de puta." I smirked.
"Come again?"
Agad niyang itinaas ang kamay para sampalin ako nang maagap ko namang nadukot iyon. Pumagitna sa amin yung lalaki na ngayo'y suot suot na ang black hoodie jacket.
"Next time use the bathroom appropriately, b***h. Okay?"
Idiniin ko pa ang salitang 'appropriate'. Marahas kong binitawan ang kamay niya at umakmang susugod na naman siya nang maagap siyang hinarangan ng lalaki.
"Get out!" singhal ng lalaki.
"What-"
"Get. Out." he mumbled those words calmly but deadly.
"My girlfriend's already here. Now get out. We're done."
Nanlaki ang mga mata ng babae. Ganun din ang sakin. The girl raised her hands in resignation. Nag-iwan pa ito ng sarkastikong tawa bago kami tuluyang tinalikuran sa loob. Agad kong hinablot ang braso ng lalaki. Hindi siya natinag sa paghablot ko kahit ubod-lakas ko nang ginawa yun.
"Ano daw? Girlfriend? Feeling lang?!" singhal ko.
"It was just an excuse. You saved me from her." he smirked. Matalim ko pa rin siyang tiningnan. Muli kong binuksan ang bibig ko ng maagap din niyang nilagay ang kanyang thumb finger sa gitna ng bibig ko para mapatikom ako.
"Bakit? Gusto mo?" sungit niyang tanong at inirapan ako. I wanted to bite his hand so badly sa sobrang inis!
"Kapal ng mukha mo, Cloud!"
Marahas na bumukas ang pintuan ng cr dahilan. Agaran akong lumayo kay Cloud. Tiningnan ko kung sino ang pumasok at mas lalong umasim ang mukha ko.
"Are you lost baby girl?" ani ng lalaking kasayaw ko kanina. Ginaya niya ang tono ni Maximo kahit hindi naman bagay sa kaniya.
"Ikaw na naman?!" I shouted. I know it was rude, but he was too! And what was he doing here?
"I am looking for you because we are not yet done-"
Lumapit siya sakin at akmang hahalikan na sana ang leeg ko nang bigla siyang sinuntok ni Cloud. Napapikit ako sa impact ng pagkakasuntok. Dumilat ako at nakita ang lalaking duguan na ang mga labi. Ngumiwi ang lalaki sa sakit habang nakahiga ito sa sahig. Susuntukin pa sana muli ni Cloud kaya humarang na ako.
"Tama na, Enrique!" sigaw ko.
I don't know what to do. I kneeled in front of the guy to aid him pero maagap ding nahagip ni Cloud ang braso ko. Marahas kong tinampal ko ang kamay niya.
"Pota–"
"He needs help! Kagagohan mo to!" I yelled at Cloud. I checked the guy's lips, puros dugo. May black eye na rin siya. He was screaming because of pain.
"Ako pa ang gago? You should've thanked me dahil kung wala pa ako, na rape ka na sana sa dugyot na yan." he said arrogantly.
"No, I don't need your help at all!" I gritted my teeth in anger.
"Edi, pariho kayong gago."
He smirked and walked towards the faucet to wash his knuckles because it had a blood stain on it. He seemed so unbothered. Halatang sanay na siya sa mga ganitong pangyayari.
Nagkagulo na ang mga tao nang may nakita silang lalaki na nakahandusay sa sahig ng cr. I heard someone calling for an ambulance and the police. Kinakabahan na ako.
"I'm so sorry." ani ko sa lalaking nakahandusay sa sahig.
Cloud suddenly grabbed my hand and pulled me towards him. Sabay kaming lumabas sa comfort room at dinala ako sa sala. Nagpumiglas ako pero ang tigas din niya. When we reached the veranda, he finally let go of my hand and walked towards his car like nothing had happened. Then Vach, Ruox, Phoenix and Diveon followed him. Nagtawanan lang ang lima. Sabay sabay nilang pinaharurot ang kanilang mga sasakyan at umalis. Then, I noticed Sahara and Normani coming towards me with worried faces.
"Dae, uwi na tayo! Ang gulo na dito!"
Nagsialisan na rin amg mga tao. Tumakbo kami papuntang highway and we heard a police siren. Bumagal ang takbo ng sasakyan ng police at huminto katapat samin. Nanginginig na ako. Dinukot ko ang iphone ko sa bulsa just to divert my attention. Normani stayed chill while Sahara looked like she was about to cry. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko nang bumukas ang window car.
"Magandang gabi sa inyo. May alam ba kayo kung saan dito ang Del Vallo's Residence?" tanong ng isang police.
Nagkatitigan kaming tatlo ni Sahara at Normani kung sino ang sasagot.
"Miss, may alam ba kayo?"
"Opo, sir. Ride straight lang kaayo mga 5 minutes tas liko po kayo slight. Pagkaliko niyo po, may malaking black na gate ang sasalubong sa inyo na may nakatapat na 'Del Vallo's Residence'. Madali lang po ma locate ang bahay." kalmanteng sagot ni Normani.
"Maraming salamat, miss. Uwi na kayo habang wala pang curfew. Ingat kayo." utal ng isang police.
"Sige ho, kayo din."
Para nang kasing lamig ng yelo ang mga kamay ko. Mabuti nalang, nakapara kaagad kami ng taxi pagkatapos nun. Namumutla na kami pareho ni Sahara, while Normani stayed calm. Mararamdaman mo rin ang kaba niya pero she will always choose not to mind it. Pagsakay namin ng taxi, sinandal ko ang ulo ko sa window to calm myself. I have 6 missed calls from mommy. It's already 8:42pm.
"Ako na ang bahala kay tita."
Normani said and winked at me. This is what I really love about Normani. She's chill and will always do things to make everything alright. For keeps talaga ang babaeng ito. I just don't understand why she always gets cheated on. Sobrang bait at napaka-considerate kasing tao. People will always take advantage of those who have good hearts.
"Thank you, mamsh." I pouted.
I leaned my head back at the taxi's window. Sahara was already asleep while Normani was on her phone. More than 20 minutes pa kasi ang byahe mula dito patungong bahay namin. The event earlier still bothered me.
The traffic made me sleepy. I wanted to take a nap but I felt like someone was staring at me from the window. Nilingon ko kung sino and I saw Cloud. He abruptly avoided my gaze the moment I looked at him. Suplado palagi ang mukha. Magkatabi ang taxi na sinasakyan namin at ang black sports car niya. I rolled my eyes and leaned my head on Normani's shoulders instead. Wasn't he arrested? Kung sa bagay.
Nang may na realized ako, nilingon ko siya ulit from the window to thank him. He may be an asshole, he doesn't deserve my thanks, but he still saved me. I was about to open the window nang umandar pabalik ang taxi.
Okay, never mind nalang.