TANIELLA Kinalma ko ang aking sarili. Parang hindi pa ako nalilinawan sa mga sinabi ni Ermiela. O baka ayaw lang tanggapin ng utak ko na gano'n pala si Cherry? Na nagpapagalaw siya sa iba't ibang lakaki. "Teka lang, seryoso ka ba talaga, Ermie? As in lahat?" Napasinghap siya at mariing umiling. Nabasa niya ang iniisip ko na kung lahat, posibleng pati si Jovann at Jordan ay nakatalik na rin ni Cherry. "Hoy, hindi!" Natawa ako sa naging reaksyon niya. Ayaw niyang tanggapin na pati si Jovann ay makaka-s*x ni Cherry. "Hindi si Jovann. Subukan lang talaga niyang makipag-ano sa Cherry na 'yon, nako, mata n'ya lang ang walang latay." She even raised her fist and clenched it as if Jovann was in front of her. "Makapag-react ka naman akala mo ay boyfriend mo na si Jovann," kantiyaw ko rito.

