Muling Nagtagpo 3

1004 Words
Nasundan ko na lang ng tingin ang lalaking lumabas ng taxi at nagtuloy-tuloy na naglakad papalayo. Parang hindi pa rin ako makapaniwala, na muli na namang may nagbigay sa akin ng talong. Hindi ko tuloy alam kung isang panaginip na ang lahat ng ito. Hindi kaya mabaliw ako? "Ma'am, ang dami niyan, ah," biglang anas ng lalaki na driver. At nakatingin din sa basket na binigay sa akin ng lalaking may saltik yata ang utak. "Manong, gusto mo, sa 'yo na lang itong mga talong?" tanong ko sa lalaki. Sana lang ay kunin na nito. "Ay! Hindi ko tatanggihan iyan, Ma'am," anas ng driver sa akin. Kaya naman maliksi kong binigay rito ang basket na punong-puno ng talong. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil, kahit papaano ay naalis ang aking problema. Akala ko'y magbibitbit ako ng mga talong papasok sa aking trabaho. Isang angel tuloy ang tingin ko sa driver. Kasi sinagip nito sa aking problema. Hindi naglaon ay tuluyan na akong nakarating sa aking trabaho. Tudo-tudo pasasalamat naman ako kay Manong driver. Pagkatapos ay malalaki ang mga hakbang ko papasok sa Mall na kung saan ako nagtatrabaho. Subalit kumunot ang aking noo dahil nakikita kong mga balisa ang mga kasamahan kong employees din. Kayan naman mabilis akong lumapit sa aking kaibigan na si Andak Coguit. Nakikita ko rin sa mukha nito ang pangamba at tila hindi rin malakali ang dalaga. "Andak, ano'ng nangyayari? Bakit ganiyang ang tabas ng pagmumuka ninyo? Para kayong natalo sa sugal!" palatak ko nang makalapit ako sa aking kaibigan. "Paanong hindi kami mag-aalala, eh, iba na pala ang may-ari ng Mall na ito. At kanina lang sinabi ng dating may-ari. Ang problema ay baka pagtatanggalin tayong lahat. At palitan ng ibang mga tauhan. Ang sabi ng dating may-ari ay wal na raw siyang magagawa kung pag-aalisin tayong lahat," maluha-luhang sabi ni Andak sa akin. Kahit ako'y nangamba rin. Ngunit wala naman kaming magagawa kung ganoon nga ang mangyayari. Siguro'y maghahanap na lang ng panibagong trabaho. Ngunit sa panahon ngayon ay mahirap maghanap ng magiging trabaho. "Magdasal na lang tayo na hindi tayo aalisin ng bagong may-ari ng Mall," malumanay na sabi ko kay Andak. "Sana naga. Pero, kailangan nating pumunta sa 3rd floor. Baka nandiyan na ang bagong may-ari ng Mall na ito. Kailangan nating magpakitang gilas para hindi tayo tanggalin," anas muli ni Andak, malalaki naman ang hakbang ko para sumunod sa aking kaibigan. May kaba rin sa aking dibdib, na baka alisin kaming lahat at palitan ng bagong mga tauhan. Pagdating naman sa 3rd floor ay agad kaming pumasok conference room. Madalang lang kaming nakakapasok dito. Kapag may sasabihin lang sa amin ang dating may-ari ng Mall na ito. Nakita kong nandito na ang ibang mga kasamahan ko sa trabaho. Sa pinakang huling upuan kami naupo ni Andak. Hindi naman nagtagal ay may pumunta sa unahan na isang babae. Mukha bago rin ito rito. Baka ito ang secretary ng bagong may-ari ng Mall na ito. "Good day everyone, I'm Hyunjeong Kim, ang secretary ng bagong may-ari ng Mall na ito," narinig kong pagpapakilala ng babae sa amin. Habang pinapakinggan ko ang sinasabi ni Miss Hyunjeong Kim ay lalong lumalakas ang kabog ng aking dibdib. "Sa ngayon--- magsaya muna kayong lahat, hindi pa sigurado kung magtatanggal nga ng mga employees ang big boss," anas ng babae. At dahil sa narinig ko'y parang gumaan ang aking pakiramdam. Ganoon din si Andak. Ang tanging dasal ko'y pasukin ng kabaitan ang may-ari ng Mall na ito. At huwag na kaming alisin. Hindi na raw kailangan humarap sa amin ng may-arin ng gusali. Kaya ang secretary na lang nito ang pinadala rito. Pagkatapos nitong magsalita at magpasalamat ay agad na kaming pinabalik sa aming pwesto. Ako naman at si Andak ay nagmamadaling tumayo para lumabas ng conference room. "Miss Maya Alcose!" napahinto ako sa balak kong paghakbang nang tawagin ako ng secretary ng bagong may-ari ng Mall na ito. Marahan naman akong lumingon sa babae. Alanganin tuloy akong ngumiti rito. "Bakit po, Miss Kim?" tanong kong kinakabahan. "Follow me, because the big boss will talk to you." Hindi na ako nakapagsalita. Lalo na nang umalis na sa harapan ko si Miss Kim. No choice ako kundi ang sumunod dito. Kabado rin ako. Ano kayang dahilan at balak akong kausapin ng may-ari ng Mall. Hindi kaya ako ang unang matatanggal sa Mall na ito? "Huwag naman sana Diyos ko po..." piping dasal ko. Teka! Banggit ba ni Miss Kim, kung sino o ano ang pangalan ng big boss namin? Parang hindi ko yata narinig iyon, ah! Napahilamos tuloy ako sa aking mukha. Hanggang sa makarating kami sa harap ng pinto ng opisina ng big boss. Mukhang malaki ang pinagbago nito. Parang lalong gumada ito ngayon? "Pumasoka na sa loob, Miss Alcose," utos sa akin ni Miss Kim. Kaya kahit kabado ang aking dibdib ay napilitan akong buksan ang pinto ng opisina ng may-ari. Marahan akong humakbang papasok sa loob. Inilibot ko rin ang mga mata ko sa buong paligid. Hanggang sa mamataan ko ang isang lalaking nakatalikod, habang nakaharap sa bintana ng opisina nito. Parang pamilyar sa aking ang tindig nito. Mayamaya pa'y dahan-dahan itong humamarap sa akin. Napaawang tuloy ang aking bibig. Hindi! Totoo ba ito? Siya ba ang bagong may-ari ng Mall? Kinusot ko rin nang ilang beses ang aking mga mata at baka nagkakamali lamang ako ng tingin. Pagkatapos ay muli kong iminulat at tumingin sa lalaki. Subalit bigla akong napaurong dahil, nasa harap ko na ang lalaki. At seryoso itong nakatingin sa akin. Wala rin akong mababakas na ngiti sa mga labi nito. Shit! Ano'ng gagawin ko? Paano kung pag-initan ako nito? Dahil sa ginawa ko ritong pananakit. Lagot ako nito! "Do you still remember me, Miss Alcose?" Nakagat kong bigla ang pang-ibabang labi ko. Lalo at hindi ko alam kung ano ang aking isasagot sa lalaking nasa harapan ko. Parang gusto ko tuloy tukbo papalayo sa harap nito. "Damn it! Don't bite your lips, Miss Alcose!" Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa malakas na pagsigaw nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD