“Kung magsalita ka, Marissa, parang hindi ka iniwan nang dahil sa gano’ng rason, ah? Ilang lalake na ba ang nangiwan sa ‘yo dahil hindi ka magaling sumubo?” inis na sabi ni Sheila. Namumula na mukha niya tanda na lasing na siya. Dinuro niya pa si Marissa na pinandidilatan siya. “Ano’ng sabi mo?” Tumayo rin si Marissa at dinuro si Sheila. “H’wag mo akong dinuduro!” sigaw ni Sheila. Halos masubsob na ito sa pagduro kay Marissa. Napangiwi na si Vangie. Mabilis siyang tumayo noong makita niyang nakatingin na sa kanila at hinawakan sa braso ang kaibigan. “T-Teka lang ha? Lasing na si Sheila. Samahan ko lang sa banyo,” ani Vangie at pilit na hinila ang kaibigan. Pilit naman na tinanggal ni Sheila ang pagkakahawak sa kanya ni Vangie. “Hindi ah! Sandali lang at susupalpal–” Tinakpan na n

