Prologue

955 Words
PROLOGUE Beatrice Celestine TODAY is our first wedding anniversary— and I wanted it to be special. Napatingin ako sa orasan. Alas–dose na ng gabi, ako na lang ang gising at heto ako naghihintay pa rin sa kanya. Tahimik ang buong bahay maliban sa tunog ng ulan sa bubong. Nang marinig ko ang paghinto ng sasakyan niya sa tapat, napabalikwas ako. Dumating na rin siya. Mabilis akong tumayo mula sa kinauupoan ko, tumakbo ako papunta sa aparador at kinuha ang isang tuwalya. Tiyak kong basa siya ng ulan. Gusto ko siyang salubungin, gusto kong iparamdam na kahit anong mangyari, andito lang ako, hinihintay siya. Mabilis akong pumwesto sa harap ng pinto, inayos ang sarili, at isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ko. Binuksan ko ang pinto, nakita ko siyang nakatalikod. May kausap sa phone. "Huwag kang mag–alala, nakauwi na ako. I'm safe." Natigilan ako. Nawala ang ngiti sa labi ko. Napahigpit ang hawak ko sa tuwalya, habang patuloy na nakikinig sa kanya. "Ikaw? Okay ka ba?" Puno ng lambing na tanong niya sa kabilang linya. Nag–iba ang pintig ng puso ko. Naghuhumirintado sa bilis para dahilan manikip ang dibdib ko sa sakit, pero pinilit kong balewalain ang lahat. Nagbingi-bingihan ako na tila wala akong naririnig "I love you. Ilang oras pa lang tayong magkahiwalay na miss na agad kita." Nag-init ang bawat sulok ng mga mata kasabay nang paninikip ng dibdib ko. Malamig na ang paligid pero mas lalong nanlamig ang buong katawan ko, sa sakit Hindi ko na kinailangang hulaan kung sino ang kausap niya. Alam ko na. Kaya pala natagalan siya. Kaya pala hindi siya nakauwi agad. Dahil may iba siyang inuwi bago siya umuwi sa akin. Mabilis niyang binaba ang kanyang cellphone, at nang humarap siya sa pinto, bahagya siyang nagulat na makita ako Agad niyang isinilid ang cellphone niya sa kanyang bulsa, na parang wala lang. Na parang hindi niya lang ako tinusok ng kutsilyo sa dibdib ko ng ilang segundong nakalipas. "Bakit gising ka pa?" tanong niya, na walang emosyon Huminga ako nang malalim. Nilunok ang sakit. Pinilit ngumiti. Iniabot ko sa kanya ang tuwalya. "Ipunas mo," sagot ko, kalmado ang boses kahit pakiramdam ko'y basag na basag na ako sa loob ko. Inabot niya ang tuwalya pero hindi niya ako tinitingnan sa mata. Saka tumalikod siya. Tahimik akong sumunod sa kanya. Naglalakad lang siya papunta sa kwarto, ni hindi man lang lumingon sa akin. Hindi ko na napigilan. Muli akong nagsalita. "Hinihintay kita," mahina kong sabi, pero alam kong dinig niya. Dahil hindi naman malayo ang distansiya naming dalawa. Bigla siyang huminto at dahan–dahan na humarap sa akin. May iritasyon sa kanyang mukha, halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. "At bakit mo naman ako hihintayin? Wala akong sinabi sa'yo na hintayin mo ako." I swallowed hard, pilit pa ring magpakatatag kahit sobrang nasasaktan na. "Wala ka bang naalala ngayong araw?" Nagtaas siya ng kilay, hindi man lang nag–isip. "Wala." He answered bluntly and no remorse in his voice. Walang pag–aalinlangan. Walang kahit anong emosyon. Natawa ako, pero hindi dahil sa tuwa. Kundi sa pait. Masakit pero patuloy pa rin ako. "Anniversary natin ngayon," pinalala ko, kahit alam kong wala nang saysay. Dapat ba akong masaktan sa nakalimutan niya? O mas masaktan sa sunod niyang ginawa? Dahil tumawa lang siya. Pinagtawanan niya lang ako. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magalit. Pero ang ginawa ko? Nilunok ko na lang ang sakit. Kahit napakasakit. Naiiyak na ako pero pilit ko lang pinipigil ang sarili ko. "Alam mo, kaya ko rin namang ibigay sa'yo ang kayang ibigay ni Angela." Alam kong desperado na ako. Alam kong sobrang baba na ng tingin niya sa akin. Pero sa loob ng isang taon na magkasama kami, isang taon na nagmamahal akong mag-isa—hindi niya man lang ako magawang tinignan bilang asawa. Kaya ngayon, titiyakin kong wala na siyang dahilan para hindi ako tingnan na tulad kung paano niya tingnan si Angela. Isa-isa kong hinubad ang suot kong damit. Hindi ko siya tinapunan ng tingin, pero ramdam kong nakatutok ang mata niya sa'kin. Nang tuluyan akong mawalan ng saplot, sandaling gumuhit ang pagnanasa sa mga mata niya. Pero agad din iyong nawala. At napalitan ng galit. Bigla niyang pinulot ang mga damit kong nagkalat sa sahig at walang sabing ibinato sa'kin. "Nakakahiya ka," he said disgustingly. "Kung ano–ano na lang ginagawa mo para makuha ang gusto mo. Sa tingin mo, mamahalin kita dahil naghubad ka sa harapan ko? You are wrong. Hindi mangyayari 'yon." Hindi ako makagalaw. Para akong pinako sa kinatatayuan ko, wala ni isang takip sa katawan, pero parang mas hinubaran ako sa harap ng mga salitang binibitawan niya, tagos hanggang kaluluwa ko "Artista ka nga. Cheap. Sobrang cheap. Diba, ganyan kayong mga artista, kahit anong ipagawa sa inyo sinusunod niyo?" Napalunok ako. "Ang linaw ng sinabi ko sa'yo, no s*x in this marriage. Kahit sa panaginip ko hindi ko maatim na isipin na sipingan ka." Tila may humigpit na tali sa lalamunan ko. Halos maubusan na ako ng hangin sa dibdib. Ang mga salitang namutawi sa labi niya ay parang patalim na humihiwa sa bawat piraso ng pagkatao ko. Masyadong matalim ang kanyang dila, walang buto pero sobrang makadurog sa buo kong pagkatao. Nagpatuloy pa rin siyang magsalita, parang manhid sa nararamdaman kong sakit. "Ikaw lang naman ang nagpupumilit sa marriage na ito." Huminga ako nang malalim. Kinagat ko ang pang–ibabang labi ko, pilit nilulunok ang sakit ng mga sinabi niya. Kahit ganito...kahit tinatrato niya akong basura… Mahal ko siya. At handa akong ibaba ang sarili ko, handa akong isuka ang pride ko—mahalin niya lang ako kahit kaunti. Kahit konti lang. Ipagpapatuloy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD