TANIELLA Hindi na ako nagdalawang-isip na hagkan siya. Katulad niya ay namiss ko rin siya kaya para saan pa kung mag-iinarte ako? Ito na yata ang pinakamatamis na halik ang natikman ko simula ng hagkan niya ako. Siguro dahil pareho namin miss na miss ang isa't isa. Ngayon ko mas naramdaman ang pagka-miss niya sa 'kin. Ramdam ko iyon sa bawat halik na ginagawad niya sa akin na para bang ayaw na niyang pakawalan ang labi ko. "Can I say that you miss me too?" His voice showed the eagerness to hear from me that I missed him too. Kagat ang ibabang labi ay tumango ako. Lumiwanag ang mukha niya sa naging sagot. "Oh, God. I missed you more, tatlim." Sabay yakap ng mahigpit sa akin na halos hindi ko na magawang huminga. Binitiwan lang niya ako ng magreklamo ako na hindi na ako makahinga sa y

