Dinala ni Bert si Vangie sa gilid ng bahay nila Maricel. Doon kasi nakaparada ang mga sasakyan ng mga bisita nito. “Sasakay na lang ako sa traysikel,” ani Vangie. Kanina pa siya nahihiya dahil sa sinabi kanina ng kanyang kaibigan. Tiwala naman siya kay Bert na hindi nito iyon gagawin, pero na iilang lang talaga siya. Pakiramdam niya bigla ay hinubaran siya ng kanyang kaibigan sa harap nito at inihain dito na para bang masarap na putahe. Umiling si Bert. “Ihatid na kita para –” Agad na sinamaan ng tingin ni Vangie si Bert kaya napatigil ito sa pagsasalita. Tumawa si Bert. “Ang sarap mo talagang asarin. Lalo kang gumaganda.” Iniikot ni Vangie ang kanyang mga mata. “Sinabihan na kita, ‘di ba? Alam mo, magta-traysikel na lang talaga ako,” inis niyang sabi at tumalikod na rito. Kung baki

