Chapter 02: Pagtanggi sa alok

1913 Words
Chapter 02–Pagtanggi sa alok Beatrice Celestine NAGPAALAM si Lolo Franco na may kailangan silang pag–usapan ni DN sa library. Tumango lang si Lola bilang pagsang–ayon, at ganoon din naman ako. Pinanood ko ang dalawang lalaki habang papasok sa loob ng mansiyon, saka ko lang napansin na halos magkapantay lang pala sila ng tindig. Parehong may dating, parehong may awtoridad. Nang tuluyan nang mawala sa paningin namin sina Lolo at DN saka bumaling sa akin si Lola Penelope, may malambing na ngiti sa labi. "Ngayon lang kita nakitang tila nagkaroon ng interes sa lalaki, apo," malumanay niyang sabi. I furrowed my brows. "Hindi naman po. Curious lang." Umiling si Lola, tila aliw sa sagot ko nasa mga mata niyang hindi naniniwala sa akin. "Well, wala namang masama kung interesado ka nga. Binata siya at dalaga ka," tukso sa akin ni Lola. Hindi ko na lang siya pinansin at iniwas ang tingin. Pero hindi ko rin napigilan ang sarili kong magtanong. "Sino ba talaga siya, La?" Mas lalong sumilay ang malambing na ngiti sa labi ni lola bago siya sumandal sa upuan. "Anak siya ng isang haciendero, may sariling distillery at coffee farm ang pamilya nila. Tiyuhin ni Mikhail Hayes ang Daddy ni DN ang asawa ni Yanna ang anak ni Zane." Napatango ako. "Yeah! Kaya pala pamilyar ang apelyido. So... mayaman din?" Bahagyang natawa si Lola. "Hindi kasing yaman natin, apo. Si Daniel ang father ni DN, hindi kasing yaman ng mga pinsan niyang Hayes. May kapehan sila, at hindi rin kasing lawak ng coffee farm natin sa Laguna, pero hindi naman 'yun ang mahalaga." Nagtaas ako ng kilay. "Then what is?" "He has a good heart, Trice." Natahimik ako at marahan na tumango. Sa totoo lang, kung ang basehan ay ang unang impression ko kay DN, hindi ko alam kung paano nasabi ni Lola 'yon. Wala pa akong nakikitang ebidensya na mabuting tao nga siya. Suplado ang tingin ko, tahimik, mukhang laging seryoso. Pero syempre, hindi ko naman pwedeng kontrahin si Lola. "And..." pagpapatuloy niya, bahagyang bumigat ang tono ng boses, "sana pumayag ka sa kondisyon ng Lolo mo." Napakunot ang noo ko. "Kondisyon?" Tumango si Lola. "Napagkasunduan ng Lolo mo at ng Daddy niya na magtayo ng hospital sa lugar nila. And your grandpa wants DN to manage it. Pero..." huminga siya nang malalim bago ako tiningnan nang diretso, "may ilang kondisyon." Nakuryos ako at nanatiling nakatitig kay Lola, naghihintay ng kasunod na sasabihin niya. Pero imbes na sagutin ako, ngumiti lang siya nang makahulugan. At doon pa lang ako nakaramdam ng kaba. Napahikab ako, ramdam ko na pagod at bigat ng katawan ko, pati na rin ang antok na kanina ko pa pinipigilan. Kaya pagkatapos ng mahaba–habang kwentuhan namin ni Lola, nagpaalam na ako. "Lola, aakyat na po ako sa kwarto ko. Sobrang pagod na ako sa taping kanina." Malambing siyang tumango. "Sige, apo. Magpahinga ka na." Naglakad na ako papasok sa loob ng mansyon, at habang papaakyat sa hagdanan, nahagip ng gilid ng mga ko ang bahagyang bukas na pinto ng library. Narinig ko ang nag–uusap sa loob. Hindi ko naman ugaling makinig sa usapang hindi para sa akin—pero may kung anong nag–udyok sa akin na huminto. At makinig sa usapan nila. Napakunot ang noo ko. Mukhang seryoso ang tono ng dalawa? Ayaw ko sana, pero....naging interesting para sa akin ang makinig. Curiously. I walked slowly towards the door. Bahagyang nakabukas. Nakita ko sila sa loob. Si Lolo, Franco, nakasandal sa kanyang swivel chair, may bahagyang ngiti sa labi. Si DN naman, nakikinig nang mabuti sa harapan, halatang interesado sa sinasabi ng matanda. "Gusto kong matuloy ang ospital na ipapatayo ko sa inyo," malumanay pero may awtoridad ang tinig ni Lolo Franco. "Isa itong proyekto na matagal ko nang iniisip." Mas lalo akong lumapit para mas maging malinaw sa akin. "It's my pleasure kung mangyari po iyon," sagot ni DN, kita sa boses niya ang kasabikan. Ngumiti si Lolo. "Mangyayari iyon—" Saglit siyang huminto, saka muling nagsalita. "Actually, nakausap ko na ang Dela Costa Construction Company. Sila ang gagawa ng buong proyekto, mula plano hanggang pagtatayo ng ospital." Napakunot ang noo ko. Kilala ko ang Dela Costa—isa sila sa pinakamalalaking construction firms sa bansa ngayon, at kilala sa pagpapatayo ng matitibay at magagandang gusali. "At ang napili naming architect ay si Yuan Dela Costa," dagdag ni Lolo. Muling tumango si DN, halatang nasisiyahan sa usapan. "I'm happy with this plan. Hindi ko na mahintay na makita itong matapos, sir." Tumango–tango ang Lolo. Ngunit sa sumunod na sinabi ni Lolo, tila nagbago ang ihip ng hangin. "Pero may isang kondisyon." Napansin kong biglang tumuwid ng upo si DN. Kita sa mukha niya ang interes, pero halata rin ang bahagyang pag–aalala. "Ano po iyon?" tanong niya, diretso ang tingin kay Lolo. Sa halip na agad sumagot, tila nag—isip muna si Lolo. Matagal siyang ang katahimikan sa kanilang dalawa, para bang sinisigurado niyang tama ang kanyang sasabihin. May dalawang beses na nag–alis ng bara sa lalamunan. At ilang segundo pa ang lumipas bago niya binasag ang katahimikan. "You will marry my granddaughter, Trice." He said bluntly. I froze. At nanlaki ang mga mata ko. At si DN, kita ko kung paano nagulantang sa sinabi ni Lolo Franco. Tumiim ang mukha ni DN habang ginagawa ang banayad na pagmasahe sa batok nito. Saglit siyang hindi nakapagsalita, halatang nagpoproseso pa ang utak niya. Bumaba nang bahagya ang kanyang kilay, saka napatingin kay Lolo, para bang naghihintay kung may kasunod pa ito. Ako naman, nanatiling naninigas sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Gulat? Inis? Takot? Pero ang sigurado ako—hindi ko inasahan na ito ang magiging kondisyon ni Lolo. Ang pakasalan ako ni DN. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Natawa ako ng pagak. Ikakasal ako? Aaminin ko—may bahagi ng puso ko ang natuwa. Isn't it a good idea? Kasal. Sa isang lalaking tulad ni DN. He's responsible, good–looking, and obviously smart. Sa lahat ng pwede, hindi naman siguro kawalan kung siya ang magiging asawa ko. Pero ang saya ko ay agad na napalitan ng kirot nang makita ko ang naging reaksyon ni DN. Bigla siyang umiling. Diretsong tumanggi. "What?" Parang may kung anong bigat ang bumagsak sa dibdib ko. "May girlfriend ako, Sir," dagdag pa niya, seryoso ang boses. "And your granddaughter is beautiful—" Saglit siyang tumigil. Nakatingin kay Lolo, parang nag-iingat sa sasabihin. "—elegant, smart, and undeniably charming." Napangiti ako sa sinabi niya. Masaya akong marinig iyon pero hindi pa siya tapos sa sasabihin niya. "But I can't." He said firmly. "I'm sorry. Hindi ko kayang magpakasal dahil lang sa isang kasunduan." Humingi siya ng paumanhin kay Lolo. Nakaramdam ako ng kirot sa loob ko. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero parang may tumusok sa puso ko. Pero si Lolo? Hindi natinag. Sa halip na sumuko, nagkibit–balikat lang siya. "Pag-isipan mo, DN." Kalmado ang tono niya, pero may bahagyang diin. "Talagang nireto kita sa Apo ko. Hindi mahirap mahalin si Trice." Parang napako ako sa kinatatayuan ko. "Gusto ko lang siyang mapunta sa tamang tao, DN," malumanay na sabi ni Lolo pero madiin. Tumango–tango si DN. At sa sarkastikong tono ay: "I'm not the right man for your Apo." Napasinghap ako. "I'm sorry," ulit niya, mas mahina ang boses. "I can't marry her dahil lamang sa sinabi niyo. I respect you, sir. I respect your family. I'm your doctor, pero sana hanggang doon lang." Bahagya akong napaatras at napahawak sa dibdib ko. Hindi lang ako, nasasaktan para sa sarili ko, kundi nasasaktan ako para sa aking abuelo. Nakita ko ang bahagyang paglungkot ng mukha ni Lolo. Sa unang pagkakataon, parang nawalan siya ng kasiguraduhan. At doon ko lang napagtanto—ang sakit palang marinig ang pagtanggi ng isang tao sa'yo. Kahit halata ang lungkot sa mga mata ni Lolo Franco, nagawa pa rin niyang ngumiti. Isang pilit na ngiti, pero sapat para mapanatili ang dignidad niya sa harap ni DN. Tumayo si DN mula sa kanyang kinauupuan. Straight posture, composed expression—parang walang nangyari, parang hindi niya lang tinanggihan ang alok ni Lolo. "Thank you sa pag-imbita, sir," magalang niyang sabi. "I appreciate it." My Lolo nodded, pero sa kabila ng pilit na ngiti, hindi kayang itago ng mga mata niya ang lungkot. Papalabas na sana si DN nang muling magsalita si Lolo. "Pag-–isipan mo, hijo." Kalmanteng pa ring sabi ni Lolo. Hindi na lumingon si DN. Tanging tango lang ang isinagot niya bago tuluyang naglakad palabas ng library. Agad akong umatras mula sa pinto at nagmadaling sumandal sa pader. Ayokong makita niya akong nakikinig sa kanila. Pero alam kong kailangan kong kausapin siya. Gusto kong humingi ng pasensiya. Kahit ang totoo—masakit. Diyos ko, sa unang pagkatataon may lalaking tumanggi sa akin, masakit pala. Siguro dahil sanay ako sa papuri. Pagkalabas ni DN sa pintuan, hindi niya ako agad napansin. Diretso lang siyang naglakad, mabilis. Pero hindi ako nagdalawang—isip. Hinabol ko siya. "DN, wait! Pwede tayong mag–usap?" Tumigil siya, dahan—dahang na lumingon sa akin. Dumaan ang ilang segundo bago siya nagsalita. "Yes?" I took a calming breath, bago lumakad palapit sa kanya. "I just want to say sorry....sa sinabi ni Lolo. Hindi ko rin inaasahan 'yon." Tinitigan niya ako nang matagal. Hindi ako sigurado kung may hinahanap siyang emosyon sa mukha ko, pero nang magsalita siya—directly, walang pag—aalinlangan. "I appreciate that, Ms. Madrigal, pero hindi mo kailangang humingi ng sorry. You're not the one who made the decision." Napayuko ako. "Still, I felt the need to apologize." Napahinga ako nang maluwag nang makita kong walang bahid ng galit sa mukha niya. Pero wala rin akong nakitang remorse. Ni pagsisisi sa pagtanggi niya sa lolo ko, siya lang ang malakas ang loob na tumanggi sa aking Lolo. At isa sa mas masakit? Prangka siya kong magsalita. Walang paligoy– ligoy, diresto, tatagos sa kabuto—butohan mo. "Siguro kung gusto kita, I would've said yes." Para akong binuhusan ng napakaraming ice bucket. Tila nanigas ang katawan ko. "Pero hindi, Trice. May mahal na ako. At hindi ko siya pwedeng ipagpalit dahil lang sa isang kasunduan." Hindi ako agad nakapagsalita. Tagos sa puso ko ang bawat salita niya pero hindi pa siya tapos. "If I ever get married, I want it to be because I love the person." Matagal akong nanatiling tahimik. Hindi ko alam kung paano ko ibabalik ang composure ko. Pero kailangan. Kailangan kong magmukhang okay. "I...I understand," pilit kong sagot, kahit ang totoo, hindi ko maintindihan kung bakit ang sakit pala ng rejection. Sa unang pagkakataon naranasan kong ma–reject. He can't be blamed. Kahit sino naman ay magugulat sa ganitong sitwasyon. I swallowed hard. Pilit inaalis ang tila bumara sa lalamunan ko. Nag–init ang bawat sulok ng mga mata ko pero hindi tutulo ang mga luha ko. "Hope we can still be friends," dagdag ko, pilit ang ngiti. For the first time, ngumiti rin siya. Mahina lang, pero may sincere. "Yeah. Friends." Tahimik lang akong tumango. "And let's keep this professional," dugtong niya. "I hope I didn't offend you, Trice. Prangka akong tao, hindi uso sa akin ang 'oo' nang 'oo'." Umiling ako, pilit na nagpapakatatag. "No, of course not." Pero ang totoo? Nasaktan ako. Durog ang puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD