Chapter 59 Dmitri Nikolai HER palms were on my chest at tinulak niya ako ng ubod ng lakas na dahilan para mapa–atras ako at mabitawan siya. Kasunod niyon—isang malakas na sampal. Sapat para maramdaman ko 'yung kirot, hindi lang sa pisngi kundi hanggang sa loob. "How dare you!" bulyaw niya. "Wala kang karapatang yakapin ako! Lalong wala kang karapatang halikan ako!" Gusto kong sumagot, pero namuo lang ang lahat ng salita sa lalamunan ko. Masama siyang tumingin sa akin na parang hindi na ako tao—parang isa akong multong hindi niya kailanman gustong makita. "You lose your chance, asshole!" dagdag niya, boses niya nanginginig, ramdam ko ang galit. Nilapitan ko siya, sinubukang yakapin ulit pero umatras siya. "Beatrice...please... pakinggan mo lang ako kahit ngayon lang," pakiusap ko pero

