Chapter 109 Beatrice Celestine PAROON at parito ako sa loob ng kwarto. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Parang walang direksyon. Lalapit sa bintana, tapos babalik sa pinto. Babalik sa kama, tatayo ulit. Paikot lang. Paulit–ulit. Kahit ako parang nahihilo na. Pupuntahan ko ba siya o hindi? My God, Trice. Konting buwelo lang, baka malusaw na naman ang pride mo. Pero ang sakit kasi, eh. Ang bigat sa loob. Hindi ko maintindihan kung anong klaseng rason ang meron si DN at nagawa niya ito sa akin. Nagawa niyang itago sa akin na buhay pa siya. Iniwan niya akong magdusa sa paniniwalang patay na siya. He let me cry alone, sleep alone, suffer alone. Why? For what? Kahit anong gawin, kong pag–unawa sa sitwasyon ayaw ng utak ko. Sumilip ako sa bintana. Nakita ko ang triplets, masayang naki

