Chapter 20 Beatrice Celestine ISANG linggo na ang lumipas simula nang tumira ako rito sa bahay ni DN. Sa loob ng isang linggo na iyon ay walang nagbabago. Wala pa ring "kami." Oo, magkasabay kaming kumakain—pero parang wala lang ako sa kanya. Tahimik lang siya. Kahit tingnan ako hindi niya ginagawa, walang tanong at walang kwento. Para kaming dalawang taong napadpad sa iisang mesa, pero hindi magkakilala. At sa gabi... hindi rin kami magkatabi matulog. Doon siya sarili niyang kuwarto, at ako, mag–isa sa silid na tinutuluyan ko. Iniisip ko na lang normal lang ito sa amin. Pero araw–araw na lang ganito. Paulit–ulit. Nakakapagod din pala maging invisible sa bahay ng sarili mong asawa. Sa loob ng isang linggo, halos buong araw ko sa kapehan nauubos. Sa opisina lang ako—pero wala namang gi

