TANIELLA Awtomatikong gumalaw ang kamay ko at dumapo sa pisngi niya. Hinaplos ko ito at pinakatitigan ang bawat anggulo ng mukha niya. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa labi niya saka dinampian ng halik. Kasabay ng pagtulo ng mga luha ko ay ang isang matamis na ngiti. Totoo nga na siya ang nasa harap ko. Totoo nga na nandito na siya sa tabi ko. Bumalik na ang asawa ko. Kahit nanghihina pa ay niyakap ko siya ng mahigpit. Muli akong umiyak ngunit sa pagkakataong ito ay luha na ito ng kasiyahan dahil narito na siya sa tabi ko. "A-akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo. A-akala ko ay tuluyan mo na akong iniwan." Hindi ko napigilang humagulgol ng iyak habang nasa mga bisig niya. Siniksik ko pa ang mukha ko sa dibdib niya. "S-sobra akong nag-alala sa 'yo, alam mo ba 'yon? Ang sabi

