bc

Marrying the Cold–Hearted Doctor

book_age18+
7.4K
FOLLOW
134.0K
READ
billionaire
HE
second chance
arranged marriage
arrogant
heir/heiress
bxg
campus
musclebear
like
intro-logo
Blurb

Description:

"You can take my name, but you will never have my heart. Oo, maitatali mo ako sa'yo sa harap ng batas, pero hindi mo ako kailanman magagapos sa tunay na pagmamahal."---Dmitri

Isang sikat na artista si Beatrice Celestine Madrigal. Anak siya ng bilyonaryong doktor na si Kaydan Angelo Madrigal. Spoilt, wild, at free, ayon sa kanya, makukuha niya ang gusto niya sa isang pitik lang ng daliri niya. Sa kabila ng kanyang kasikatan at sa dami ng kalalakihang nahumaling sa kanyang ganda, pero ang puso niya ay para lamang sa iisang lalaking unang kita pa lang niya ay minahal na niya.

Si Doktor Dmitri Nikolai Hayes ay personal Doktor ng kanyang Lolo. Isang brilliant pero cold–hearted na cardiologist, ang lalaking napupusuan niya. Problemado siya rito pero lahat ng paraan ay handa niyang gawin para mapansin ng binata kahit maging stalker pa siya, dahil artista at magaling umarte, ginamitan niya ng kanyang charm, pero lahat ng iyon ay hindi tumalab sa binata.

Masakit sa puso niya na malaman na magpapakasal na ito sa kanyang long, time girlfriend na isang simpleng babae lang na taga, hacienda at isa ring Doktor. Handa siyang gawin ang lahat, mawasak lang ang pagmamahalan ng dalawa para siya ang pakasalan ng binata.

Nagtagumpay siya sa mga plano niya, pero handa nga ba siya sa mga kabayaran ng kanyang mga ginawa? Matititiis ba niyang araw–araw siyang parang hangin lang sa paningin ni Dmitri? Masusuklian ba ni Dmitri ang pagmamahal na Beatrice kung sa umpisa pa lang, hindi niya talaga mahal ang dalaga?

Saan ba hahantong ang pag–ibig ni Beatrice kay Dmitri? Mamahalin kaya ni Dmitri si Beatrice? Ano ang mangyayari kung ang pag–ibig ay nagsimula sa mali?

chap-preview
Free preview
Teaser Scene
This story is a work of fiction. Names, characteristic, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events , or locales is entirely coincidental. Teaser Scene Beatrice Celestine "I now pronounce you husband and wife." Tinitigan kong mabuti ang sarili ko, isang matagumpay na ngiti ang gumuhit sa aking mapulang labi. Ang bawat hibla ng aking buhok ay maingat na inayos, ang aking makeup ay siguradong perpekto, at ang puting gown na suot ko'y bumagay sa aking mala–diyosang kagandahan. Ako si Beatrice Celestine Madrigal, isang sikat na aktres—at ngayon, ako na si Mrs. HAYES. "DN, make sure na lahat ng headlines bukas ay maganda. I want the world to see how perfect we are." Pakiusap ko na pilit binigyan saya ang tinig ko. He simple chuckled, bahagyang inilapit ang kanyang labi sa tenga ko, saka marahang bumulong sa pagitan ng pekeng ngiti. "Artista ka nga, Beatrice, masyado kang plastic. Hindi ka lang magaling umarte, pagdating sa kaplastikan pang Best Actress ka rin." I gritted my teeth. Kahit ano pa ang sabihin niya, wala siyang magagawa na, at wala nang makakaagaw sa kanya mula sa akin. "DN, please..." Mas lalo pa siyang lumapit sa akin. Ramdam na ramdam ko na ang init ng hininga nito'y dumampi sa aking tenga, pero sa halip na tamis, isang malamig at mapait na bulong ang bumangga sa aking pandinig. "In your dreams." He answered coldly, kasabay ng isang mapanuyang ngiti. "Tandaan mo, ang kasal na ito? Pawang kaplastikan lang." Para akong sinampal ng katotohanan. Gumuho ang ilusyon ng kaligayahang na pilit kong ipinapakita sa lahat. Ngunit hindi ako puwedeng matinag. Hindi ako puwedeng magpatalo. Kaya kahit parang may kutsilyong bumaon sa dibdib ko, pinilit kong ngumiti sa mga tao sa paligid. Isang mahina at pilit na ngiti, pero perpekto—eksaktong ngiting lang na dapat makita ng buong mundo. "I know," sagot ko, pinilit na bigyang lakas ang tinig ko. "Kahit kaplastikan lang ito sa'yo, hindi mo mababago ang katotohanan—ikaw ang asawa ko." Bahagya siyang natahimik. At maya–maya bigla siyang tumawa, low but full of sarcasm. "Asawa?" Inulit niya ang salita na parang lasang mapait sa bibig niya. "Don't take it seriously, mahal. Ikaw ang bida rito, hindi ako," aniya, patuloy sa panunuya. Pero hindi pa rin ako papatalo sa kanya. Isa akong Madrigal at walang Madrigal ang sumusuko, kahit gusto ko nang bumigay. "Tawanan mo man ito ngayon, pero—wala kang magagawa, Love. Ikaw ang asawa ko, at mula ngayon, wala ka nang takas sa akin." Nagtagpo ang mga mata namin—parehong matigas, parehong hindi papatalo. Pero sa pagitan ng galit at panunuya, may isang bagay na hindi namin pwedeng itago. Kasal na kami. From now on, pareho kaming nakakulong sa mismong kasal na pilit niyang tinatakasan. Ang bawat flash ng camera ay tila nagkukubli sa katotohanan. Walang nakakaalam. Walang nakakakita. Sa totoo kong damdamin. Lahat sila, abala sa paghangang akala nila'y isang perpektong bagong kasal. Pero ang lalaking katabi ko? Ni hindi man lang magkunwaring masaya. Diretso kami sa stage. Nakapalupot pa rin ang kamay ko sa braso ni DN pero parang balewala lang ito sa kanya. Wala itong emosyon, parang estranghero na napilatan lang humarap sa mata ng publiko. Pero anong paki ko? Ako ang panalo rito. Ako ang babaeng nasa tabi nito. Ako na si Mrs. Hayes. Pagdating namin sa harapan, inabot sa akin ang mikropono. Huminga ako nang malalim bago nagsalita. Malakas, malinaw, at puno ng pagmamalaki. "Good evening, everyone...Tonight is the happiest night of my life. Finally, I am standing here as Mrs. Beatrice Celestine Hayes. And I just want to say... I am the luckiest woman in the world." Nilingon ko si Dmitri nagbabakasakaling may kahit katiting na emosyon sa mukha nito—kahit pilit na ngiti man lang para sa mga bisita. Pero wala. Ang lalaking pinakasalan ko ay malamig pa sa yelo, at ang titig nito sa akin ay puno ng poot. Nagpatuloy ako, hindi alintana ang bigat sa dibdib ko at sakit. "I have loved this man for so long. And now, I finally get to spend forever with him." Napuno ng palakpakan ang buong lugar. May mga kinikilig, may mga naiinggit lalo na sa mga mata ng ibang kababaihan. Wala silang alam. Wala silang ideya kung ano ang totoo. Kung ano ang totoo sa amin ni Dmitri. Tumingin ako kay Dmitri, hinihintay ang sagot niya—isang salita, isang pagkilala na ako ang asawa niya ngayon. Gusto kong marinig na ipagmamalaki niya ako sa madla. Pero sa halip, marahan nitong kinuha ang mikropono. Tumingin ito sa mga tao, saka dahan–dahang binalingan ako. At sa tinig na hindi matigas pero punong–puno ng galit, nagsalita ito. "Swerte nga ba?" Maiksi lang iyon pero napakalalim ang kahulugan sa akin. Isang piraso ng impyerno sa gitna ng aking pinangarap na paraiso. Napatigil ako, pero hindi ko hinayaang magpatinag. Ngumiti ako, pilit, katulad ng mga ngiting ibinibigay ko sa camera kanina. Walang nakapansin sa tensyon. Walang nakakita sa pekeng fairy tale na gawa–gawa ko. Lahat sila, naniwala sa kasinungalingan. At iyon ang mahalaga. Nagpalakpakan ang lahat matapos ang maiksing sinabi ni Dmitri kahit nasa mukha nila ang pagtataka sa sinabi ni DN. Pero hindi doon nagtatapos ang lahat. Kitang–kita ko ang pag–igting ng panga nito, ang malamig na titig na hindi man lang nagtangkang itago ang hinanakit. At bago pa ito magsalita ulit, napansin kong gumalaw ang mga mata nito—parang may hinahanap. Sinundan ko ang direksyon ng tingin nito. At doon, sa pinakadulong mesa, nakita ko si Angela. Nakahawak ito sa isang basong alak na hindi man lang niya ginalaw, ang lungkot sa kanyang mga mata ay parang punyal na bumaon sa puso ko. Bigla akong kinabahan. Ayaw kong aminin, pero masakit. Tumikhim si Dmitri. Dinig na dinig iyon sa buong reception, lalo pa't malapit ang mikropono sa bibig nito. Tumigil ang pagbulong–bulungan ng mga bisita, at lahat ng atensyon ay nakatuon sa amin. Tumingin siya sa akin. And Dmitri smirked, isang ngiting puno ng panunuya. At saka ito nagsalita ulit. "I don't love this woman." Ipagpapatuloy.......

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
29.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

His Obsession

read
103.9K
bc

The naive Secretary

read
69.6K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook