Chapter 66 Beatrice Celestine MAGKAHAWAK ang kamay namin ni Brent habang papasok sa venue. Malumanay ang ngiti ko, but deep inside of me, sobrang kabado ako. Nang bumungad kami sa mga bisita, sabay–sabay ang palakpakan at hiyawan. "Ladies and gentlemen, here comes the birthday celebrant!" sigaw ng emcee. Kumaway ako sa lahat. Nakangiti. Kunyari kalmado lang. Pero nang makita ko ang mga magulang ko sobra talaga akong na–touch, pati mga kapatid ko—lahat sila umuwi despite their busy schedule, just to be here tonight. Inabot sa'kin ng bunso kong kapatid ang isang bouquet ng bulaklak. Halos sabay–sabay akong niyakap, binati at hinagkan sa pisngi ng parents ko. Then dumating si Lolo Franco at si Lola Penelope. Mainit ang yakap nila, ramdam kong masaya sila para sa akin. But in the back of

