TANIELLA Mabilis lang natapos ang seremonya. Sa isang iglap lang ay isa na akong Mrs. Taniella Quejor Zaxton. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. May asawa na ako at dala-dala ko na ang apelyido ni Ralphie. Isa-isa kaming binati ng mga dumalo. Sa totoo lang ay walang ibang narito kundi ang pamilya lang ni Ralphie, si Travis, mga kasama namin sa bahay at ang mga men in black. Pero mas mainam na rin na kaunti lang kami. Mas komportable akong gumalaw dahil kilala ko na ang mga dumalo. Nagkaroon ng kaunting salo-salo. Ngayon ko napag-isip-isip na hindi lang pala selebrasyon ito ng graduation ko kundi selebrasyon din ng kasal namin ni Ralphie. Double celebration ang naganap ngayong araw. Nakakatawang isipin dahil wala man lang akong kaalam-alam na kasal ko pala ang pupuntahan

