Chapter 108 Dmitri Nikolai BUMUKAS ang elevator. At mabilis akong lumabas, nakatuon lang ang mga mata ko sa screen ng phone ko. Nasa Level 17 na ako. Naka–highlight pa ang pulang dot. Pero bago pa ako makalakad ng tatlong hakbang nawalan ako ng signal. Dammit. Nawala ang tracker. Biglang nag–blangko ang screen. Walang GPS. Wala ring signal. "s**t!" Napamura ako, binilisan ko ang lakad. San dinala ni Paolo si Beatrice?! Palinga–linga ako sa paligid. Sobrang tahimik. Walang katao–tao sa labas. Isang hallway na puro pinto. Mga kuwarto. Private rooms. Tulad ng mga rooftop resto na may hidden lounges para sa VIP. Mabilis ang bawat galaw pero maingat. Sinubukan kong buksan ang unang pinto. Locked. Pangalawa, ganun din. Pangatlo—still locked. "Tangina naman oh!" Nagsimula nang bumiga

