bc

THE DOMINANT SERIES 2: MR. EGGPLANT

book_age18+
8.8K
FOLLOW
61.5K
READ
billionaire
dark
drama
comedy
sweet
evil
city
secrets
virgin
brutal
like
intro-logo
Blurb

Tahimik lang ang mundong ginagalawan ni Maya. Hanggang isang araw ay magulat na lang siya sa mga talong na palagi niyang natatanggap mula sa tao na hindi naman niya kilala.

Parang gusto niya tuloy halughugin ang buong mundo para alamin kung sino nga ba si Mr. Talong?

Ngunit paano kung ito mismo ang lumapit sa kaniya para muling kuhanin ang mga talong daw na pinahiram lang pala sa kaniya. At doon nga nagsimula galit niya sa lalaking baliw.

Sa pagkukrus ng landas nila, may mabuo kayang pag-ibig sa kanila?

Abangan!

chap-preview
Free preview
Garter 1
"Maya Alcose! Sige na, pumunta ka na sa gitna dahil naghihintay na roon ang lalaking nakasalo ng garter. Saka wala naman gagawin sa 'yo, iyon. Ganito talaga kapag may kinakasal," anas sa akin ni Dely. Isa rin ito sa mga abay ni July Fabilla. Nakakainis naman! Bakit kasi sa akin binato ni July ang bulaklak?! Hindi na nga ako nakisali sa mga babaeng gustong masalo ang flowers. Tapos sa akin pa napunta. Naku! Ang sarap kuritin ng babaeng iyon sa singit. Nakakaloka talaga ito! Ngunit masaya ako para sa aking kaibigan. Sa dami nang mga pinagdaan nito na pagsubok sa buhay niya ay natupad din ang matagal na nitong inaasam. Ang mahalin ng lalaking iniibig niya. Bigla tuloy akong napatingin kay July. May ngiti sa mga labi nito habang ang kanyang asawa naman ay nakayakap sa kanya. Sa bagay kahit naman may mabigat itong problema ay palagi pa rin itong nakangiti. "Hoy, ano na?!" Muli na naman akong napabaling sa babaeng aking katabi. Masyado na pa lang lumipad ang utak ko. "Ikaw na lang ang pumunta roon. Kunwari ikaw ang nakasalo ng bulaklak," anas ko rito. Sabay abot ng hawak kong flower. "Naku! Hindi puwede. Alam nilang ikaw ang nakasalo ng bulaklak. Baka pagbabatuhin nila ako ng bote!" palatak nito sabay hila sa akin. Kaya naman wala na akong nagawa pa nang tuluyan na akong dalhin sa lalaking naghihintay sa akin. Nakita kong mayroon isang upuan. At doon ako pinaupo ni Dely. Tumingin naman ako sa lalaking nakasalo ng garter. Nakasuot pa rin ito ng salamin sa mata. Teka lang! Bakit ito ang sumalo, eh, hindi naman ito kasali sa abay na lalaki. Puwede ba iyon? Mukhang gwapo ito kahit hindi magtanggal ng salamin sa kanyang nga mata. Kaya lang parang may pagkasuplado ang dating nito. Hanggang sa makita kong lumapit ang lalaki sa akin. At medyo yumuko. Maingat din nitong kinuha ang isang hita ko. At isinuot ang garter roon. Teka! Ano'ng gagawin kaya nito? Medyo naguguluhan talaga na ako. Sabagay ngayon pa lang kasi ako nakadalo sa mga ganitong kasalan kaya wala talaga akong alam. Hanggang sa narinig kong nagsigawan na ang mga tao sa buong paligid at tila tuwang-tuwang sila. Lalo na nang umabot na hanggang sa hita ko ang garter. "Higher pa!" sigaw ng mga tao. Kaya naman ang lokong lalaki ay medyo itinaas pa. Ngunit hindi pa rin tapos sapagkat may sumigaw pa ulit ng--- higher. "Higher! Higher!" mga sigaw ulit ng mga tao sa buong paligid. Kaya ayon muling itinaas pa ng lalaki ang garter. "H-Huwag mo nang itaas," nauutal na saway ko sa lalaki. Lalo at kaunting taas pa'y malapit na talaga sa aking singit. Wala naman akong narinig na salita mula sa lalaking nakasalamin. "Itaas mo pa, bro!" narinig kong sigaw ni Seth Lawson. Peste! Pati ba naman ito nakikigulo pa. Sobrang lakas na nga ng kabog ng aking dibdib. Nanlaki nang husto ang aking mga mata nang mas itaas pa nga nito ang garter at napunta na talaga sa aking singit. Napanganga rin ako at hindi halos makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin o sasabihin. Hanggang sa maramdamam ko ang kamay nito na gumapang sa aking underwear. At lalong lumuwa sa laki ang mga mata ko nang bigla nitong pisilin ang aking perlas na iniingatan. Ramdam ko rin ang pamumula ng aking mukha. Parang may bara sa lalamunan ko ng mga sandaling ito. Mayamaya pa'y tumayo na ang lalaki. Pagkatapos ay tumingin sa akin. Sabay halik sa aking pisngi. "Ang sarap mo..." narinig ko pang bulong niya sa akin. Pagkatapos ay nagmamadaling umalis sa aking harapan. Doon lamang ako natauhan nang makita kong naglalakad na ito palayo sa akin. Naririnig ko rin ang malalakas na sigaw ng mga tao sa buong paligid. Kaya naman nagmamadali akong umalis sa aking pwesto. Peste! Hindi ko matanggap na basta na lang akong hinipuan ng lalaking iyon. At sa aking perlas pa. Kahit pumalag ay hindi ko man lang nagawa at hinayaan ko lamang ito. Ang akala siguro nito ay ayos lamang sa akin iyon. Lintik naman, oh. Nagmamadali tuloy akong umalis dito sa bahay nina July at Seth. Ngunit bago tuluyang lumabas ay umikot muna ang mga mata ko sa buong paligid upang hanapin ang magaling na lalaki. Nakita ko naman agad ito. May kausap pa ito. Hindi ako papayag na hindi makaganti rito. Wala akong pakialam kung kaibigan ito ni Seth Lawson. Hindi ko mapapalampas ang ginawa niya sa akin. Kaya malalaki ang mga hakbang ko na pumunta sa labas ng gate. Hindi baleng maghintay ako ng matagal dito. Basta makaganti ako sa pesteng animal na lalaking iyon. Hanggang sa lumipas ang mahabang oras. Nakita kong isa-isa nang lumabas ang mga bisita nina July at Seth. Ang mga mata ko naman ay maliksing gumagalaw baka kasi makalingat ako at hindi ko makita ang lalaking bastos na iyon. Mayamaya pa'y napadako na ang aking paningin sa isang lalaking palabas ng gate. Kaya naman malalaki ang mga hakbang ko para makalapit dito. At nang alam kong medyo malapit na ako ay bigla kong itinaas ang aking isang paa. At walang takot na sinipa ang mukha nito. "Ahhh!" sigaw ko pa nang tuluyang kong masipa ito. "f**k!" sigaw nito habang hawak ang isang pisngi. Medyo nagdamdam pa nga ako dahil hindi man lang ito natumba sa ginawa kong pagsipa sa kanya. Dahan-dahan naman siyang lumingon sa aking pwesto. "Kulang pa nga iyan, eh!" sigaw ko sabay alis sa harap nito. At nagmamadaling pumara ng taxi para sumakay. Baka kasi habulin ako at ibugsok ako sa lupa. Kawawa naman ang aking gandang mukha kung nagkataon. Sa bahay ng Mama ni July ako nagpahatid. Tutal naman doon na ako pinatitira ni tita Megs. Malaking tulong sa akin iyon. Dahil hindi na ako uupa ng bahay at makakatipid pa ako. Malalim na lang akong napabuntonghininga. Hindi nagtagal ay nakarating na rin ako sa tapat ng gate namin. Agad akong nagbayad sa driver ng taxi at nagmamadaling bumaba. Subalit bigla akong napahinto sa paglalakad nang mapansin ko ang isang sako at ito'y nakasandal sa gate namin. Nagmamadali tuloy akong lumapit sa sako. Upang alamin kung ano ang laman noon. At walang pag-aalinlangan ko iyong binuklat. "Na naman!" palatak ko nang tumambad sa akin ang puro talong. At ito'y isang sako talaga. Peste! "Naku! Malaman ko lang kung sino ang nagpapadala ng talong sa akin. Ipapasok ko talaga ito sa bibig niya!" palatak ko. Saka ano'ng tingin nito sa akin mahilig sa talong? Sa totoo lang ay purgang-purga na ako rito. Ayaw ko namang itapon kasi sayang naman. My Gosh! Kailan ba ako titigilan ni Mr. Eggplant? Baka sa ginagawa nito ay bigla akong tumanda dahil sa kakaisip ko kung sino nga ba ang ito?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
93.5K
bc

His Obsession

read
73.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook