Chapter 26 Beatrice Celestine WALA nang salitang namagitan sa aming dalawa habang tinatahak ang daan papunta sa hacienda nila. Hanggang sa marating namin ang malaki at eleganteng bahay, agad kong inabot ang doorknob para bumaba, pero bago ko pa man mabuksan, pinigilan ako ni DN. "I got this," malamig niyang sabi. Sabay labas ng kotse para siya na ang magbubukas ng pinto. For a split second, gusto kong matawa. Gusto kong ma–appreciate 'yung effort niya—pero bago pa man ako makaramdam ng kahit anong soft emotion, napako ang tingin ko sa malaking double door ng bahay. Nakatayo roon si Tita Zoey, sopistikada ang tindig, parang nakaabang talaga sa pagdating namin. Kaya pala todo pakitang tao siya. "Plastic talaga," usal ko sa isip, sabay pigil ng buntong-hininga. Bumukas ang pinto para sa

