bc

Taming the Wild

book_age18+
5
FOLLOW
1K
READ
brave
student
bxg
humorous
campus
enimies to lovers
first love
friendship
school
addiction
like
intro-logo
Blurb

Five notorious transferees, puro bulakbol at pahamak lang ang iniisip na ikakapanganib sa buong university.

Margo, the SUSG (Silliman University Student Government) President, on the other hand, of course she wouldn't just let these black sheep enjoy their asses all the time. She has to teach them a lesson. How? By taming these wild brats. Will she be able to tame them successfully? Kayang kaya!

But little did she know, hindi lang pala ang mga masasamang ugali nito ang napaamo niya kundi pati na rin ang mga mababangis na puso nito.

chap-preview
Free preview
Taming the Wild
All names, characters, places, events and happenings in this story are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual people, living or dead is purely coincidental. Please keep in mind that this story has not been professionally written nor edited. I sincerely apologize for any grammatical/typographical errors, misspelled/misused/misplaced words, or misplaced punctuations. So please bear with me. Kindly be also advised that this story contains mature explicit themes and strong language which aren't suitable for people under 18 years of age. Read at your own risk. Note The fictional happenings in this story took place in Dumaguete, Visayas, Philippines. Hence, such things and events are not affiliated with the said place. — "Monforte, Phoenix Justin." "Present!" "Aquilles, Vach... Pardon, hijo? How to pronounce your name? Is it Vach or Vak?" "It's Vach, madame." "Oh, sorry 'bout that. Okay, Aquilles, Vach Matteo–" "Sorry to interrupt, madame! May I come in?" sigaw ko habang hinihingal. May naapakan pa akong paa dahil sa pagmamadali kong pagpasok sa room. "Hala, pasensya na po!" narinig ko itong nagmura ngunit hindi ko na pinansin cause seriously, magkalahating oras na akong late. Basang basa na ako. Nakalimutan kong magdala ng payong kaya napag-isipan kong bumalik nalang sa bahay para kunin ito at magbihis nalang. Masyado nang madungis ang mga medyas at sapatos ko. Wala si Manong Cariño, ang driver namin para ihatid ako dahil binyag ng kanyang apo. Si mommy ay abala sa ospital samantalang si dad naman ay babad lagi sa negosyo. Hindi pa kasi ako mapapayagang magmaneho knowing minor palang. "First day of classes bininyagan agad ng late, Ms. De Carolina? What a good example of a class president!" istriktang sambit sakin ni Madame Lynn, our class adviser. Napailing ito sabay sulat ng kung ano sa folder. Probably attendance checking. "I'd like to apologize, madame–" "Your excuse letter?" patalim niya akong tiningnan sa likod ng kanyang makakapal na salamin. Oo nga pala. Bumalik ako sa bahay para magbihis nang hindi ko man lang naisipang gumawa ng excuse letter. Kahit malamig ang panahon ay bahagya akong pinagpapawisan. Nilingon ko ang katabing upuan at natanaw ang kaibigan kong si Normani, sumenyas na lapitan siya. Ngumisi ako. Hays salamat. Swerte ka talaga pag nagkaroon ka ng mga kaibigang ginagawan ka ng excuse letter pag randam nilang lumiban ka or na-late sa klase kahit wala man lang silang alam na idadahilan. Agad kong hinablot ang papel sa kanya and mouthed "thank you." Humakbang ako patungo kay madame para ibigay ang liham. Palihim akong nagdasal na sana'y hindi na niya maalintana ang sulat-kamay doon. "Sige, maupo kana." utos niya at nakabawi agad ako ng hininga. "At pakiayos ng kwelyo mo. Para kang ni-rape diyan." Nagtawanan ang lahat. Tumango nalang ako at nagpasya saking upuan. Pagkaupo'y inayos kaagad ang kwelyo at pinasadahan ng mga daliri ang mabasa, matuwid at maitim kong buhok. Tinali ko ito sa bun pagkatapos. Tinanaw ko ang mga kaklase. Hindi parin sila natigilan sa halakhakan. Umirap nalang ako. Whatever. "Let's continue. Dela Fuego, Ruox Sheldon." "Yes, right here!" Nag wave siya ng kamay at nilingon ang lahat. Nag "blow a kiss" siya doon sa katabi niyang si Portia tsaka umirap ito. Freak. "Buendia, Diveon Emmanuel. " "Present!" "And lastly, Enrique, Cloud Finistierre–" Halos mapapikit ako sa biglaang mga tili. Ilan sa mga girls ay napatalon sa kanilang upuan. Namasdan ko rin ang pamumula ng mga pisngi ni Sahara sabay kagat sa kanyang pang ibabang labi. Taas-kilay kong pinasadahan ng tingin ang lahat. Anong meron? "Tss. Present." suplado nitong sagot. Nilingon ko ang direksyon niya. Nakatalikod lang ito. "Hey! What about me?" singit ni Ruox. The freak. "Silence!" singhal ng guro na sa isang ihip lang ng hangi'y napatahimik kaagad ang klaseng kanina lang ay parang palengke. Napasinghap ako. Oo nga pala. Sino sino ba ang mga ito? Ngayon ko lang ata namukhaan ang mga lalaking ito ah? Hinatak ko ang braso ni Normani dahilan kung bakit napasahig ang kanyang Gtech. "Margo naman! Alam mo namang sa isang hulog lang nito ay wala na–" "Sorry, I'll buy you new one later. But hey, who are these guys? Bakit ngayon ko lang namukhaan ang mga to?" tanong ko nang nilingon isa isa ang mga lalaking tinutukoy ko. "Tranferees." sabay yuko ni Normani para kunin ang nahulog na ballpen. Ah, transferees pala. "Aren't they hot?" dagdag niya. Umirap ako. Hindi naman. "Hot gorgeous transferees af." sagot naman nitong si Saraha na kasing pula na ng kamatis ang mukha. Kagat kagat pa rin ang kanyang labi. Tumuwid ako sa pagkakaupo. Tinuon ko ang pansin sa mabasa kong buhok. I really need to dry this one as soon as possible. Kukunin ko na sana ang towel ko sa loob ng bag nang tinawag ako ni Madame Lynn. Napatayo kaagad ako na parang sundalo at inayos ang sarili. Humakbang ako papalapit sa kanya. "They're the transferees. Take note of their names." Nilahad niya sakin ang isang kalahating kulay dilaw na index card. Isa isa kong binasa ang mga nakatalang pangalan. "Class, Mr. Enrique, Mr. Dela Fuego, Mr. Buendia, Mr. Aquilles and Mr. Monforte will be you new classmates for this whole school year of Grade 12 - Class 101, STEM. I do hope you're being nice to them para hindi naman sila ma-out of place dito. I think this is all just for this morning." "Aahh!" paghihinayang ng mga kaklase. "Wala bang introducing of themselves diyan, dame?" desperadang tanong ng isang bakla kong kaklase na si Courtney. Sinundan pa ito ng iilang pagmamakaawa ngunit tinaasan lang sila ng kilay ng guro. Ano bang meron sa mga lalaking ito? Sa napapansin ko there's nothing special naman. Just normal people breathing the same air like us. Or ganoon lang talaga ka "nice" daw ang mga kaklase ko? "We've only got 5 minutes left at may important meeting pa kaming mga teachers. Bukas nalang para mas makapaghanda na sila." Bumalik ang nakakabinging hiyawan. "And Margo?" "Yes, madame?" "Keep an eye on this class habang wala ako." Idinikit niya ang schedule namin sa pinakagilid na parte ng blackboard at tuluyan nang umalis. Babalik na sana ako saking upuan nang may naramdaman akong may kamay na humawak sa gilid ng aking palda. Niyuko ko kung kaninong kamay iyon, kay Ruox. Nagtaas ako ng kilay. "So you must be our class president here?" tanong niya. His brown curls made him look more stunning. "Yes. By the way, I'm Margo Philine de Carolina, and I guess, you must be Ruox?" Kahit alam ko na ang buong pangalan nito ay tinatanong ko parin. Naglahad ako ng kamay at tinanggap niya ito. "Yeah, good guess. By the way, taas ng pangalan mo no? Pero height, cute hihi just describing you." My expression suddenly changed. "Hmm, excuse me?" I arched a brow. Where did he got the audacity? May kung anong tinitingnan siya sa ibaba ko. Binalingan ko uli si Ruox and now he's grinning from ear to ear. Nagsitayuan na ang mga balahibo ko. Kinalas niya ang pagkahawak saking palda at sinundan ko ng tingin ang lakbay ng kanyang mga mata. Nasa palda ko pa rin. Anong meron? Laking gulat ko nang napagtanto kaagad ang ibig sabihin non. Halos mapatalon ako nang nasulyapang fully opened ang zipper ko! Kinagat ni Ruox ang kanyang pang ibabang labi at mas iginiit ang mga mata sa loob ng zipper ko. Dahan dahan niyang ipinasok ang kanyang daliri doon. Napaatras ako. How come hindi ko to napansin kanina? At ito pang mga transferees ang naka-timing! Napamura ko. Tinampal ko ang daliri ni Ruox at sinara nang mabilisan ang zipper. Imbis mainis ay kinalma ko nalang ang sarili. Relax Margo. This is just a bad day, not a bad life. "Nice panty, mayor. Cute mo talaga." Ninguso niya ang panty ko at kinindatan ako. Manyakis ka pala ha! "Of course. Nice meeting you too, Ruox." I stayed firm even if I felt so uneasy already. "Floral huh? Can't get enough 'bout summer?" dugtong ng isa. Nakaupo sa likoran ni Ruox. Tumaas ang kilay ko. "How 'bout you? Can't move on from being emo?" I snapped back at the guy who asked na may mataas na buhok. Hindi niya bang napag-isipang magpagupit? I mean, his collar-length hair fits him perfectly but this school observes strict proper grooming. "Emo daw, brad! Aguy! HAHAHAHAHA." tumawa sila except sa guy na I was referring to. He rolled his eyes at me. Ha! Kala mo, ah! "By the way, sexy mo naman mayor. May pa open open pa ng zipper–" "Sshh! Tumahimik ka Nix. Hayaan mo na. It's her sense of fashion." singit ni Ruox sa katabi niyang lalaki at ningitian na naman ako. I ignored them and walked back towards my seat. Padabog kong nilagay ang index card sa loob ng bag. Nanginginig na ang kamay ko sa hiya at inis. Papaupo na sana ako nang may narinig pa akong isa pang pang-aasar na natitiyak kong galing na naman sa upuan ng mga transferees. Can't their mouths just shut up? "First day of classes? Well, ain't boring at all." Hindi ko na nakayanan. Kumulo na talaga ang dugo sa buong sistema ko. Galit kong nilingon kung sino iyon and surprisingly, naabutan kong malamig na nakatingin sakin ang isang Cloud Finistierre Enrique. Don ko pa naaninag ang pagmumukha niya ngunit hindi masyado dahil maagap din siyang nag-iwas ng tingin. Umaalingawngaw muli ang nakakabinging tawanan. Pati si Sahara at Normani ay nakisali na rin. Kanina lang ay parang wala lang akong pakialam. Ngayon ay ramdam na ramdam ko na ang kahihiyan. First day of classes? Bad! Worst!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
555.5K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
19.5K
bc

Dominating the Dominatrix

read
52.7K
bc

The Slave Mated To The Pack's Angel

read
378.2K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
785.7K
bc

The Lone Alpha

read
123.1K
bc

The CEO'S Plaything

read
15.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook