TANIELLA Kahit paano ay nakatulog ako. Pero kapag nagigising ako ay kaagad kong kinakapa ang higaan para alamin kung katabi ko na ba ang asawa ko. Hindi ako nawawalan ng pag-asa na nakaligtas siya sa kapahamakan. Pero kung ilang beses ako umasa ay ilang beses din akong nabibigo. Kaya kapag wala pa rin siya sa tabi ko ay hindi ko pa rin maiwasan hindi tumulo ang luha ko. Pagsapit ng umaga ay nanatili lang akong nakahiga at habang nakatingin sa kisame ay patuloy ang pagdaloy ng luha sa gilid ng mata ko. Gusto ko pa rin maging positibo pero sa tuwing iniisip kong nag-iisa lang siya sa teritoryo ng kalaban ay hindi ko maiwasang mag-isip ng hindi maganda. Paano kung nahuli si Ralphie? Baka pahirapan siya ng leader ng La Lucio. Natatakot ako na iwan na lang siya sa labas ng gate na wala ng

